Para sa ‘yo, ang serbisyo ko
Marami ang nakapuna na for the past days eh puro tungkol sa eleksyon ang isinusulat ko. Well, hindi na siya maiiwasan kasi nalalapit na nga naman kasi siya. Parang ang detached to the world ko naman kung hindi ko tatalakayin yun. Well nwei, pagpasensyahan niyo na ako kasi related pa rin sa Elections ang balitang ito. Paano ba naman, niyanig ako ng isang balita kagabi. At malamang alam niyo na rin ito.
Hindi, hindi yon! Kung ang pagco-cool off nila LJ Reyes at Alfred Vargas ang tinutukoy niyo, aba eh simulan mo nang maglakad dahil milya-milya ang layo mo sa topic. Well to be more precise, nasa Gen San ang topic. Ah, nahulaan niyo na ano? Tama kayo, tungkol nga kay Navarette ito! Hehe. O siya, serious na, tungkol nga kay Pambansang Kamao ang sulatin na ito. Nagulat ako nang sabihin niya na balak niyang tumakbo para sa isang lokal na posisiyon, mapa-mayor, congressman o governor man.
Nang marinig ko ang balita, tinignan ko ang kalendaryo ko kasi baka April 1, 2007 lang kahapon. Hehe. Pero hindi, totoo pa lang si Manny (at hindi si Pooh-quiao) ang nagsasalita. Gusto daw niyang tumakbo dahil gusto niyang maglingkod sa kanyang mga kababayan doon. Marami ang tumututol dito kabilang na ang kanyang ina na si Aling Dionisia at ilang taga-suporta ng boksingero.
Sa bagay, kung kailan pa nasa taas na siya ng boxing world eh tsaka niya iiwanan ito. Parang mali nga naman yun. Marami pang panahon para siya eh tumakbo matapos ang career niya (kasi mga baka 40 yrs. old pa lang siya nun) kaya hindi pa panahon para doon. Pero alam niyo, makakatulong ang pagtakbo niyang ito sa GenSan o sa Cotabato. Marami rin positibong mangyayari sa lugar na iyon kapag naihalal si Pacman. At heto ang listahan ng mga pagbabagong yan:
- Dadami ang McDo branches sa GenSan – Siyempre, that’s what you call, perks barrel. Haha. Ikaw na ang maging endorser ng McDo. At dahil kay Pacquiao ang mga branch na ito, minabuti niya na ibahin ang konsepto ng Play Place. Hindi na siya Play Place, boxing gym na siya na kumpleto ng materyales at may boxing ring talaga. Sa bagay, you have to start them young, ika nga. Haha. Kaya mga Gensan pips, kung sakaling makita niyo si Frankie Cuneta Pangilinan diyan sa plaza at kumakanta, hindi po siya nangangampanya para sa tatay niya, magbubukas lang kasi ng bagong McDo branch diyan. Hehehe. At mantakin mo, tuna ang main ingredient nila sa Fillet O’ Fish so hindi sila mauubusan nito. Hahaha. And last but not the least, may boxing gloves, boxing robe at title belt na rin yung Ronald McDonald statue na nasa labas ng mga McDo outlets ni Manny. Haay, kawawang Jolibee.
- Magkakaroon ng Boxing League at Sabong League – Siyempre, yan ang hilig niya eh kaya posibleng mangyari ito. Yung mga ligang nabanggit eh parang PBA ang format. Isipin mo na lang para sa boksingero kung every other day eh may laban sila. Baka hindi pa sila sumisikat, laos na sila. Hehe. At doon naman sa sabong, well at least dadami ang makakapaghanda ng Fried Chicken, Tinolang Manok, Pinaupong Manok at Chicken Inasal dahil araw-araw may namamatay na manok. At least, hindi puro tuna ang nakakain nila. Siyempre, commissioner si Pacquiao. Pwede niyang kunin reperi sa sabong si Reperi Tauro (pwisto!) pero kailangan either naka-red or blue na tari yung manok para magamit niya ang kanyang multi-color wrist band. Haha.
- Dadami ang billboards – Pero hindi pwede ang kwadrado at rectangular na billboard. Magpapatupad ng ordinansa si Pacquiao na ang mga billboard eh korteng boxing trunks, in memory of his mala-Formula 1 car na shorts. Naisip ko tuloy kung nakadagdag sa timbang niya yung mga nakatahi dun sa shorts niya kaya kahit anung suntok ni Morales eh hindi siya natitinag. Hehe. At dapat, binababa ang billboard na ito once a week para ikula ang mga mantsa ng trunks.
- May Manny Pacquiao Film Festival sa Lagao Gym – Ito eh para malaman ng mga constituents niya na matapang ang kanilang lider at hindi sila iiwanan. Pustahan tayo, kung mangyayari to, magmimistulang piyesta sa labas ng Lagao Gym ang magiging eksena sa dami ng billboards ng mga sponsors ni Pacquiao. And to make matter better, si Pooh-quiao ang master of ceremonies. At pustahan tayo uli, may VIP seating dito at mga pulitiko at artista ang nakaupo malapit sa screen.
- Magkakaroon ng maraming OTB sa Gen San – Pero hindi ito for karera ng kabayo sa Sta. Ana, para ito sa boxing. Magkakaroon sila ng Pay Per View 24/7 boxing channel at iyon ang pagpupustahan ng mga taga dun. Ililista mo lang yung eksaktong resulta para manalo. Kung sa tingin mo eh knockout, isulat mo yung eksaktong oras at round ng knockout. Kung unanimous o split decision, sino sa tingin mo ang mananalo. At kung draw, edi gumuhit ka diyan! Ilakip ang inyong entries sa isang legal size white envelop at ipadala sa OTB ni MP c/o Dionisia Pacquiao P.O Box for 12 rounds, spar for more, Gen San. Ang mananalo, di lang cash price at bigas ang take home, may kasama pang Magic Sing Gift Pack yan!
- We’ll see more of Bobby – Kung nagtataka ka kung sino si Bobby, hindi siya si Bobby Jose, oki? Lalong hindi rin siya si Bobby Ledesma, ok another? Siya ang buthiing kapatid ni Manny na si Bobby! Aba, posibleng maging Chief of Staff si Bobby. Pero sa tingin ko, mas bagay siya bilang health adviser ni Manny kasi una, may alam din siya sa conditioning at ikalawa, may solusyon na siya para sa tumataas na sick rate sa kanilang lugar. Paano ba naman, marami sa kanila ang naka-yapak lang at ayon sa PAMET, mas madaling pasukin ng germs ang katawan mo kapag ganun. For that, ang long-term solution ni Bobby, Ikspid Socks (from the makers of Darlingon, Ixpid!) Kaya lang, may danger ito kasi baka gawing pantalukbong sa mukha ng mga holp-uper at bank robbers ito. Well, isang suntok lang sila kay Pacman!
- Magkakaroon ng local version ang Sing Galing – Exclusive for Gensan or Cotabato residents lang ito kasi maswerte sila at mayor nila si Pacquiao. Siyempre, Magic Sing ang gamit nila at ang may pinakamataas na score ang siyang magwawagi. Pero ang production design, ma-bring up ko lang, eh parang yung dun sa mga amateur singing contest sa mga nayon tuwing may pista. Yun tipong may cartolina lang sa likod at some banderitas at stage eh ok na.
- Posibleng dumami ang Filipino-Mexicans sa area – Mangyayari ito kung maninirahan somehow si Erik Morales sa Gen San na mukhang hindi malayong mangyari. Baka kasi malasing itong si El Terrible sa kakainom niya ng San Miguel Beer kasi hindi pa siya sanay dito (Corona Extra kasi ang beer nila sa Mexico) at mauwi siya sa sitwasyon na hindi na niya alam ang ginagawa niya. Lalago ang lahi ni Morales doon five years from now. At dahil din diyan, huwag kayong magtaka kung magkaroon ng Mexican Telenovela 24/7 channel sa lugar na iyon. Baka sulsol yun ni Erik o para maging in-touch naman ang mga Fil-Mexican sa kanilang kalahating kultura. Hahaha. Pero malamang, si Morales ang nagbenta ng canned films na yan. Or better yet, baka pinirata rin lang niya mula sa Mexico. Wala akong tutol dito basta wala lang sa TV sked ang Innocente de ti at Letty la mas fea. Hahaha. At dahil din diyan, magiging Chavacano na ang wika sa Gen San kasi may halo na rin kastila ang bisaya nila.
- Lalago ang mini-mart business niya – Siyempre, may kontrol na siya sa GenSan. Kung ganun, ang pangalan ng mall niya eh PacMall. Hahaha. Pero, puro San Miguel Products pa rin ang ibinebenta niya kasi nga sponsored siya nito. Kaya huwag kayong magtataka kung pupunta kayo sa Department Store ng PacMall at puro bags, shirts, caps at kung anu-anu pang apparel na may tatak San Miguel at kung ano pang products lang ang mabibili mo. Tapos ang food court, dapat SMB products lang ang ingredients or yung mismong ibinebenta. At kung magkakaroon ng beauty clinic si Elvie Pineda dito, magkakaroon siya ng San Miguel Beer Facial Wash. Hehehe.
Haay, sana hindi matuloy to. Mas gusto ko makita si Pacman na nakikipagbugbugan sa mga kalabang boksingero kaysa sa mga katunggaling politiko. Pero ano pa man ang maging resulta, siguradong magkakaroon ng “kamay na bakal” na pamumuno sa Gen San kung manalo si Pacman. Huh, ikaw na ang magpatumba kay Morales, Barrera at Larios, di ka pa ba matuturingang may bakal sa kamay? Hehehe. At siyempre sa kampanya, may jingle na siya. Ay di lang pala jingle, dalawang buong kanta pa. Hahaha.
Babushka Major!