Ok, so officially, naiinggit ako kay Manny Pacquiao. Hindi dahil kumita siya ng three million pesos. Hindi dahil maganda ang trunks at boxing shoes niya. Hindi dahil pag-aari na niya ang kalahati ng Gen San. Hindi dahil parang Cachupoy pa rin ang buhok niya. At hindi dahil apat na ang title belt niya (hello, apat din kaya ang belt ko, iba-iba pa ang buckle. May dollar sign, license plate, ulo ng toro at butterfly. Butterfly!? Hahaha)

So, bakit ko kinaiinggitan si Manny? Kasi naman, nakapicture niya ang mga idol ko sa Boston Celtics! Mantakin mo yun, hindi in-edit sa Photoshop ang mga picture na iyon. As in, dumalaw talaga sa locker room ni Manny sina Paul Pierce, Kevin Garnett, Ray Allen at Sam Cassell (well, sila lang nakita ko eh. Sensya na doon sa ibang players. Parang kapitbahay lang eh no? Hehe). Ang saklap talaga ng mundo! Ayoko na! Magdi-DH na ako sa Boston para mangyari din sa akin yan. Hehe.

Pero sobra, parang gusto ko tuloy i-edit yung mga photos nila para mailagay ang mukha ko sa katawan ni Manny. Or ipapa-blow up ko yun para maging life size tapos, tatanggalin ko yung fez ni Pacman para magkaroon ng butas kung saan pwede kong i-shoot ang ulo ko para makapagpa-picture. Oh di ba, parang Luneta at Manila Zoo lang. Pwede ko pa pagkakitaan yun: limang piso sa bata, sampung piso sa matanda at cell number na lang para sa mga magaganda. Hehe.

Sa kabila naman ng lahat, ipinapakita lang nito kung gaano na kataas ang bituin ni Manny Pacquiao sa mundo ng boksing o pati na sa mundo ng palakasan. Akalain mo yun, ang mga kampeon na ng NBA ang bumisita sa kanya. Tapos noong isang laban pa niya eh si Undertaker at si Apl.De.Ap ang kasama niya sa entourage. He’s really come a long way. And for that, naka-ilan sakay kaya si Manny bago nakarating dito? Nagwa-one, two, three rin kaya siya noon? At gumamit din ba siya ng “pull the string to stop noon”?

(more…)

Ladies and gentlemen, live from the PCSO draw court in Quezon…Teka teka teka (at isa pang teka, at isa pa na makakarating sa Amerika. Hehe), bakit nasa lotto ang TV natin? Wala ka naman taya ha! Ilipat mo sa channel 77 3/4 at malapit na magsimula ang Miss Reyna ng Palengke 2008. Dali, ilipat mo na!

(At biglang lumabo ang reception ng channel 77 3/4)

Teka teka teka (at isa pang teka. Hehe), diyan ka na lang muna. Galawin mo yung antenna. Ayan, huwag mo na bitawan ang antenna. Mas malinaw ang reception kapag ganyan. Hep hep, huwag ka nga huminga, gumugulo yung reception eh!

(Samantala, nagsimula na nga ang Miss Reyna ng Palengke 2008 )

V.O: Broadcasting live from the Cainta Cockpit Arena, welcome to the Miss Reyna ng Palengke 2008. Brought to you by Kankunis Herbal Tea and Mapecon, pamatay kulisap, pamatay kaaway! And here now are your candidates… (sabay tugtog ng “You’re one in a million, oh-oh!”)

“Pagdating sa gasgas, ito ang pang-langgas, TAYABAS!”

“Sitaw, pataw, patani, SARANGANI!”

“Palafive, palafour, palathree, palatwo, PALAWAN!”

“Pagkatapos ng kulog at kidlat, ano ang makikita mo…BAGUIO!”

“Side, side, kickball change, kickball change, split…ay, shorts mo NAVOTAS!”

“Ricky, Charlie, Marlon, My-My…DAVAO!” I thank you, bow.

“A shorts, A skirt, A pants, A pajama, A brief, A panty…ABRA!”

“Para maisara ang box, kunin ang magkabilang dulo ng tali sabay…BOHOL!”

“Huwag sumakay sa Ferris Wheel para hindi ma…ILOILO!”

“Siraan, tirahan, asaran, okrayan, BABUYAN Islands!”

“Pagod ako at pudpod ang tsinelas ko. Pagod ako at pudpod ang tsinelas. Pagod-pud. PAGUDPUD!”

“Hindi ka nakarating on time dahil ikaw ay LEYTE!”

“Ilagay po natin ang ating kanang kamay sa kaliwang dibdib at awitin ang Lupang Hinirang. Handa, KAWIT!”

(Tapos siyempre, bago koronahan ang bagong Reyna ng Palengke, maglalakad muna ang last year’s winner sa stage sabay voice over ng sarili niyang boses na nagsasabing “As I walk this stage on this final night…” habang kaway siya ng kaway ng fatale sa crowd. Hehe)

Pero, bibitinin ko muna kayo kung sino ang nanalo. Marami pa kasing ibang kalahok. Hehe. Babushka Major!

So bago ko pa ibigay sa inyo ang huling parte ng seryeng ito, ilabas niyo na muna ang mga multiplex niyo ng “Hindi Kita Malilimutan” o ng “Warrior is a Child” dahil ito na nga ang last part ng blog post na ito. Huwag niyo rin kalimutan magdala ng Zest-O at Quake Cake sa sementeryo at baka magutom ang mga bisita. And for more order, mag-hire ka na rin ng wedding coordinator para mag-ayos ng blocking ng mga taong makiki-last viewing sa patay.

O siya, lumalakas na ang hangin sa loob ng bahay at lumilipad na rin ang mga sanga ng puno ng narra at nalalaglag na rin ang mga dahon ng cherry blossoms kaya heto na, malungkot man sabihin, ang huling part ng (basta yung mahabang title nito).

6. Bawal maglinis sa burol ang kamag-anak - Hindi ako aware sa rule na ito na nakasaad sa article 56, section 56, paragraph 56 ng Lamay Code. Kaya noong burol ni tito, nadampot ko ang walis tambo na “Baguio City” ang brand (at in fairness eh wala pang bungi sa gitna ang mga “hairs” ng walis) at nilinis ko ang mga nalaglag na tira-tira mula sa kinaing cup noodles ng mga pamangkin ko. Oo, inaamin ko, may OC mode ako kapag sinipag ako na magpaka-OC. Hehehe.

(more…)

(Ok, quiet on the set! 5…4…3…2…1. Ola chika, narito na ang part two ng (at ang haba na lang ng title ng entry na ito) ah basta, yun na!)

3. Ang pagpapaikot ng kabaong - Bago ilibing ang kabaong na may lamang bangkay, pinapaikot muna ito ng ilang beses bago ilagak sa bagong address nito na “6 Feet Under, Cemetery Drive, Poblacion Sementeryo, Heaven”. At ang logic? Para mahilo ang bangkay at hindi na bumalik o bumisita sa kanyang mga mahal sa buhay, mga kaaway at mga nagkakautang pa sa kanya. Hmm, no wonder wala pa akong nakitang nilalagay na Advil (or Ed-vel!) or Biogesic sa loob ng kabaong or kahit Philhealth card man lang kung sakaling may Botika ng Bayan sa langit.

At grabe, para naman hindi kayang maka-recover ng mga bangkay kapag nahihilo sila ano. Baka nga magising na lang sila at sabihin na “Itigil niyo yan! Nahihilo ako!” Kapag nangyari yun at isa ka sa nag-iikot, makaka-recover ka pa kaya? Kaya tunghayan natin sa susunod na linggo sa Verum Est: totoo ba ito? Hehehe.

(more…)

Pagbukas ko ng website na ito…langit nakatawa sa Batibot. Doon sa Batibot, tayo na, tayo na. Hehehe. Pero seriously, pagbukas ko ng admin page nitong site na ito kanina, parang nagkaroon ako ng insomnia at wala akong maalala. Parang I submarined myself into unchartered waters na hindi pa dumadaan sa 20-step purification process ng Agua Vida. Hehehe.

Grabe, 15 days na walang update. Dahil diyan, parang gusto ko na ngang sumulat ng kantang “Dalawang Linggong Pag-ibig at despedida the next day” to commemorate my non-existence sa mundo ng blog. At paano tatakbo ang kanta? Simple lang. Uulitin lang ng dalawang beses yung “Isang linggong pag-ibig” ni Manay Imelda Papin. And for the despedida part, ira-rap na lang ni Gloc 9 yun. And for that, maglulunsad po ako ng “Isulat ang tamang lyrics contest” kung saan papakinggan mo lang yung rap part ni Gloc 9, isusulat mo yung tamang lyrics, isusulat mo sa isang papel ang iyong name, address, tel. no. SSS, TIN, Pag-ibig, vital statistics at signature.

Tapos, lakipan mo ng proof of purchase ng El Rancho Corned Beef at Superwheel Bareta at ihulog sa mga dropboxes na matatagpuan sa mga tuktok ng kabundukan ng Sierra Madre. Oh di ba, ang daling sumali. Kaya kung ako sa inyo, sumali na kayo, nang mapagod lang kayo. Hehe.

Pero sige, I am going to beat around the bush na lang muna, grabe na lang ang mga kaganapan for the past two weeks: nandiyan na yung na-kidnap si Ces Drilon (this will be tackled in another post), pagtaas ng presyo ng langis at ng tinapay, ang malapit nang pagiging champions ng Boston Celtics at ang pamamayapa ni Rudy Fernandez.

(more…)

Napakabilis na talaga ng galaw ng mundo ngayon. Minsan iisipin mo na parang hindi na 24 hours ang isang araw eh. Paano ba naman, napakarami ng nangyayari sa bansa natin ngayon: rice shortage, isyu sa Meralco, isyu ng ZTE, sunog eklavu, kasal ni Inah Revilla, sexual harassment case ni Baron Geisler at ang pagbabalik sa showbiz ni Pamela Ortiz sa “Magdusa Ka” kung saan tindera din yata ng ice candy (na may pearls at crystals) ang role niya. Hehe.

At dahil sa dami ng kaganapan araw-araw na parang naka-atang de la rama sa aking shoulders na puro tigyawat, nakalimutan ko na may blog pala ako. At parang nakalimutan ko na rin ang ibig sabihin ng blog at inimbento lang siya ng mga taong walang pambili o nakokornihan sa mga diary na laging may kalendaryo, personal information at units of measure sa harapan. Hehe.

Grabe, it’s been a long time since I had an update. Namasyal pa kasi ako sa long and winding road na tinutukoy ng Beatles kaya lang, hindi ko nahanap kung saan ito nagtatapos. Pero seryoso, parang hindi ako nakatira sa Earth noong mga nagdaang araw. As in, halos hindi na nga yata ako naaarawan at daig ko pa ang naka-quarantine na may bulutong dahil sa pamamalagi ko ng bahay.

Well, mabuti na lang at may Sabado, ang araw kung saan nakalagay sa isang malaking Kyowa Oven Toaster na itago na lang natin sa pangalang UP Sunken Garden ang katawan ko. Kaya kahit isang araw lang ako maarawan, daig ko pa ang tambutso ng tandercats na jeep sa itim. Hehe. Feeling ko tuloy eh kinakantahan na ako ng mga taong kasabay namin na nandoon ng “Africa” ng Toto or nahihiya silang magpa-autograph dahil akala nila eh isa ako doon sa mga bidang “slaves” sa pelikulang Amistad.

(more…)

“Puchik, puchak, puchik, puchak!” “A clap, clap, clap, A clap, clap, clap” “Smile, a smile a smile na yan!”

Yan ang naging soundtrack ng buhay ko isang hapon dahil dumalo ako sa unang kaarawan ng twins na anak ng isang kaibigan ko. Kahit sino na lang ang makakita nila eh parang sinasapian ng kung anu-anong espiritu at yun na lang ang nasasabi nila. Parang wala nga silang problema sa pera, pagkain, bigas at kulubot sa noo eh. Parang hindi nila kailangan ang botox sa buhay nila kahit na parang trenches na ng militar ang itsura ng noo nila. Hehehe.

At dahil pambata ang okasyon, sinama ko ang mga pamangkin ko na nagbabakasyon sa amin. Tatlo sila. Yung isa kamukha ni Precious Hipolito, yung isa kamukha ni Angel Locsin (ayon sa kanya yun pero hindi pumasa sa first reading ng Kongreso ang proposal niya. Hehehe) at yung isa eh kamukha ni Ashiya Mizuki ng Hana Kimi. Hehehe.

(more…)

Noong isang araw, dala ng kabagutan sa buhay dahil walang friends na nagsha-share ng love problems sa akin, nanood ako ng TV. Grabe, ang tagal na lang bago ko ulit nagawa yung uupo ka lang sa sala (or hihilata sa sofa), kakain ng popcorn o cornick, iinom ng something except Muriatic Acid at manonood lang ng TV. Kaya habang ginagawa ko yun, oh my gosh a tear fell. Hehehe.

Kaya lang, walang nagbago sa mga palabas sa TV. Nandiyan ang mga news program na para bang bawat ulo ng balita eh may salitang “patay” sa dulo. For example: “Pagsabog somewhere, tatlo patay!” or “Patrick Garcia, nahuli ni Jennylyn na may kalaguyo, patay!” Sobra na lang ang obsession natin sa death anez? For that, no wonder naging box office hit noon ang mga massacre films ni Kris Aquino. Hehe.

Tapos, nandiyan din yung mga telenovela na though umikli na ang mga storya (mula sa dating two and a half years at lahat na yata ng anggulo eh na-expose na) eh ganun pa rin ang atake: may love team, may bida at may kontrabida. Hmm, bakit hindi kaya nila i-try na ang bida at kontrabida ang love team? Or bakit hindi natin i-try gawin bida si Flora Gasser at si Mark Herras ang katambal niya. Jusko ah, baka pati si Mama Flora eh patusin niya. Hehehe.

(more…)

“Magtago na kayo, nandiyan na ang karimlan na tatapos sa ating paglalagi sa mundo! Magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan dahil hindi tayo makaliligtas sa bagsik ng karimlang paparating!”

Walang hiya kang kaibigan ka, akala ko pa naman totoong friend kita tapos sasabihan mo ako ng ganun. Pero in fairness ah, gumagaling na ang acting skills mo. Tamang-tama, pwede ka na bigyan ng sarili mong palabas bandang 3:30 ng umaga dahil wala naman nanonood ng TV nun. Hehehe.

My goodness, in a span of one week (that includes, colspan, tilespan, peterspan, etc.), naging black to violet yata ang kulay ng balat ko. As in, para akong tasty na nilagay mo sa oven toaster for 15 minutes. Siguro, nakikita na lang ako ngayon sa tuwing ngingiti ako dahil yun na lang yata ang visible part ng katawan ko.

Pero at least, mas naging in touch ako sa aking roots. Mas na-feel ko kung saan ako nanggaling, na African-American na Pilipino pala ako (klaro, di ba?). Pero, mas preferred ko ang term na”Blackanese” dahil mas black pa yata ako sa uling ngayon at dahil challenge para sa akin ang idilat ang mata ng katulad ng ginawa ni Teofisto Guingona sa impeachment trial noon. Hehe.

Minsan pa nga, paggising ko, kinakapa ko pa ang higaan ko para mahanap ko kung nasaan ako. “Lawrence, nasaan ka na! Hindi kita mahanap! Bakit naman kasi pumayag ka maging human solar panel? Magpakita ka na, please.” At ayun, kapag nakapa ko na ang katawan ko, makikita ko na ang aking sunog na mukha at maaalala ko na naman ang aking mga ninuno at tumutugtog na lang sa isip ko ang “Return to Innocence” ng Enigma (Hay, hay, hay, huwahaydehay! Hehehe)

(more…)

Disclaimer: code name ang lahat ng pangalan ng mga sikat na personality na mababasa niya dito, Keribels?

Day by day! (Some piano music) Day by day! (Some piano music) Day by Day! By day! By day! By day! By day! By day! By day!

Una sa lahat, I would like to dedicate that song for everyone who is celebrating Labor Day today especially yung mga manggagawa na patuloy na pinahihirapan ng rehimeng ito na ganid sa tubo kung magpataw ng pasakit sa mga ordinaryong mamamayan (oh, pwede na ba akong magsalita sa mga protest rally? Hehe) at sa mga misis na nag-labor sa araw na ito diyan sa Ward 42, Zone 3, Yellow Lane ng Hospital Femme Fatale.

Well, kakaiba ang labor day na ito sa akin. No, hindi ako buntis at nanganak (more like nagdadalang tae siguro. Haha). Hindi kasi parang ito yata ang unang Labor Day sa buhay ko (na sa sobrang open book eh sira na ang plasteyk cowbeyr niya. Haha) na hindi ako nag-stay sa bahay at humilata hanggang sa gisingin ako ng aking fairy godmother upang pagandahin para maka-attend ako sa royal ball ni Prince Charming. Haha.

Siguro galit sa akin ang katawan ko sa desisyong ginawa ko dahil sanay na siya na kapag May 1 eh tutunanga lang siya sa kama at magpapaka-buhay tamad lang siya for a day. Nag-file pa nga siya ng leave form para ngayon eh! Hehe. Hindi ko lang yata napirmahan yun oh nahalo doon sa mga listahan ng utang ko.

Pero bago man ang routine ko ngayong araw na ito, masaya naman ang naging bunga nito. So ayun, nag-flag football ako sa Sunken Garden (at ang flag football, as a review, eh hindi football na dapat national flag ang suot mo). Siyempre, tostado na naman ang balat ko na tostado na in the first place. And for that, sino pa ang titikim sa akin? Ano yan, forever na lang akong loveless? Lord, make me beautiful!

(more…)

Ang init ng panahon

Pero kasiyahan ay umaahon

Iwanan na ang lamig ng kahapon

Tara na, halika, come on!

Hep hep (hooray!), hindi ko kinuha yan sa mga tula ni Balagtas o ni Valentin (yung batang tumutula sa Eat Bulaga dati, remember? Hehe). Ako ang sumulat niyan. Oo, sumusulat din naman daw ako ng tula kapag inspired ako or heartbroken ako or kung nangati ang kamay ko at bigla na lang siyang pumulot ng ballpen at papel. Pero huwag ka, may tono yan! ¾ ang count ng beat niyan at andante ang pace. Hahaha.

At dahil diyan, yes sumusulat po ako ng mga kanta. Naging active din ako sa pagbabanda sometime pero ngayon, naging busy na ako sa ibang bagay tulad ng pagluluto, pamamalantsa, pagpapadede ng bata at pagkakaskas ng kalawang sa bubong ng bahay. Pero ngayon, active na ulit ang musikero life ko. And for that, heto ang listahan ng mga regular gigs ko:

(more…)

Tiny bubbles, tiny siya, make me feel happy, make me feel fine. Kung matagal na kayong nagbabasa ng mga pinaglalagay ko dito, alam niyo na puro katatawanan at kagaguhan lang ang mababasa niyo dito. Ito yung mga tipo ng bagay na walang halaga sa buhay unless may gusto ka i-impress na crush mo at gusto mo makilala na may sense of humor ka.

Pero sa buhay ng tao, hindi naman pwede na masaya ka na lang lagi. Nalulungkot din ako pero kahit malungkot ako, nakikita pa rin ng mga tao ang gilagid ko dahil nakangiti pa rin ako. At yan lungkot na yan eh naramdaman ko noong sumakay ako ng jeep mula sa Katipunan noong Sabado.

Galing ako sa isang araw ng umaatikabong aksyon ng Flag Football. Para sa mga hindi nakaka-alam, hindi po siya football ng mga bandila ng mga iba’t ibang bansa ng United Nations (United Nations on the march, with flags unfurled. Hehehe). Basta, sport siya na parang American Football. Iisipin niyo siguro na masokista ako dahil gusto ko ng sakit ng katawan umagang-umaga pa lang. Pero, i-try niyo kaya at may tatama na lang sa inyong ilaw mula sa kalangitan at tatalikuran niyo na lang ang mga kasalanan niyo at maglalaro ka na lang ng flag football forever.

Pero seryoso, kung may gustong sumali, punta lang kayo sa UP Sunken Garden tuwing Sabado ng umaga at hanapin niyo yung mama na kamukha ni Eugene Villaluz at ang mga kasama niya na sa sobrang good-looking ang lahat, hindi na mamromroblema ang casting director kung sakaling gagawa siya ng re-make ng T.G.I.S (or Thank Gimik, It’s Sabado). Hehe.

(more…)

Next Page »