Tandang-tanda ko pa, maliit pa ako noon…
Naging spoiled ako dahil mahal na mahal ako ng lola ko. Ewan ko ba kung bakit napakatigas ng ulo. Siguro kaya ganun, eh kasi bata pa ako. Tententententeteteteten. Hehehe.
Wala lang, naalala ko lang si Jamie Baby Magtoto, yun ngang kumanta ng Eh Kasi Bata. Kung nagtataka kayo kung anung itsura niya, siya yung batang rapper na ang outfit eh parang Mario Brothers. So un, babae siya and I wonder kung nasaan na siya. Kung sino man ang nakakaalam kung nasaan siya, text niyo ako ha. Hehehe.
Nwei, walang kinalaman si Jamie Baby sa article na ito. Pero, may koneksyon sa pagkanta ang chorvalyn na ito. At hindi lang basta pagkanta. Ito yung pagkanta na siguradong malilinis ang kaluluwa mo, mawawala ang mga kasalanan mo at mabubusog ka sa kape at biskwit afterwards: ang pabasa
Ngayong Mahal na Araw, nakasaksi ako for the first time (ay hindi yata, second. wait, third. um, second nga yata. fourth. Ah basta) ng pabasa. At aba, kung ano ang mental picture ko before, ganun nga talaga ang nakita ko: mga matatandang kumanta ng isang bagay na isinulat pa bago nabuhay si Eddie Garcia (so naimagine mo na lang ang tanda nun ano. hehe), mga katulong na busy sa paghahanda ng pagkain at mga batang napipilitang umupo na lang at kung gumalaw sila, tatakutin sila na kakainin sila ng mamaw. Hehehe.
Sa totoo lang, parang ang bagot nga ng tono ng pabasa (mapa C sharp man o D minor, bagot pa rin). Kung sakaling gagawan ng compilation CD ang Pabasa, malamang baka hindi umabot ng maraming kopya ang mabebenta nito. Malamang yung mga kamag-anak ng mga producer o mga artists sa CD ang bibili nun (or baka complimentary copy lang. hehe)
So un, dahil dun, gusto ko sanang magpasa ng panukalang batas sa Kongreso na palitan ang tono ng pabasa. Alam kong kailangan malungkot ito dahil Holy Week nga pero pwede naman mag-add ng little fun to it eh. Hehe. Basta walang disco ball, pyro lights at mga noontime dancers, ok pa rin yun. Ika nga, let’s pump up the party (but don’t party too much. hehe)At dahil dito, kung ako ang papipiliin ng posibleng tono para sa pabasa, this is what I have in mind:
- Rico Mambo (Breakfast Club) – O di ba? Bakit naman ito ang ilalagay ko, nameinst? Well, simple lang: ang happy kasi ng tono nito eh at accurate lang para sa pabasa. Tignan mo: Papapapara, papapapabasa. Papapapara, paparapabasa. Pabasa mambo, pabasa mambo yeah. Hehehe.
- Top of the World (Carpenters) – Need I say more? Tignan mo: “Diyos nasa Top of the World looking down on creation and the only explanation that i found. Hehehe. And for more, mas maganda kung si Karen Carpenter pa ang nagpapabasa para may twang ang pabasa at ready na siya for international distribution. Hehe
- Ang mga ibon na lumilipad ay gawa ng Diyos (kung sino man ang kumanta nito, magpakilala kayo) – Ito ang pinakamagandang tono para sa pabasa. Bukod sa religious na ang original lyrics nito, happy pa ang melody (melody and ivory, live together in perfect harmony. Hehe). Heto pa ang sample para sa inyo: “Manok ni San Pedro ay lumilipad at gawa ng Diyos na di kumukupas” (eh yung di na related sa pabasa yun. hehe)
- Ever After (Bonnie Bailey) – Lahat ng bata, masasabayan ang tune na ito. For that, hindi na OP ang youth pagdating sa pabasa. At ang clincher line: “Ang Diyos babalik pa ever after, with you, yeah.” Hehehe. Maganda din ang kantang ito kasi may mahabang intro kaya pwede ka pa huminga.
- Anak (Freddie Aguilar) - Title pa lang, pasok na itong kantang ito. Sa bagay, si Hesus ang Anak ng Diyos, di ba? So, may relevance sa buhay niya ang song (pwera lang doon sa pagtimpla ng gatas mo at nalulong sa masamang bisyo part. hehe). So bale ang atake ng kanta: “Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng mga tao dahil ililigtas mo sila sa kanilang sins.” (O di ba, taglish pa. hehe)
- Crank Dat (Soulja Boy) - Kapag nangyari ito, magiging katunog ng pabasa ang mga sounds ng mga jeep ng Montalban, yung puro base lang ang naririnig mo at parang lata lang ang speakers mo. Hehehe. Pero on the other hand, whatever hand it is, the left or the right, at least malalagyan mo na ng sayaw ang pabasa. At ang clincher ng kanta: “Si Kris-tu! Si Kris-tu, pinarushan ng soldier boy na isang Roma-nu! Roma-nu! Ayos, magmumukhang jewelry shop sa dami ng bling-bling ang taga-kanta. Hehehe. Libreng advertisement para sa Villarica Pawnshop yan. Hehehe.
- Gloc 9 Pabasa Remix – Marami kasi ang nababagot sa pabasa dahil isang buong araw siya. Marami ang hindi sumasali sa ganito dahil sayang nga naman ang oras para sa paglalaba, pamamasyal o panonood ng Eat Bulaga o Cara Sucia at Monica Brava (ang tanda ng Cara Sucia at Monica Brava. Cambio, Dolor! Hehehe). Kaya ang solusyon para diyan, si Gloc 9! Gagawan lang niya ng sariling remix ang buong pabasa at magugulat ka na lang dahil hindi mo pa nauubos yung sandakot na butong pakwan na kinuha mo eh tapos na ang pabasa. Hehehe. Huwag lang pala kayong mairita doon sa back-up rapper na puro “What, what” o “yeah, yeah, come on” lang ang sinasabi. Hehehe. At para sa sample, talasan niyo ang inyong mata dahil heto na siya: Ipinakosikristoangumiyakanglahatngakdfowrudflwfioeaoffaoatnabuhaysiyangmuli, break it down! Hehehe.
Ito lang ang naiisip ko na bagay gawing pabasa for now. Kung sa bagay, pwede naman magkaroon ng Anak (The San Andres Bukid Remix) or Ever After na may 100 remixes na din naman. Hehe. Or pwede ding Ang mga Ibon na Lumilipad (The Sige Sige Sputnik Remix). Hehe. Nwei, sana mabasa ng mga nagpapabasa ito, at sana mabasa din ng record companies to para maisipan nila gumawa ng “Pabasa Unplugged” compilation.
Imagine, 75 of your most favorite pabasa artists in one compilation. This album includes pabasa renditions from Aling Maria ng Baclayon, Bohol, Manang Myrna the Manghihilot ng Catbalogan, Samar at ang carrier single ng album, ang rendition ni Manang Goreng, the healing pineapple vendor ng Malaybalay, Bukidnon. Hehe. That’s over 365 days of pure pabasa stylistics. So what are you waiting for, do not wait, waiting is not good, so grab a copy now in CDs, casettes, LPs, eight track and phonograph. But after you grab it, pay it sa counter ha para hindi ka makasuhan ng shoplifting. Hehehe.
Babushka Major!
Marso 31, 2008 at 12:19 hapon
shet yang soulja boy version ng pabasa! soldier boy na ROMA~nu! ahahaha.
Marso 31, 2008 at 11:00 hapon
Hahaha. May dance step pa yan for a more lively pabasa. Hahaha.