Grabe, napanood ko na ang Meet the Spartans. Swear, gulong ako sa katatawa sa panonood sa kanya (in DVD copy of course, mahal ang sine eh. Tsaka, may gumagawa pa ng milagro so hindi ka makaka-concentrate sa panonood. Hehehe. Nwei, mabuti na lang at hindi nakalog ang impiyerno noong gumugulong ako sa katatawa. If ever magulantang kasi si Satanas, magte-text sa akin yun eh. Yes, may cellphone din siya pero hindi siya Globe user dahil mukhang halo ang globe. Hehehe.

So yun, habang pinapanood ko yun at kinakabag na ako sa katatawa, naalala ko ulit ang pelikulang “300″. Isa sa mga pinakamatunog na pelikula sa buong mundo (as in, sobrang ingay ng tunog niya. AWOO! AWOO! Hehe)  ang “300″. Wow, very informative ng sentence na yun ano? Hehehe. Anyway, Sabay-sabay tayong namangha sa mga in-airbrush na abs nila gerard butler, et al at tiyak na maraming tumungo sa mga gym dahil na-inspire sila mag-work out dahil sa pelikulang ito (aminin mo, isa ka dun sa mga yun. hehe). Or, maraming pumunta sa mga prosthetic artists at nagpa-airbrush ng kanilang 45-inch waistline. Hehehe. No wonder, kumita ng husto ang Airworks noong panahon ng 300. Hehehe.

Malamang alam niyo na ito pero hango ang pelikulang ito sa graphic novel ni Frank Miller na ewan ko lang kung ka-anu-ano niya si Reggie Miller, Willie Miller at Miller Light. Hehe. At malamang alam niyo na rin na natalo ang Spartans (AWOO!!! AWOO!!!) sa labanan but not after masugatan ni Leonidas si Xerxes at may ‘Shocks, nasira ang beauty ko’ acting si Xerxes. Well, yun talaga ang nangyari sa totoong buhay kasi, deads silang 300 sa labanan. Pero matapos ko mapanood ang pelikulang ito na parang nagpo-promote ng better abs para sa sangkatauhan (for that, magtatatag ako ng Abdomenal Improvement King Organization o AIKO), nagawa pa sanang talunin ni Leonidas at ng mga Spartans (AWOO!!! AWOO!!!) sina Xerxes if they’ll only follow these suggestions. Heto, basahin mo:

  • 100-meter dash: Xerxes vs. Leonidas – naku ha, sa konti ng suot ni King Leonidas, imposible pa siyang matalo kay Xerxes. And take note, hindi sanay maglakad si Xerxes dahil lagi siyang binubuhat sa isang malaking sofa (na mukha na nga rin kama) na may mga kabayo sa gilid. Hindi din siya sanay tumalon dahil may mga Persian soldiers na ang trabaho eh stairs lang niya. At sa dinami-dami ng suot na alahas ni Xerxes, baka pagong maunahan pa siya.
  • Bodybuilding contest – Alam niyo yung mga Mr. Universe contest (re: Arnold Swashinger, ay Schwarz, Shwars, ah basta. haha) kung saan fine-flex ng mga kalahok yung mga muscles nila tapos jinu-judge kung gaano ka-fine yung pagkaka-tone nila, ganun. Kahit sinong Spartan pa ang lumaban, tiyak panalo sila. At kung yun ang ginawa nilang kondisyon para sa pagtatapos ng giyera, edi panalo sila, kahit hindi pa sila mag-flex ng muscles. Sa dami pa lang ng tinapay nila sa tiyan, mapapakain na ang mga nagugutom sa Aprika. Siya nga pala, judge nila si Jackie Lou Blanco. Hehe.
  • Palakasan ng boses – Hindi ko maintindihan pero punung-puno ng garalgal at plema ang lalamunan ni Gerald Butler sa tuwing nagsasalita siya. “Eat your breakfast for tonight we dine in hell!” Hindi ba parang punung-puno ng galit ang mga salita niya tapos si Xerxes, malumanay. Kung dinaan na lang sa palakasan ng boses, panalo ang Spartans.
  • Kabaglympics – Sa sobrang exposed ng mga tiyan ng mga Spartans, nakakapagtaka na parang hindi nila kinakabag sa kabila ng lahat. May konsepto kaya sila ng kabag? O kinakain ng mga abs nila yung kabag cells (kabag cells? hehe)? Ah basta, ganito: magbibilad ng tiyan ang Spartans and Persians tapos kung sino ang unang kabagan, talo. Kung sa bagay, naka-hubad lang din pala si Xerxes ano at god nga daw siya. Hmm, interesting match-up kung nagkataon: god vs. a thousand digitally-enhanced abs! Who will win? We’ll see but we have to pause for a few reminders so don’t go anywhere.
  • Alikaboklympics – Ito siguro yung pinakamahirap na kasunduan na susuungin ng Spartans if ever. Teka, natanung niyo, bakit alikabok? Well sa dinami-dami ng pinagdaanan nila at sa pagkakonti-konti ng suot nila, imposibleng hindi pa sila immune sa alikabok. So ganun, patatagan laban sa alikabok. Teka ulit, bakit ko nasabi na mahirap ang laban na to? Jusko naman, sa dinami-dami ng carpet sa Persia, hindi pa ba sila masasanay sa alikabok? Baka nga alikabok ang breakfast, lunch and dinner nila dun eh. Kaya tignan mo si Ali Baba, Alikabok actually ang full first name niya. Tapos, Babala ang last name niya. Kaya ang full name niya eh Alikabok: Babala. hehehehe.

Nanalo sana ang mga Spartans kung nakipagkasundo sila sa mga Persians na ganito na lang ang gawin. Siyempre, papayag ever si Xerxes dahil god daw siya at iisipin niyang matatalo niya ang Spartans. Well, kung gusto niyo makita ang any of the suggestions sa taas, tara, gawa tayo ng 300 part 2 hanggang 6 for more (haha, dinaig pa ang Mano Po at nilalabanan ang Shake, Rattle and Roll. Hehehe). Tapos, based on a true story pa rin daw yung sequels ano? hehe, ponebre. hehe. Don’t worry, si Mother Lily ang magpo-produce nito. Hehehe.

Babushka Major!