Ay ano ba ‘to? Wow, 19th century roman gothic architecture ang design, with matching colored hollow blocks. Ito ba ang bagong bahay ko? Masikip, wala pang kama at bintana, wala pang… ano, ah ganun ba, elevator pa lang ito? Sorry ah, tanga lang tanga lang. Hehehe.

Konting lakad pa ba? Ilan, 3657 steps? Ano ‘to, may sulat: ‘Put your right foot in”. Ok, right foot. ‘Put your right foot out’. Ok, out. ‘And shake it all around’. Ok, shake, tapos…Ay, nandiyan pala kayo, hindi ko kayo napansin. Pero teka, paano kayo nakapasok dito sa bagong bahay ko? Ah, nagpa-duplicate kayo ng susi sa Mr. Quickie…at nagpatahi rin kayo ng suelas ng sapatos.

O siya, ok lang yan, welcome naman kayong lahat dito eh. Basta, wala lang kayong nanakawin ah: ideas, thoughts, ganun (wow, as if puro orig ang sinulat ko. Hehehe). O siya sige, tuloy lang, ingat lang sa guard dogs ah, hindi pa sila nasuswelduhan kaya mainit pa ang ulo nila eh.

O siya, welcome sa aking bagong bahay. At siyempre, kapag may bagong bahay, may house blessing.

O siya, buhay na naman akong muli. Bisita ka lang lagi ah.

Babushka Major!