Ibang klase ang araw na ito. Hindi mo malaman kung saan ko siya ilalagay: kung economy class, business class o classtrophobia siya (shet, ang korni nun. oh well, pero aminin mo nangiti ka ng slight. Kita ko gilagid mo oh. Hehehe). Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa araw na ito. Para bang paglabas ko sa pinto eh naghihintay si Kuya Germs at balak niya akong maging mainstay sa Master Showman. Oh di ba, how life changing that could be? Bukod diyan, masisilaw pa ako sa nagkikintabang sequins na nasa outfit ni Kuya Germs. Hehehe
Pero gumulong ang araw (as in, gumulong siya bakla. Nagreklamo nga daw si Satanas dahil nagulantang siya sa paggulong ng araw. Hahaha) pero parang pareho lang naman ang nangyayari. Sumakay ako ng bus papasok sa trabaho, tumingin kung may magagandang matatabihan, naging part-time contortionist para lang makalabas ng bus at nakita ko na naman yung barker ng jeep na panay ‘Tramo, Pasig, Palengke!’ lang yata ang script niya para kumita.
Pero makaraan ng ilang minuto…heto na ang ating finished product sa ating Beauty School Plus make-over segment (teka, paano nasingit si Mama Ricky dito? Oh well, ANG GANDA! Hehehe). Yun nga, a few minutes after, nag-check ako ng aking blog at aba, may nag-link pala sa akin!
Grabe, nangisay yung fats ko noong mabasa ko ang maikling write-up para sa blog ko ni Manuel Viloria! For that, maraming salamat, ginoong Viloria (kamag-anak mo ba si Brian Viloria na may apelyidong katunog ng kay Dexter Doria? Grabe, mahanapan lang ng koneksyon eh no. Hehehe).
Subalit, makulit, maitim ang singit, may importanteng bagay siyang nabanggit sa kanyang ‘plugging’ para sa aking site. Ano yun? Bakit daw walang EDSA 2 celebrations? Sa totoo lang, naalala ko lang na 8th year anniversary na pala ng EDSA Dos dahil buwan nga ng Enero. At malamang, hindi ako nag-iisa na nakalimot nito (kung EDSA 1 nga limot na, EDSA 2 pa kaya).
Pero sige, ire-refresh ko ang memory niyo tungkol sa EDSA 2 (at dahil mahaba-habang kwento ito, mag-refresh ka rin ng body fluids at baka matuyuan ang lalamunan mo sa kababasa. Mahirap magka-El Nino sa lalamunan, ano? Hehehe): Ito yung panahon na bago pa lang ang new millenium (grabe sa redundancy, olats sa grammar!) at maraming kinasangkutang skandalo si Pangulong Erap Estrada. Ayun, nagkaroon ng impeachment kung saan nakita natin ang malaking mata ni Guingona, ang makinis na noo ni Estelito Mendoza at ang madalas na pagtawag ng recess ni Senador Tatad. Hehehe.
Walang pinatunguhan ang Impeachment (bukod sa nataaas nito ang ratings mga telenovela) kaya nagtungo ang mga tao sa EDSA upang hilingin na bumaba sa puwesto si Erap. Maraming pumunta, nakiprotesta, nakisigaw at nakitang sumayaw si Joed Serrano (na sikat na producer na sa Japan) habang humihiyaw ang madlang people ng ‘Erap Resign! Erap Resign!’. And in the end, bumaba nga sa puwesto si Erap.
At aba, kung hindi mo na naalala ang mga iyan, wow sobrang lala na ng memory gap mo at hindi na kayang solusyonan yan ng Enervon Prime. Hindi mo na naaalala ang panahon na napuno ng tao at hindi kotse ang mga flyover sa Ortigas, hindi mo naaalala ang mga panahon na halos maubusan ng hininga si Maki Pulido sa kakatakbo at hindi mo na naaalala ang maya’t mayang pagsali ni Roilo Golez sa lahat ng photo ops noong EDSA 2 (as in, pwede kang gumawa ng Where’s Wally: Rolio Golez edition. Hehehe)
Nakakahiya ka kung limot mo na ang mga ito. Siguro kailangan mo na ng…ng….ano na nga yun, nakalimutan ko tuloy. Ikaw kasi eh! Pero sa kabilang dako, hindi maaalala ng mga tao na may EDSA 2 kung walang programa para dito. Pero, bakit nga kaya wala ano? Bakit parang nakisali sa strike ng writers sa Amerika ang EDSA 2 celebrations?
Heto ang mga naiisip kong dahilan:
-
Pagod na si Mama Mary sa mga TV appearances niya – As in, nagparamdam daw ulit siya kay Judiel Nieva (or should I say Angel. Hehehe) at sinabi niya ito: “Ayoko na ng mga selebrasyon sa EDSA. Retired na ako sa pagiging TV personality.” Jusko naman, sa dinami-dami ng kamera noong EDSA 2- mapa-TV camera man, digicam, instamatic o daguerrotype pa- na-burn out ang Birheng Maria sa dami nun. Kaya ngayon, she’s enjoying her vacation from the limelight.
-
Konti na lang siguro ang pupunta – Matatandaan natin na marami sa crowd na nandun noon eh mga estudyante, faculty at personnel ng mga Catholic schools. Pero siyempre ngayon, grumaduweyt na ang mga estudyante. Actually may solusyon dito: eh di magpa-grand alumni homecoming ang mga eskwelahan sa EDSA Shrine. Wala lang, para masabi lang na may tao.
-
Nakalimutan ni Gloria – Sabi kasi ng doktor ni Gloria, ‘bawal ang pork, ang hipon at ang beans dahil baka magka-memory gap siya’. So yun, nag-settle na lang siya sa oatmeal. Kaya lang, hindi niya alam na pork flavor pala ang oatmeal niya sa agahan, hipon flavor yung sa tanghali at beans flavor yung hapunan. Ayun, nakalimutan niya kaya walang celebration.
-
“Da King” Factor – Tumawag daw si Fernando Poe Jr. sa program planner for EDSA 2 at nag-signify siya na dadalo siya sa activities kahit na TAKE NOTE: kalaban siya ng Ate Glo (at hindi dahil six feet under na siya). Sino ba naman ang matatakot dun, di ba? Kaya yun, kanselado ang program. Si Christian Bautista pa naman daw ang kakanta ng National Anthem to start the proceedings. Hehehe.
-
Walang writers – Idol nating mga Pilipino ang mga gawain ng Amerikano, aminin man natin o hindi. Ayun, nag-strike ang mga writer sa Amerika kaya strike daw ang mga writers ng palasyo. For that, walang speech si PGMA, walang mag-aayos ng mga transitions, walang dialogues, walang sequences, walang OBB, walang CBB kaya in short, walang show (on the other hand, maganda siguro kung mala-silent film na lang ang telecast ng EDSA 2 celebrations. Kasi nga naman, you say best when you say nothing at all. Hahaha)
-
Si Marian Rivera – Tiyak na mahaba daw ang proceedings nga EDSA 2 celebration kaya marami ang hindi makakapanood ng isang episode ng Marimar. Malaking kawalan ito para sa 3/4 ng populasyon ng Pilipinas dahil baka hindi na nila masundan ang mga tagpo sa pagitan ni Marimar, Angelika, Esperanza, Sergio, Renato, Maria Mercedes, Maria la del Barrio, Rosalinda, Chabelita at Luz Clarita. Hahahaha.
-
Hindi naisama sa mga kalendaryo – Hindi nailagay ng mga negosyanteng Intsik ang EDSA 2 sa mga pinamimigay nilang mga kalendaryo na nire-recycle para sa mga notebook ng mga bata (di ba, Assignement notebook, number one; Religion, number 2 and so on? Hehehe). Ayon sa kanila, ’sayang akyen kita kafag isa araw ako sara!’ Need I say more? Hehehe.
-
Walang nakapag-chain text na may celebration nga – Naalala mo noong EDSA 2 na dumami ang mga tao dahil sa forwarded texts na nanghihikayat na pumunta sa EDSA? Apparently, may celebration pala daw this year (as in, handa na ang stage, production design, costumes, cinematography, lighting, etc) pero dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon, walang nakapagload noong araw na iyon kaya, walang nakapag-forward ng mensaheng tulad nito: “Dito me EDSA, Wer na u? C U Hir k?” Hehehe.
-
The Jinggoy factor – Ikaw na ang manalo ng Best Actor! Kung mga hurado sa Film Fest, napahanga niya, ang ibang tao pa kaya na hindi kilala kung sino si Anna Dizon? Hehehe. Ayun, pa-martsa na ang mga taong dadalo sa EDSA 2 celebration kaya lang, hinarang sila ni Jinggoy at nagdrama siya sa harap ng mga tao na huwag na sila dumalo. And what do you know, wala ngang pumunta! Best actor material talaga kahit ayaw na niyang bumalik sa Saudi! Hehehe.
-
PNP at MMDA factor – Unang-una, hindi nakakuha ng permit ang palasyo na pwedeng mag-rally. At pangalawa, marami na talagang papunta sa EDSA Shrine for the celebration kaya lang, pinatigil sila ng mga MMDA Traffic Enforcer. Siyempre tigil sila to avoid traffic. Kaya lang, nakalimutan na nung enforcer na mag-senyas ng “go!” sa kanila dahil akala niya eh mga nakapila lang sa POEA yung mga yun.
Pero sa kabilang dako, baka naman isasabay ang selebrasyon ng EDSA Uno at Dos. Oh di ba ang taray, para ka lang nanood ng pelikulang may sequel. Kaya asahan niyo, pagdating ng panahon (baka ikaw rin at ako), kumuha pa ng floor director si Madam President na mag-aayos ng proceedings (Madam President, stage right. Sir Mike, center of gravity please) at magdidirek sa mga audience na pumalakpak sa speech ni PGMA na parang audience lang ng Roleta ng Kapalaran (ten ten ten, ten ten ten, ten ten ten!). Hehehe.
Babushka Major!
Enero 23, 2008 at 1:57 hapon
Nakalimutan ni Gloria – Sabi kasi ng doktor ni Gloria, ‘bawal ang pork, ang hipon at ang beans dahil baka magka-memory gap siya’. So yun, nag-settle na lang siya sa oatmeal. Kaya lang, hindi niya alam na pork flavor pala ang oatmeal niya sa agahan, hipon flavor yung sa tanghali at beans flavor yung hapunan. Ayun, nakalimutan niya kaya walang celebration.
– tama ka sa pahayag mong ito. bwahaha!
Enero 23, 2008 at 3:19 hapon
salamat sa comment, ginoong quijano. at matanong ko lang, kamag-anak mo ba si tito douglas? hehehe.