Sa loob ng siyam na araw na hindi ako naglagay ng kahit na ano dito sa blog na ito, hindi ibig sabihin nun na hindi ko nakikita ang blog stats at comments na inilalagay ng mga nagbabasa. Nakikita ko po sila at nagpapasalamat po ako ng lubos sa comment niyo. Mapa-praise, criticism, suggestion, pingback, ringback, lambak o snap back, get on the floor, snap back man yan, thank you. You will always be in my hearts (hearts? dalawa? weird! Hehehe)
Malamang, marami (marami daw oh. akala mo maraming nagbabasa ng mga sinusulat mo?) ang nag-iisip kung anung ginawa ko sa mga nakaraang araw. Nagbakasyon ba ako sa Boracay para makita ang mga crush ko na artistang sina Iwa Moto, Isabel Oli at Polo Ravales (teka, teka, teka, bakit may Polo…ate, ikaw ba nag-type nito? Grabe, hindi ka pa rin naka-get over kay Polo from “Anna Karenina” days? Sa bagay, “Hindi natatapos ang ikot ng mundo, araw gabi tuloy pa rin sa pagtakbo.” Hehehe)
Or pwede rin na natulog lang ako ng siyam na araw (na imposible dahil kapag nangyari yun, may mababalitaan kayo sa tabloid na “6 katao, patay dahil sa baho ng hininga ng kapamilya.”). O siya, para maliwanagan kayo, iinterviewhin ko ang sarili ko para makapagpahinga naman ng konti ang mga daliri niyo sa pagta-type. Or better yet, palagyan mo ng nail polish o Boysen Acrylic Paint na Burnt Sienna ang mga kuko mo para magkaroon naman siya ng life. Hehehe.
CROSS INTERROGATION KO FOR THE CASE PEOPLE OF THE PHILIPPINES…WHO READ THIS BLOG…AND ARE NOT YET DISCOURAGED TO READ FURTHER…BECAUSE THEY HAVE NOTHING TO DO…IN THIS WORLD FULL OF NOTHINGNESS…VS. ME (ang ikli ano? hehehe)
- Nasaan ka noong mga nagdaang siyam na araw? Nasa bahay, nasa simbahan, nasa kwarto ko at nasa puso ninuman because home is where the heart is…or should I say is heart where the home is…or better yet, is is heart home? Did I answer your question? If not, I’d like to phone a friend.
- Totoo ba na nasa Boracay ka? Sana lang. Muntik na siyang matuloy actually. Naka-puslit na ako sa loob nung flight ng Cebu Pacific papuntang Aklan nang walang tiket. At nung lumapit na sa akin yung flight attendant, naglabas na lang ako ng piso at sabi ko “Bayad po, isang Aklan, estudyante, never been kissed and touched but slightly damaged and ready to take a chance again, ready to put my heart on the line” dahil akala ko eh Piso Fare pa rin sila. Ayun, sinipa nila ako palabas ng eroplano kasi wala silang “Pull The String to Stop” or “Full D String 2 Stuff” sa loob. Hehehe.
- So anung ginawa mo noong mga nakaraang araw? Dahil Mahal na Araw, dumalo ako sa mga kaganapan sa simbahan. Isa din yan dahilan kung bakit hindi ako nag-blog noong Holy Week, nakakahiya kasi maging masaya kapag Siya’y nagdurusa. At dahil diyan, feeling ko nabawasan na ang mga kasalanang dinadala ko kahit na hindi ako nagpalo ng latigo sa likod, nagpapako sa krus o nakipag-jamming sa mga matatanda ng Cainta sa pabasa. In fact, pumunta nga ako sa timbangan ng bayan sa palengke at bumaba ng 15 pounds ang timbang ko. Grabe, 15 pounds ang kasalanan ko. Parang naka-toothpick na lang ang puso ko nun ah! Hehehe.
- Do you feel any pressure right now? In the words of Janina San Miguel, “No, I don’t feel eyny preysure.”
- So anung ginawa mo noong Holy Week? Ayun, nagdasal, sumama sa prusisyon habang nakahawak ng kandila, nagdadasal ng rosaryo, tumingin sa paligid-ligid kung may mga magandang kasama sa prusisyon, tinitignan din kung natuluan ng wax ang sapatos ko at lumanghap ng gas mula sa generator na nagpapa-ilaw ng karosa na binabantayan namin. Ang lakas talaga nung amoy nung gas. Kung sisindihan mo siguro ang ilong ko sa mga oras na yun, pwede na siyang panggatong. Hehehe. Bukod pa diyan, sumama din ako sa salubong. In short, lumaki po talaga ang hita ko noong Holy Week, your honor.
- Yun lang ba talaga ang ginawa mo? Ok, so hindi. Nag-DVD marathon din ako ng mga betamax, kumain ng pagkain maliban sa karne at dog food na may Mang Tomas, sumisid sa karagatan upang hanapin ang Yamashita Treasure, natulog hanggang tanghali, naglaro ng Battle Realms (ang tanda!) at nanood ng isang palabas sa GMA kung saan yung mga bida eh kamuka nila Nonie Buencamino, Fr. Robert Reyes at yung anak ng kapitbahay namin. Hehehe.
- So dahil diyan sa sinabi mo, is it fair? Ay, hindi po ako member ng Rotary Club.
- Ah ganun ba, so is it the truth? For more answers, visit the nearest Rotary Club member in theaters nationwide.
- Ah ok. I see. So in relation to that, why did the chicken cross the road? Nag-cross ba talaga siya? As in gumamit siya ng kulay pink at blue na foot bridge? Hmm, teka, siguro dahil may branch ng KFC sa kinatatayuan niya kaya ayun. But then again, um, um, um, papapa-um-mamaw, papa-um, mamaw! Hehehe. Ah alam ko na, kasi may nakitang siyang urinal sa kabilang dako, eh naiihi…teka, jumi-jingle ba ang manok? Kaya siguro maalat ang fried chicken. Hehehe.
- Dahil nabanggit mo na rin lang, ano ang nasa dako paroon? Dako paroon meaning to the right o to the left? Kung to the left, well everything you own your honor is in a box to the left. Pero for clearer answers, magtanung na lang kayo sa ibang tao kung saan mahahanap yun at tiyak nguso nila ang ipantuturo nila ng direksyon. Haay, sayang ang mga daliri. Hehehe.
- May message ka ba sa mga fans mo? Fans??? Meron??? O siya, kunwari artista ako, “Maraming salamat po sa suporta. At para sa mga hindi pa po nakapanood, naku, hindi niyo na kailangan pumunta ng sinehan dahil may pirated copies na sa Quiapo. Mahal ko kayo. JAPAN, ITALY, NEWBORN.”
- Huling katanungan na lang po: What is the moral lesson of the story? Wow, what a very heavy question placed upon my shoulders, but…teka, anung nangyayari? Bakit bumabagsak ang shoulders ko!. Naku, paki-tanggal yung question sa shoulders ko, nasisira ang figure ko! Pero going back, the moral lesson of the story is “whatever you do, I do it for you. Look into my eyes and you will see the love…at hindi ko kinuha sa kanta yan. Hehehe”
O ano, naliwanagan ka na ba? O nalaliman ka sa mga salitang ginamit? O hindi mo lang binasa? Hehehe. Mabuti pa, dadaanin ko na lang sa kanta para mas maintindihan niyo:
Lunes, Holy Monday, hindi ako nag-blog
Martes, Holy Tuesday, after ng Monday
Miyerkules, ano bang ginawa ko, I can’t remember
Huwebes, Maundy Thursday, Maundy Ochoa
Biyernes, ay puno ng kalungkutan, mga EB Babes di ko na-sight na nagsasayawan
Sabado, o sabado nights bigay sa akin
At pagsapit ng linggo, palaspas ko’y seven days old na.
Hehehe, I’m back!
Babushka Major!