Isang araw, pagkagising ko, yun eh pagkatapos kong matulog, nagtanggal ako ng muta at tumingin sa salamin. Himalang hindi nabasag ang salamin nang makita ko ang sarili ko doon. Tinignan kong mabuti ang aking mukha. Kasama na diyan ang aking cheeks, eyes, ears, lips, noses (hala, dalawa ilong mo?), buhok, noo, wrinkles sa noo at mga nunal.

Tapos, bigla kong naitanong sa sarili ko, “Gwapo ba ako? Mirror mirror on the wall…mirror mirror lie to me.” Hindi ko rin alam kung anung tiyanak ang kumapit sa utak ko at bigla kong naitanong sa sarili ko yan. Pero at least, bukod sa “Saan ako kakain?” at “Anung susuotin ko?”, dumadami na ang napo-process na tanong ng utak ko sa ngayon. At para sa mga tanung niyo, ipadala niyo lang para mabanat ang muscles ng aking nervous system. Hehehe.

Hinawakan ko ang mukha ko at kinilatis ang bawat 12 sides ng aking mukha (nyeta, polygon ang mukha mo?). Tiningnan ko kung may mabibighani ba sa mata ko, kung may mangangahas ba makipag-kissing scene sa lips ko at kung may maglalagay ba ng pore strip sa ilong ko. At ayun, sa kanto ng Mata Boulevard at Ilong Highway, isang kakaibang bagay ang nakapa ko. Isang bagay kung saan matatakot ka malaman na meron ka. Isang bagay na talagang hindi ko matanggap, at huwag ang lalake na iyong pangarap, break it down!

May kanin sa mukha ko. Aba, para yatang nagugutom ang mukha ko. Kaya ayun, nag-lagay pa ako ng maraming mainit na kanin sa mukha ko para maging steam bath na rin at hindi maging kalaban ng PAGASA ang di maaliwalas kong mukha. Hehehe.

Ayun, salat ako ng salat sa mukha ko at muntik na yata siyang malamog nang bumuka ang mga ulap sa kalangitan at isang boses ang nagsimulang kumanta. “I am beautiful, no matter what they say, cause words can’t bring me down, ohhhnononono!”

Haay salamat, ate Cristina. Napaka-timely ng words mo. Sana timely din ako sa puso mo kahit may asawa at junakis ka na? Beautiful ka rin naman sa paningin ko eh. Pero gusto mo, magsimula muna tayong friends? At sa nabasa niyong yan, nabisto niyo ang tendency ko na maging stalker. Gusto niyo kahit si Tom Taus i-stalk ko? Ay teka, afraid pala i-stalk yun dahil brusco na siya ngayon at wala na ang trace sa kanya ng pagiging Master Cedric with matching Osh Kosh B Gosh na outfit at plawta so huwag na lang. Hehehe.

Ok, so alam ko nang gwapo ako. At lalo pang lumakas ang paniniwala ko na gwapo ako dahil sa mga artikulong sinulat ng aking kaibigan na itago na lang natin sa pangalang Somayyah Sarip Abdullah (no, hindi niya totoong pangalan yan. Sabing hindi niya real name yan eh!). At para sa mga kagaya ko na may parehong agam-agam sa kanilang buhay, mababasa niyo ang kanyang “Define: Guapo” series sa I Am Supah

O ayan ah Maya, pinakalat ko na ang ebanghelyo sa mga disipulo. Wala ba tayong kahit pa-Nescafe 3-in-1 man lang diyan with rice and vegetables? Hehehe. At nga pala Maya, don’t worry, gwapo ka rin sa paningin ko. Hahahaha.

Nwei, napag-usapan namin ng aking mga kaibigan ang mga churvalu na ito na sinulat ni Somayyah Sarip Abdullah. Of course, there were comments, suggestions, violent reactions, for every action there’s an equal reaction at content analysis ng kanyang akda. At isa sa mga naimungkahi ng aking kaibigan na si Spike Lee na gumawa daw kami ng pang-sikabebs na version noon. So instead na Define: Guapo eh “Define: Guapa” naman.

At heto ang inyong mababasa sa mga susunod na talata. Masuring sinaliksik, siniyasat at hinimay ng mga mga kinauukulan para sa SOGOH: Scene of Ganda Operatives, Haller?

In partial fulfillment for the partial product of the operation of subtraction

CHOVA N CHORVALYN University

“SOGOH: Scene of Ganda Operatives, Haller?”

Define the problem: Ano ang mga iba’t ibang uri ng kagandahan?

Gathering data: Bakit data lang ang iga-gather natin? Mangolekta na rin kaya tayo ng mga old clothes para sa rummage sale ng ating research at para may pang-entrance na rin tayo sa Ballroom Night ng parokya.

Hypothesis: Ito ang mga iba’t ibang uri ng kagandahan:

  1. Diyosang maganda – Siya ang pinakamagandang girlalu physically. Para siyang nalaglag mula sa kalangitan at may bar code pa siya na “Made in Heaven, Distancia Amigo” ang nakasulat. Siya ang girlalu na pinapangarap ng maraming kalalakehan, bata man o matanda, surgical o de pukpok ng albularyo.
  2. Maabilidad na maganda – Ito naman ang girlash na gumaganda dahil sa kanyang abilidad. For example, mala-late na siya sa trabaho at malayo pa siya sa workplace. Kaya ang ginawa niya, tumawag siya kay boss, nag-sorry at sinabi niyang “Boss, bawi na lang ako sa iyo mamayang gabi. Date tayo sa Jollibee. O kaya Kowloon West?” Oh di ba, sino ba naman ang hindi nagagandahan sa ganun?
  3. Shunga na maganda – Kung may matalino, aba meron ding kokonat, anez? Siya naman yung parang gumaganda sa tuwing nagkakamali siya kasi ngingitian ka na lang niya at na-possess ka na lang ng charm niya kaya hindi mo siya magawang pagalitan. Pero guys, subukan niyong magalit ng fatale. Kayo rin ang matatalo sa huli. Wala eh, maganda talaga charms and crystals niya eh.
  4. Designer Brand na maganda – Itembang naman ang girlie na gumaganda dahil mamahalin at branded at kanyang suot. Take note ah, mamahalin at branded, so hindi kasama dito yung mga polo na Lacoste daw pero pango yung bibig ng buwaya o Gucci na “Gutsi” ang spelling. Siya rin yung na masasabihan mo ng “sana, designer brand ka na lang.”
  5. Inukit na maganda – Siya naman ang sculpted beauty na produkto ng mga tanyag na iskultor ng Belo Medical Group at Calayan. Ito yung walang kasawa-sawang magpa-retoke ng butt, mata, ilong, lips, tummy, bituka, spleen, apdo at kung anu-ano pa pero in fairness, mas gumanda nga sila. Pero mga tsong, kapag may sikabebs kayong ganito, handle with care dahil fragile at do not delay dahil perishable goods yan. Hehehe.
  6. Nature’s Touch maganda – Kabaligtaran siya ng Inukit na maganda. As in, kahit siya, hindi niya alam na naturally maganda pala siya. Kaya kahit milya-milya na ang haba ng pila ng mga manliligaw sa bahay nila, mas gusto pa rin niya ang maglaro ng Polly Pocket. Hehehe. Pero seriously, sila yung maganda na kahit hindi mag-ayos eh maganda pa rin. Kung baga, noong nagsabog ng kagandahan ang Panginoon sa lupa, siya lang ang nakaalam ng eksaktong venue ng kagandahan shower. Hehehe.
  7. Mahinhin na maganda – Ito naman yung maganda dahil magaslaw ang kanilang kilos pero moderno naman ang kanilang pananamit dahil nabilhan na sila ng damit ng kanilang mudrakels sa 168. Maganda siya sa paningin mo dahil parang wala siyang magagawang mali at dahil iniisip mo kung ano ang itsura niya kapag wild na siya (hep hep, hooray! teka mali mali, what I mean is hep hep, censored na bahagi po ito so pass your papers forward, finished or not finished. Late papers will not be accepted unless kamag-anak ka ng may-ari ng school. Hehe)
  8. Public Speaker na maganda – Itech naman yung girl na gumaganda dahil sa kanyang galing sa pakikipag-usap sa maraming tao. Mind you, hindi siya yung conversationalist na maganda, iba yun. Ito yung tipong nakikita mo sa mga entablado ng mga kilos-protesta at habang nagdi-discuss siya tungkol sa ipinaglalaban nila eh nakatanga ka lang, nakatitig sa kanya at may mga dahon na lang ng Cherry Blossoms na nalalaglag.
  9. Komedyanteng maganda – Sa description pa lang, alam mo na kung bakit maganda siya. Sino ba naman ang hindi nagagandahan sa isang girl na may sense of touch, smell, hear, taste, feel at siyempre, sense of humor. Alam mo yun, habang tumatawa ka sa mga jokes niya, bigla mo na lang mare-realize na hindi mo kayang mabuhay ng wala siya kasi nagagawa niyang tanggalin ang mga naipong biofuels sa iyong butt (alam niyo na kung ano yun) with ease. In short, gumaganda siya dahil masaya siyang kasama.
  10. Prototype na maganda – Ito naman yung taong kinukutya mo noong bata pa kayo dahil medyo malaki ang ilong niya or kasinglapad ng noo niya ang baba niya. Pero pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako, baka tibok ng puso mo’y maging…ay tama na nga yan. So ayun, pagdating ng panahon eh matatanggap ng madla na pamantayan ng kagandahan ang noo niya na kasinglapad ng baba niya at iiyak ka na lang dahil hindi mo na-realize noon na gaganda pala siya. Hehe.

(Wait for Volume 2. Babushka Major for now!)