Kahit na puro katarantaduhan ang pinagsususulat ko sa blog na ito, isa po akong debotong Kristiyano (ows, di nga?). Oo, nagsisimba po ako kada linggo, marunong po ako matakot sa Diyos at sumasali ako sa mga gawain ng simbahan kapag may oras. Dati rin akong kabilang sa koro ng aming simbahan. Kaya sa puntong ito, itaas natin ang ating mga kamay sa Panginoon at baliktarin ang ating mga payong upang masalo natin ang mga grasyang ibabato niya. Emen po ba? Glory to God! Glory to Christ Jesus!

Pero huwag kayo matakot ah. Hindi magiging online bible ang blog na ito. Actually, nagbebenta kasi ako ng bible, 3 for 100, may glow-in-the-dark cover nang kasama yan. Hehehe. Joke lang. Ganun lang ang intro ko dahil may kaugnayan sa blog post na ito ang katotohanang iyon (totoo ba talaga yun? final answer?) kasi nangyari ang lahat sa aming simbahan.

Madilim at maalinsangan ang panahon noong araw na yun ng Linggo. Nakita ko po yung suspek na kumakain sa gotohan ni Aling Richard sa may kanto. Palinga-linga po siya sa kaliwa at kanan na parang may stiff neck na hindi mawala-wala. At noong wala nang tao, ninakawan niya po ng halik si Aling Ri…teka, sinung nagsingit ng testimonya ko dito tungkol sa People of the Phil. vs. the Karinderya Kisser? Pakitanggal nga ito at i-abot mo yung draft ko para sa blog post na ito.

Ok so ganito yun: pagkatapos ng misa kung saan taimtim akong nagdasal (at luminga-linga to the left, to the left, everything you have nakakalat diyan sa left dahil sa mga chikabebs at ang pangit ng term na chikabebs. hehe), nanatili pa kami ng ilang minuto sa simbahan dahil ministro ang aking ama at may churchwork pa siya habang kami ng kapatid ko eh bumili ng cotton candy na may milk powder.

Matapos nun, sumama sa amin, hindi sa presinto, kung hindi sa van namin yung isa sa mga kapatid ng aming pari dahil may kukunin silang eklavu somewhere sa village. Hindi na kinailangan ng treasure map ng tatay ko at ng kapatid ni father para mahanap ang lokasyon ng treasure. And yes, hindi na rin kailangan ipa-blotter pa kung saan ito.

Nakuha nila ang gusto nila (parang galing beerhouse lang ano? Hehehe) at matapos nun, nagkaroon kami ng personal talk ni dad, kapatid ni religious dad and me. Nabanggit ng tatay ko na gusto kong sumali ulit sa choir (and yes, parang prodigal son ang moda dahil ako ang umalis pero hindi ako kumain ng pagkain ng baboy, ok? Pero baboy ako kumain. Hay tama na nga yan!).

At noong nabanggit ni papa na gusto ko nga bumalik, biglang nagsalita itong si kapatid ni padre. Parang ganito ang sinabi niya: “Saan ka sasali? Sa youth?”. Ang sabi ko oo. At nung sinabi ko yun, may parang kumiliti sa hypothalamus niya at nanguryente sa funny bone niya (na mahirap hanapin by the way dahil may added pounds siya) at bigla niyang sinabi na “Ganun ba? Ilakad mo naman ako doon sa maganda dun oh!”

Grabe, nagkaroon ng five-second delay ang reaksyon ko nang marinig ko yun kasi from a simpleng kausap eh magiging tulay/Dr. Love/makata/singing telegram akesh! As in, parang nafe-feel ko pa…rin…yung (5, 4, 3, 2, 1) five-second (5, 4, 3) delay na yan. Hehehe. Grabe yung pasakit na idinulot niya sa buhay ko kaya magbabayad siya. Hehehe.

Pero yun nga, sa una, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Una, hindi pa kami close nung magandang girl na maganda nga (hindi nakakatakas sa mga mata ko ang mga tulad nila. Natural ability ba yun? Hehehe) at ka-flex ni Anne Curtis ng slight. As in, nagtulong tulong ang cerebrum, cerebellum at medulla oblongata at aorta at superior vena cava ko sa paghahanap ng sagot. Medyo natagalan ako sa reply pero na-satisfy ako sa sinabi ko.

Hindi ako nagsabi ng oo (dahil hindi pa naman ako sumasali sa choir) or hindi rin ako tumanggi. Bagkus (tangina yung lalim ng bagkus, nahukay mo yun?), sinabi ko sa kanya na kunin niya ang mga bulaklak sa simbahan at iyun ang ibigay niya kapag umakyat na siya ng ligaw sa kanya. Rude, ano? Pero may mga dahilan kung bakit. Heto ang mga reasons ko.

  1. Nabasbasan na ng holy water ang mga bulaklak na iyon kaya siguradong hindi niya itatapon. Kung gusto niya ng additional holy water, eh di ipahid niya sa katawan niya yung bulaklak or pigain niya muna yung petals to extract it.
  2. Simbolo iyon na saksi ang Panginoon sa pag-ibig niya – Sus, kung ganun din lang, eh di tabernacle ang ibigay niya o yung lalagyan ng insenso para may simbolismo pa na “mabango ang pag-ibig ko, walang itinatagong baho”. Di nga? Hehehe.
  3. Wala nang bayad. Sus, nanakawin mo na lang eh. Pero bago mo nakawin, magdasal ka muna sa harap niya. At pagkatapos mo nakawin, don’t forget to go to confession ah.
  4. Maganda ang itsura ng mga bulaklak sa simbahan dahil either sponsored siya ng isang flower shop o masusing pinipili siya bago bilhin sa Dangwa ng mga miyembro ng Mother Butler Guild.
  5. Hindi mabilis malanta dahil God’s miracles work to preserve it’s natural beauty.
  6. Hindi pa nadapuan or konting beses pa lang nadapuan ng bubuyog kaya if ever gustong sipsipin ni Anne Curtis girlash yung katas niya ala-Santan (very childhood days…oh my gosh, a tear fell. hehehe) eh pwedeng pwede dahil wala o konti pa lang yung bawas.
  7. Hindi pa napaglaruan ng ‘She loves me, she loves me not’ ng mga batang babae na hindi pa nadidiscover ang patakaran ng FLAMES HOPE at FLAMES CANDLE>
  8. Hindi pinangingitlugan ng mga dengue-causing mosquitos ang tubig sa vase niya dahil laging napapalitan. So kung sila’y mahal mo, magplano (parang birth control lang yun ah. Hehehe). At wala siyang sense grabe. Hehe.
  9. Hindi pa nakakatay ng mga batang dinidikdik ang petals para makagawa ng bubbles. Well, applicable lang ito kung gumamela yung bulaklak na bettina carlos may na getluckin.
  10. All of the above. Ano naghihintay ka ng reason number 10 ano. Well, hindi mo siya makukuha. Well that is unless, papasahan mo muna ako ng load para mai-text ko yung sagot. Or, magpadala ka ng load card through snail mail. Hehehe.

At sa ginagawa kong ito, alam kong nagkakasala ako sa Panginoon. Therefore, Bless Me Father for I have sinned. My last confession? I cannot remember. My sins are (these data are deleted due to the blogger’s right against self-incrimination. Yes, feeling government official siya na gustong kwestyunin ng mga senador. Hehehe). At grabe, ano na nga ang act of contrition? Di ko na memorize! At father, ang haba naman ng pennance ko. Ay shocks, mali pala ang magreklamo so, Bless Me again Father for I have sinned, my sins are…Hehehe.

Babushka Major!