In the spirit of the Valentine’s Season, heto ang isang koleksyon ng mga nakakainis na linyang pampag-ibig na masusing sinaliksik ng US Lab Tests (oo, kasabay siyang sinaliksik ng mga resulta ng PAMET at Safeguard kaya ayun, scientific siya. Hehehe)
O siya, hindi ko na papatagalin pa, heto ang CRAZY LOVELINES (Got me looking so crazy lovelines so crazy lovelines…oh oh oh oh oh oh oh oh. Hehehe.)
Sana yelo na lang ako… na natutunaw sa bawat pagtitig mo. (Matunaw ka na, bilis, para wala nang salot sa mundo.)
Sana telepono na lang ako… para balang araw, ako’y may pag-asa na sagutin mo. (Ang sarap i-disconnect ng teleponong ito! Huwag kaya akong magbayad?)
Para ka namang linta… ang lakas kasi ng kapit mo sa isipan ko. (Brain tumor pwede din)
Hindi ka ba nilalanggam… ang sweet-sweet mo kasi. (Ikaw, utak langgam. Mag-isip ka nga ng mas malupit na linya)
Halika na, sumama ka sa akin… do not leave your valuables unattended daw eh. (Eh hindi ka valuable sa kanya kaya pwede ka niyang iwan)
Anong klaseng blade ka… ang sakit naman ng sugat na iniwan mo sa puso ko. (Hello, bala ang tumama sa iyo, hindi blade. Kala mo naman kasi si Panday ka)
Napakagaling mong band-aid… dahil nagamot mo ang nagdurugo kong puso. (Tanggalin ko yan band aid na yan eh para maubusan ka ng dugo!)
Saktan, Itali at parusahan mo ako… dahil alipin ako ng pagmamahal mo. (Pwede rin ba kitang hatawin ng palo-palo ng labandera namin?)
Huwag mo akong MURA-hin… MAHAL-in mo ako. (Jimboy, jimboy I hate you, eh kasi naman, binobola mo ako. Wala lang, Mahal at Mura daw eh. Hehehe)
Ibang klase kang cholesterol… dahil pinapataba mo ang aking puso sa pagmamahal mo. (O siya, para maging healthy ka, lalayuan na kita)
Ang pagmamahal ko’y parang security guard… hindi humihinto at hindi natutulog. (May mga sikyo kaya na natutulog habang naka-duty)
Parang tayong mga piraso ng jigsaw puzzle… dahil akma tayo sa isa’t isa. (Hala, kulang ng isa itong 1001-piece jigsaw puzzle ng lovelife natin, pano na yan?)
Kailanman, hindi ako naging magnanakaw… dahil ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng aking puso. (Akyat-bahay lang maybe?)
Hindi man ako magaling na iskultor… pero nakaukit ka pa rin sa puso ko. (Hindi ka nga magaling. Ni clay figures hindi mo magawa ng maayos eh.)
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T V W X Y Z… oops, i miss U! (Umamin ka, pre-school teacher ka ano? Sige nga, mag-sing and dance ka nga ng ‘I’m a Little Teapot’? Hehe)
Anung klaseng muscle pain ka ba… dahil hindi na maialis ang pagtitig ko sa iyo. (Congratulations, may stiff neck ka!)
Para sa iyo, ako si Rosa Rosal… dahil kahit anung oras, handa kitang damayan. (Dinamay pa talaga si Mama Rosa, sana Red Cross na lang ang binanggit mo.)
Tinanung nila kung saan ka nakatira… ang sabi ko, ang puso ko ang bahay mo. (Na-demolish na ang puso mo, hindi mo ba alam? Kaya hindi na siya nakatira diyan)
Hindi tayo tao, hayop o lugar… dahil bagay tayo (Pwede rin pangyayari ayon sa Filipino class natin noon. Teka, may mangyari kaya eh ang baho ng linya mo!)
Minamalat na naman ang puso ko… dahil lagi nitong isinisigaw ang pangalan mo. (Uminom ka ng Strepsils at paabutin mo sa puso mo para gumaling yan, ok? Huwag ka na mag-inarte)
May factory ba kayo ng crayons… dahil ikaw ang nagbibigay kulay sa buhay ko. (or pwede rin factory ng watercolor, art paper, crepe paper o latex acrylic paints. Hehe)
Uy, pa-picture tayo… para ma-develop tayo. (Kapal mo rin, digicam pa niya ang gagamitin niyo)
Kung bola ka at basketball player ako, hindi kita isho-shoot…para lagi kitang mami-miss. (Kelan ka pa naglaro ng basketbol, aber? Eh hindi mo nga mapaabot sa ring ang bola eh.)
Can I take your picture…para malaman ni Santa Claus ang wish ko this Christmas. (Sige pwede, pero sa isang kondisyon, nakatalikod ako sa lahat ng picture.)
Sana homework ka na lang…para araw-araw kitang nauuwi sa bahay namin. (Kumukopya ka lang naman ng homework kinaumagahan eh. Pinapapirmahan mo pa sa driver ng service niyo yung papel na gagamitin mo para kunwari magulang mo ang pumirma.)
Lecture mo ba ako…lab kasi kita. (You’re more like a lab-abo. Umalis ka na nga dito!)
Para kang Centrum…because you make my life complete (jusko, eh di pwede na pala malugi ang kompanyang gumagawa ng Centrum kung nagkataon. Hehehe)
Pwede ba kita maging driver…para ikaw ang magpapatakbo ng buhay ko. (remember ang maximum speed ah. At tsaka, distancia amigo muna ng konti kapag nag-aaral pa para hindi masira ang mga pangarap. hehe)
Mahilig ka ba sa asukal…kasi ang tamis ng ngiti mo. (ay oo nga, nilalanggam ang lips mo, dear. O siya, heto ang Mapecon!)
Pinaglihi ka ba sa keyboard…dahil type kita (eh kung sa voice-operated computer siya pinaglihi, anung isusumbat mo? Hehe)
You know, you’re like my underwear…because I also cannot last a day without you. (hmm, bakla ka, eh naka-side B kaya ang brief mo!)
Ibibili kita ng salbabida…dahil tiyak malulunod ka sa pag-ibig ko. (sino ka ba, fluvial float ng patron saints?)
Pwede ba kita maging sidecar…single kasi ako eh. (Naku, trenta anyos ka na, matuto ka naman na mag-single bike. Talo ka pa ng pamangkin mo!)
May lisensya ka ba…because you are driving me crazy. (oo, fixer ang lumakad ng lisensya ko. Gusto mong i-fix ko rin ang stay mo sa mundo?)
May kilala ka ba na gumagawa ng relo…kasi kapag kasama kita, humihinto ang oras ko. (Dong, hindi kasi orasan ang suot mo, compass yan!)
Nabobobo ako kapag kasama kita…because all i think about is you (Aba, kasalanan pa ni ate ang kahinaan ng kokote mo. Baka naman kahit wala siya eh olats ka bro?)
If I am a bee…would you like to be my honey (Siguro kung bee ka, nahuli ka na ng fly swatter)
Gaano man nakakatakot ang mga multo…mas nakakatakot pa rin kapag nawala ka sa buhay ko. (Siguro kung may sugar daddy o mommy ka, bagay ang linyang ito)
Am I a bad sniper…because I keep on missing you. (Kaya pala hindi ka makatama eh nabarahan na ng muta ang kalahati ng mata mo!)
Are you a dictionary…because you give meaning to my life (As in, ginawa ka ni Lord nang walang purpose? Mahirap yan.)
Bangin ka ba…kasi nahuhulog ako sa iyo. (Kung malaglag ka sa tunay na bangin, hindi mo na masasabi ang linyang ito. Haay, sarap mong ilaglag sa bangin!)
Pustiso ka ba…kasi I can’t smile without you. (Ayan kasi, hindi nagtu-toothbrush kaya kinailangan pa magpakabit ng pustiso. Hehehe)
Pagod ka na siguro…dahil buong araw ka na tumatakbo sa isip ko. (Friend, sa kitid ng utak mo, kahit 1000 ikot kakayanin niya.)
May butas siguro sa puso mo…kasi na-trap ako doon at hindi na ako makalabas. (Gusto mo ba nun, malulunod ka sa dugo?)
Gusto ko malaman ang height mo…dahil gusto ko malaman kung paano ka nagkasya sa puso ko. (kung si Yao Ming sana ang sinasabihan mo, pwede ito. Kung si Mahal, huwag ka na magtaka.)
Umihip ka ba…because you blew me away! (Sana nga, nanatili ka na lang kung saan man ang away.)
Sana letter T na lang ako… para I’ll be always next to “U” (Kung ayaw mo gamitin ang T, pwede rin ang V. Or kung maka-abakada ka, Ta and Wa is fine. Wow, Ta + Wa = Tawa! Tawa, Pinoy, Tawa! Hehehe. Plugging.)
Feeling ko ngayo’y isa akong exam… kaya dapat mo akong sagutin (Exagg ka, short quiz ka lang kaya)
Haay, kaloka! Nawala yata ang utak ko at nagka-alta presyon ang puso ko. Hinga, Lawrence, Hinga! Heto ang Pulmo Aide kung hindi mo kaya. Kung hindi pa kaya ng nebulizer, ipapa-mouth to mouth resurrection na kita kay Zorayda (ang tanda ni Zorayda! Hehehe).
Babushka Major!