Pasensya na kung matagal na akong hindi nakapag-update ng aking blog. Mangyari kasi eh maraming nangyari sa akin. Nandiyan na yung nabugbog, nadukutan, nasigawan, nambugbog, nandukot at nangsigaw ako. Siyempre, marami pang nangyari pero yan ang highlights (na naka-highlighter talaga sa journal ko na leather ang cover. Hehehe). Pero sa totoo lang, nag-compile muna ako ng maisusulat para mas masaya. Tsaka, as usual, natalo na naman ako ng katamaran. Ang katamaran nga naman, paminsan masarap lang. Hehehe. O siya, heto na talaga ang tunay na pakay ko.
Naalala ko lang yung araw na nagkaroon ng bomb threat dito sa may opisina namin. May nag-iwan daw ng bomba sa gilid ng building ng office namin at dahil dun eh pinauwi kami ng mas maaga. Nasa kalagitnaan pa naman ako ng panonood ng Music and Lyrics sa office PC ko noon kaya nainis na lang ako kasi mamimiss ko ang magandang mukha ni…Hugh Grant! Ay papable ng fatale si manchurian candidate, anez? Hehehe. At dahil hindi ako sanay na umuwi ng mas maaga, nag-Gamol muna ako. Hehe. Wala rin naman akong napala sa Gamol, sight seeing lang dahil walang laman ang bulsa ko. Hehehe.
Hindi naman yata nahuli yung nagplant ng bomba dun. Sa pagkakaalam ko, bomba na nanggaling sa aso yata ang nakita sa gilid ng Tektite kaya kalat ang baho sa paligid. Hehe. Joke lang. Pero, di ko sure kung anung itsura nung bomba (wala akong lakas na lapitan yun, mahal ko ang sarili ko. hehe). Pero anung malay natin, gusto lang nung nagplant ng ilang minuto of fame (nasaan na kasi yung “On-Air” ng Ideal Minds. Hehehe). Grabe, wala siyang konsepto ng video blogging kung fame lang ang gusto niya. Pero kung bomba komiks yun, siguro na-’difuse’ na yun (as in, napaghati-hatian na yung mga pahina. Hehehe)
Nwei, mahirap talaga kapag anonymous ang bomb planter. Pero, hindi ba masaya yun. Hindi mo kilala yung person so may thrill kapag nagkakilala kayo. Nakaka-excite ang pagka-misteryoso niya. Hehehe. Kaya lang naisip ko kung lahat ng sikat na personality eh magkakaroon ng sariling bomba, madaling ma-trace kung kanino nanggaling ito. O ayan ha, babalaan ko na kayo, ito ang mga posibleng bomba na nanggaling sa mga artista. And remember, if symptoms persists, consult your doctor.
- Madam AuringĀ (Madam Bomb) – Siyempre, korteng bolang kristal ang bombang ito with matching patungan at yung tela ng mga manghuhula. Ang maganda sa bombang ito, sabihin mo lang kung kailan siya dapat pumutok at puputok siya sa takdang oras. Nakikita niya ang future eh. Pagdating naman sa pagsabog, alam mong malapit na itong sumabog kapag may lumalabas nang strobe lights o psychedelic lights mula dito. May asim pa ang bombang ito kaya medyo malakas din ang epekto niya. At anung nasa loob ng bombang ito? Kapag sumabog na, asahan niyo na kakalat ang mga picture ni Victor Wood, Archie, Tita Swarding at yung FHM cover niya.
- Pilita Corrales (Lagot Ka Bomb!) – Naka-liyad ang bombang ito at may tatak na CBU (meaning Cebu kasi Cebuana si Mamita eh). Medyo matagal din bago sumabog ang bombang ito kasi may karupukan na ito kahit maganda ang outer covering nito. Bago ito sumabog, tutunog ang “Kapantay ay Langit”. Kapag sumabog na, asahan mo na kakalat ang mga picture ng past husbands niya at ilang pakete ng Anlene.
- Rita Magdalena (Ritabomb) - Ten years ago, si Rita Magdalena ang isa sa pinakakilalang bomba star sa Pinas (susunod na siguro si Izza Ignacio). Kung hindi ka nanood ng mga pelikula niya sa sinehan sa tabi ng Flirt sa may Cubao, hindi ka in (syempre, pang-lalake lang ang pamantayang ito. hahahaha). So un, korteng katawan niya a decade ago ang itsura ng bombang ito kasi may few added pounds na siya ngayon. Tapos ang timer nito, tatlo lang ang pagpipilian mo: short time, long time o overnight. Hindi na gaanong malakas ang sabog nito at malalaman mong sumabog na ito kapag nakakita ka ng maraming picture nila ni Lowell Briones sa bomb site. Tanda! hahaha.
- Eddie Garcia (Manoy Bomb) - Vintage bomb kung vintage bomb ang atake ng bombang ito. Pero huwag ka, kahit may kalumaan na ang bombang ito, nakakapagpatumba pa rin ito ng mga masculadong lalaki tulad ni Carlos Morales (Feel the passion…Barcelona Brandy! Hahaha). Mahirap din huliin ang bombang ito kasi gumugulong at tumatalon siya kung saan-saan while inaasar ka pa ng “Mga tungaw, nandito ako!” Malakas sumabog ito as in! Kaya bago ito sumiklab, bibigyan ka niya ng Ultimatum para sumuko. Kapag hindi ka sumuko, patay ka at mapapaliguan ka sa Barcelona Brandy (get your glasses and Colemans ready. hehehe) at ng rapid fire bullets sa loob nito.
- Tracy Torres (TT Bomb) - Ito ang pinakamahina sa lahat ng bomba sa listahan pero hindi mo pa rin dapat ismolin ito. Besides that, maganda ang itsura ng bombang ito on the outside. Ginaya kasi yung detalye ng body paint ni Tracy noong nakipag-protesta siya doon sa mga ayaw sa giyera at may pinatunog pa siyang bell. Hehehe. Nwei, kapag sumabog naman ito, maraming papel ang kakalat. At anung nakasulat sa papel? “Stop the war, not peace”. Hehehe.
- Allan Caidic (Trigger Bomb) - Ito naman ang pinaka-accurate na bomba sa listahan. Sa sobrang asintado nito, kahit sa Tawi-Tawi mo i-plant yung bomba at nasa Batanes ang target mo, ok lang, matatamaan pa rin siya. In short, swak ang panama nito! Nga pala, 24 seconds lang bago sumabog ito once you activate it kaya mag-fastbreak ka kaagad palayo nito para hindi ka tamaan. At kapag tinamaan na yung target mo, may voice confirmation ang bombang ito: “Caidic, three points!” May iba pang variations ng bombang ito: Pido Bomb, Chuatico Bomb, Solis Bomb at Cabahug Bomb. Hehehe.
- Didagen Dilangalen (Digs Bomb) - Ito naman ang pinakamaingay sa lahat ng bomba. As in, wala kang mabibiling silencer para sa pagsabog nito. Kung ako sa inyo, huwag niyo nang i-activate ito at sobrang laking pinsala ang matatamo ng biktima mo. Siya nga pala, kapag sasabog na ito, sumisigaw na yung bomba ng “Shut up! Shut up!”
- Angelica Jones (AJ Bomb) - Haay, ito pa ang isang maingay na bomba. Ang masama nga lang sa bombang ito, you need not activate it, kadalasan kusa na lang siyang sumasabog so pwede siya dun sa mga biglang atake (i.e ambush). Hehehe. Sobrang puti ng bombang ito kaya pwede mong ihalo sa kahit na anong white surface at hindi na siya makikita. Bago nga lang ito sumabog, kekembot muna ito at aalog ng maraming beses. At kapag sumabog, lalaganap ang puting usok sa buong lugar at kasabay nito kakalat ang mga picture nila ni Bobby Yan. Hehehe.
- Bomber Moran (Moran Bomber) - Dadaganan ka at hindi ka na lang makakatakas hanggang sumabog siya. Nuff saide. Hehehe.
- Palito (Palito Bomb) – Ito naman ang pinakanakakatakot sa lahat ng bomba sa listahan. Korteng kabaong ito at tuwing hatinggabi lang sumasabog so wala ka gaanong tatamaan dito. Pero ang kagandahan sa bombang ito, inter-changable ang parts ng bomba. Kung gusto mo ng puting kabaong/bomba cover, ok lang. Basta nahigaan na ni Palito yung kabaong na yun, may modelĀ nang ganun. Ingat lang at medyo six feet under ang amoy nito. Hehehe.
Ayan mga kababayan, binalaan ko na kayo sa mga posibleng bomba na makakatagpo niyo sa mga susunod na araw! Kaya kung may makita kayong ganito, hanapin niyo kaagad ang suspect kasi sa huli laging dumarating ang mga pulis, di ba? Hehehe. O di kaya, tumawag kayo sa opisina ng SOCO o Imbestigador para marinig niyo rin ang mga hindi mapantayang boses nila Gus Abelgas at Mike Enriquez.
Hahaha. It’s nice to be back! Yes, I’m right behind your back. Joke lang. Hahaha.
Babushka Major!
Pebrero 21, 2008 at 1:56 hapon
tawang-tawa ako dun kay pilita corales, sorry naman
alam mo friend, i post mo rin to sa multiply. or kahit link lang, tapos me excerpt sa baba
magkakaroon ka ng 100 comments, pramis!
Pebrero 22, 2008 at 2:31 hapon
promise yan ah. hehehe. sige, gagawin ko rin.