Naranasan mo ba ang pakiramdam na makasakay sa isang jeep sina Eric Altamirano, Gelli de Belen, Jessica Zafra, Pepe Smith at Moy Ortiz? Parang mahirap paniwalaan ano either may mga kotse sila or if not, private jets. Hehehe. Pero as in, accurate na kamukha ng mga nabanggit ko yung nakasakay ko. Kulang na lang siguro eh kamukha ni Al Tantay o Soxie Topacio yung driver para may show na. Hehehe.
Alam mo yun, muntik nang may lumabas na gas sa aking tambutso (gets mo?) dahil pinipigilan ko ng husto ang pagtawa. May mga pagkakataon na nagmumukha akong gago at bigla na lang akong ngingiti habang tinitignan ko sila. Medyo magulo pa naman ang buhok ko at mukha akong hindi naliligo kaya imposibleng hindi sila nagdalawang isip na tumawag sa DSWD para mabigyan ng direksyon ang buhay ko. Hehehe.
Ok, yun lang. Tapos na ang blog entry ko for the day. Thank you for reading.
Joke lang. Hehehe.
Wala lang akong maisip na panimula para dito kasi parang lumulutang pa rin ang utak ko sa isang pangarap na magkaroon ng sariling gaybar, este comedy bar sa may amin. May isang bakanteng lugar kasi malapit sa Sta. Lucia at naisip ko na pwede siguro siya gawing comedy bar kung may pera lang ako. At para makaipon ng pera, tumatanggap na po ako ng mga labahin at plantsahin araw-araw. Heto yung price list ko (per piece po ito, mapa-damit, shorts, lonta, pajama, brief, thong at Good Morning towel man ito):
Libre- Bubudburan lang ng sabong panlaba yung mga kasuotan. Bahala ka na sa ibang steps
Piso – Laba lang, walang banlaw
Dalawang piso – Laba, may banlaw, walang patuyo at palu-palo
Tatlong piso – Kahon!
Apat na piso, apat na piso na po ang tawad – Kahon pa rin!
Limang piso – Laba, banlaw, patuyo, palu-palo pero walang plantsahan
Anim na piso – Laba, banlaw, patuyo, palu-palo at de-uling na plantsahan
Pitong piso – Laba, banlaw, patuyo, palu-palo at steam plantsahan
Walong piso – Laba, banlaw, patuyo, palu-palo at de-kuryenteng plantsahan (pero hindi sa kabayo paplantsahin)
Siyam na piso – Laba, banlaw, patuyo at palu-palo sa washing machine (may palu-palo na pala ang washing machine) at de-robot na plantsahan courtesy of the STI School or Robotics
Sampung piso – Laba, banlaw, patuyo at palu-palo sa washing machine, de-robot na plantsahan at may libreng isang pakete ng sabon.
11 pesos – kagaya ng sa sampung piso pero may libreng kurot ng pagmamahal
12 pesos – kagaya ng eleven pesos pero may libreng cd ng mga jingles ng mga commercial ng sabong panlaba (carrier single nito ang remix ng Mother’s Day song nila Anna at Maria para kay Lumen. “Nagkaroon ng kulay ang bu___what, what? Hahahaha! Yeah yeah, Miami! Hehehe)
Bente pesos – kagaya ng 12 pesos pero may kasamang autographed pictures ng pamiya ni Lumen, Mr. Clean na may peluka, Mr. Macho Labandero at ni Tolits.
Trenta pesos – same as bente pero may kasamang palanggana na mukhang malaking tansan lang.
Kwarenta pesos – same as trenta pero may kasamang malaking bote ng softdrinks yung tansan/palanggana.
Fifty pesos – same as kwarenta pero may kasamang palu-palo na may autograph ng cast ng Batch ‘81
Sixty pesos – same as fifty pesos pero may kasama nang installer para sa PC ng Labandero 1.0 kung saan ilalagay mo lang sa scanner yung labada mo at in a few minutes eh malinis na siya totally.
Seventy pesos – same as sixty pesos pero 24-karat gold yung palanggana
Eighty pesos – Same as seventy pesos pero certified ng customs na walang smuggled sa mga ito
Ninety pesos – Same as eighty pesos but when you call within the next 20 minutes, we will slash three pesos and 67 cents off the purchase price, bringing it down to an affordable low prize of just, teka ha 90 – 3.67 is equal to the summation of the derivative of…ayan, 86.33.
At ang pinakamahal sa lahat…
One hundred pesos – makukuha mo ang lahat at may libreng date sa akin (Yuck! Eww! Gross! Like kadiri!)
Kayo naman, ultimate sacrifice na kaya ang pagbebenta ng sarili ko kaya yun ang pinakamahal na package ano! Never been kissed at never been touched (pwera lang ng mga mandurukot) akembang, anez? Totoo yan, walang biro, peks…aahhhh, tinamaan ako ng kidlat! Ouch, tinamaan pa ako ulit! Grabe, lightning strikes to the second power nga naman. Hindi…ko…na…kkk…aaaaya….
(Disclaimer: No Lawrence Fernandez were harmed in this blog post)
Babushka Major!
Marso 7, 2008 at 6:30 umaga
okey 200 piso ang bayad ko kung may kusot at kula-kula ang labada, at kahit strip tease na lang ninyong dalawa ni Lawrence. LOL
Pebrero 18, 2009 at 8:19 hapon
ang korni naman niyan…
Marso 17, 2009 at 5:48 hapon
sasuke,
ganyan talaga magpatawa. may mga banat ka na magiging korni. ang mahalaga, sa sampung joke mo, more than half ang benta. hehe