Noong lingo, muli na naman tumigil ang orasan ng Pilipinas dahil naubos ang battery nito. Mabuti na lang at may Motolite si Manny Pacquiao kaya siya lang ang nakapagpaandar nito. At nyeta, ang pangit ng analogy ko dito. Hehehe. Nwei, hindi na naman nawala ang panira sa buhay na kamag-anak o kaibigan na nagtext sa akin na nanalo si Manny via split decision. Ibig sabihin, mag-asawa yung dalawang judge, hindi sila nagkasundo kung sino ang nanalo at nag-split sila pagkatapos ng laban. Hehehe.

Pero, pinanood ko pa rin ang laban na kung saan marami ang nagsasabi na talo dapat si Pacquiao. Kaya lang, ang laban kasi eh iniiskoran ng tatlong tao lang kaya bahala sila sa desisyon nila. At dahil sa desisyon nila, wala pa naman yata akong nababalitaan tulad nito: “Isang boxing judge, nasunog ang bahay dahil sa nasunog na burrito sa stove ng kapitbahay niyang Mexicano.” Hehehe.

Kaya anuman ang sabihin ng iba, ang panalo ay panalo. Kung tutuusin, one point lang ang lamang ni Manny doon sa third and deciding judge kaya makikita mong close talaga ang laban at muntik na magkapalit ng mukha si Marquez at Pacquiao. Siyempre sa ngayon, mainit pa ang ulo ni Marquez dahil feel niya eh nadaya siya. Pero pustahan, pagdating ng panahon, magkakaroon ng commercial ng San Miguel Beer kung saan si Dinamita na ang nagsasabi ng “Wala kang katulad, Manny” habang tuma-tumbling pa rin si Jet Li dahil naghahanap pa rin siya ng beer.

Of course, masaya ang lahat kapag nanalo si Manny (maliban doon sa mga pumusta kay Marquez). Sa sobrang saya pa nga ng ilan eh nakuha pa nilang mang-holdap sa kainitan ng laban. At may magkaibigan pang nagkasapakan dahil lang sa kung sino ang mananalo. Oh di ba, ang saya. Anung sinabi ng Pen Pen de Sarapen at Star Smile Factory diyan? Hehehe.

Siyempre, hindi pa dito nagtatapos ang daan para kay Manny. Aba, world champion na naman siya ulit kaya asahan niyo na mauubos ang lahat ng lechon sa mga tindahan ng litson sa Gen San (anung malay natin, meron pala silang Lechon Tuna na may Omega 3. Hehehe) kapag dumating siya doon. At para tuloy-tuloy ang kita ng mga sinehan eh ipa-pay-per-view na rin nila ang mga laban noon ni Pacquiao sa Blow by Blow kung saan may kulay pa ang buhok niya at mas mukhang basketball shorts pa ang trunks niya. Hehehe.

Pero dahil tapos na ang mismong laban, heto ang aking postscript para sa ‘Unfinished Business’:

·         Aba, nasaksihan natin ang pagbabalik ni Ciara Sotto sa limelight matapos ma-tsismis na dinagdagan niya daw ang populasyon ng mundo. Hehehe. Pero sabi nila, nag-knock knock, who’s there muna daw siya kay Michael Buffer bago kumanta at yung punchline ng joke eh nasa Lupang HInirang. Teka, pati ba naman sa Las Vegas, makakaabot ang Bulagaan? Eh nasaan ang batuhan ng pie at basaan ng tubig? Hehehe.

·         Sabi nila, yung National Anthem lang daw ang pinanood ni Tito Sotto at Helen Gamboa dahil proud moment ng daughter nila yun. After that, in-off na nila yung TV at nakinig na lang sila sa radyo. Hehehe. Hindi nakakapagtaka kung sa mga susunod na araw eh may pirated copy na rin ng performance ni Ciara Sotto, as in yun lang. Hehehe

·         As usual, high-spirited na naman ang pagkakakanta sa national anthem ng Mexico. At kahit hindi ko naiintindihan ang mga salita, nasasabayan ko siya in fairness. Yan ang nagagawa sa iyo ng kakapanood ng boxing, bullfights at mga Mexican telenovela tulad ng Gata Salvaje. Hehehe.

·         May dalawang Pinoy na lumaban sa undercards ng Unfinished Business. Isa na dito si Michael Parenas. Nakasama na siya dati sa undercards ng isa ding Pacquiao fight pero noon, hindi siya gaanong natawagan ng low blows. Naimbestigahan namin sa aming imahinasyon kung bakit panay low blow na lang ang pinakawalan ni Parenas at yun pala, si Mura ang naging sparring partner niya kaya nasanay siya sa ganun.

·         Yung isang Pinoy naman eh si Prince Gadi. Sayang at natalo siya sa loob lamang ng dalawang round pero marami ang nagsasabi na hindi niya nakayanan ang pagbabawas ng timbang. Well, ok lang yan Diosdado, marami pang susunod na laban. Anung malay mo, baka sa next fight mo eh si Bernard Hopkins o Oscar de la Hoya na ang makalaban mo, di ba? Hehehe. Pero in the mean time, taya ka muna sa lotto at baka manalo ka pa ng jackpot.

·         Maganda si Camille Villegas. Sana kamag-anak ko siya. Hehehe. Ay wait, mali, sana friend siya ng kamag-anak ko para magkakilala kami. Hindi naman masama ang mangarap di ba? Hehehe. Teka, nagu-unlitext din kaya siya? Hehehe.

·          Si Apl.De.Ap o Allan Pineda ng Black Eyed Peas ang kumanta ng entrance theme ni Pacquiao. Oh san ka pa, world class talaga ang caliber ng Pinoy pagdating sa pagpeperform. No wonder maraming PInoy performers sa Japan. Hehehe. Pero mabalik tayo doon, iniba pa ni Apl ang lyrics ng kantang Bebot. But on the other hand, Manny Pacquiao, Bebot? Di nga? Parang ang hirap i-imagine man lang. Hehehe. Pero at least, hindi na natin narinig ang mga kanta ni Pacquiao sa entrance march niya. Mabuti nang pagpahingahin na natin sila. Hehehe.

·         Nanood daw ang magkakapatid na Gutierrez sa Las Vegas. Kaya lang, hindi natuloy ang panonood nila. Bigla kasing nag-transform si Richard Gutierrez into Kamandag at akala ng mga security ng Mandalay Bay eh ahas siya. Ayun, dinampot siya, si Raymond at si Elvis dahil sa kasong illegal possession of lethal animals. Nasa pangangalaga na yata ng Parks and Wildlife si Kamandag. Hehehe.

·         Bumagsak si Marquez sa ikatlong round at akala ng lahat na tapos na ang laban doon. But no, matatag si Marquez at hindi daw pala talaga siya na-knock down. Ang nangyari kasi eh gusto niya umiwas sa suntok ni Manny kaya ginaya niya yung somersault ng idol niyang si Spencer Reyes. Kita mo, umangat talaga yung paa niya pero hindi niya nakumpleto yung tumbling. Dinamita, konting practice at nood ng Street Boys pa at makukuha mo rin yan. Hehehe.

·         Hindi pinalabas ang post-fight interview ni Pacquiao sa GMA 7 dahil sinimulan kaagad nila ang “Marimar Memories”. Ok lang, between Pacquiao and Marian Rivera, kay Marian Rivera ako. Kahit maghubad pa si Manny sa harap ko at ipakita niya ang muscles niya na pinapagaling ng Alaxan, kay Marian pa rin ako. Hehehe.

·         Akala ko Mano-Mano Pro Boksing lang ang pinapanood ko dahil angat ang boses ni Buboy Fernandez. Kaliwa…tamaan mo diyan, ayan…Oh ilag, ilag, dali!…Banatan mo, kaliwa, jab, kanan…as in buong laban yun. In fairness, kapag natapos na ang career ni Pacquiao, pwede siya maging commentator.

At matapos ang 12 rounds ng aksyon, tanging ang page-English lang ni Pacquiao ang inabangan ko pero hindi ko pa napanood. Pero in fairness ah, magaling na mag-English yung mga anak ni Manny na naglalaro pa ng Gameboy habang nanonood ng laban ng tatay nila. Pero, sino kaya ang nagturo sa kanila nun? Ah, baka si Coach Freddie Roach na kung magsalita eh parang si Mark Herras lang. Hehehe.

Babushka Major!