Nagising ako kaninang pagkagising ko (mala-Michael Fajatin na statement yun ah. Hehehe) sa balita na sa murang edad na 18 eh makaka-relate na si Inah Revilla sa isang kanta ni Jessa Zaragosa: “Ikakasal ka na!” Grabe, 18 years old. Kung sa bagay, marami na nga naman naipon si Senador Bong mula sa pag-aartista at sa…alam niyo na. Hehehe. At yung mga kapatid naman niya eh nakaipon na din naman ng pera mula sa TF nila sa Idol Ko si Kap, Hokus Pokus at Resiklo. Hehehe.
In short, mukhang nasa mabuting kalagayan naman siya financially. Pero, tama ba na ipakasal na siya kaagad? Eh paano kung Barbie pa rin at hindi plantsa, kaldero at milk bottle ng bata ang gusto niyang laruin? Pero, kung ginusto niya ang nangyari, isa lang ang sigurado: natigil na ang arawang pila ng mga manliligaw sa kanya.
Noong isang araw, naging emosyonal sina Kap at Lani Mercado sa pag-anunsyo ng pagpapakasal ng kanilang anak. As in, kasado na, meron nang pari, ring bearer, flower girl, mga abay, mga godparents at siyempre, ang pinakamahalagang karakter sa kasal, ang nagpapatunog ng baso sa reception bilang senyales ng paghahalikan. Hehehe.
Naisip ko lang, ganun din kaya sila ka-emosyonal noon naman nagkaroon ng anak si Jolo kay Grace na anak ni Rosanna Roces? At dahil sa mga kaganapang ito, isa lang ang masasabi ko: Bryan Revilla, isa kang huwaran sa mga kabataan. Keep it up! Pigilan ang kati hanggang kaya ah. Hehehe.
At ayun, ipinakilala na din sa mga kaibigan, kamag-anak at press people ang mapapang-asawa ni Inah (Raymundo? Engk! Mali po! Um, um, Inah Magenta? Engk! Mali pa rin po! May gusto pa ba mag-steal? Ah, Inah ni Jaya! Engk!) na anak ng chief of staff in Senator Bong. Tignan mo nga naman, parang nakaukit sa bato (hindi yung bato ni Nora Aunor ah, more like yung bato ni Ate Vi. Gets mo? Hehe) na ang purpose nila sa buhay eh manilbihan/protektahan ang pamilya Revilla.
So ayun, unang beses kong nasilayan ang nagwaging searchee sa Heart to Get (or more like Tummy to Get) ni Inah Revilla at medyo kamukha niya si Senador Antonio Trillanes. Aba, baka kaya pumasa kay tatay dahil kamukha naman pala ng panyero niya ang lalake. At teka, baka naman siya at hindi si Trillanes yung nag-take over sa Manila Pen kailan lang ah. Pero in fairness, gwaping (pero hindi ka-level nila Jomari, Mark Anthony at Eric) si papa kaya hindi na rin lugi sa looks si Inah.
And speaking of ka-gwapuhan, introduction lamang ang lahat ng ito. Hehehe. O siya, heto na ang second volume ng “Maganda ang mundo kaya maganda ka rin…”
11. Feeling maganda – Nuff said mga bakla. Heto yung girlash na kapag nagkaykay ng mga dahon sa labas ng bahay at nagdilig ng mga halaman sa hardin eh feel niya na pinag-aagawan siya ng mga karpinterong nagmemeryenda ng Cheers Cola at Hopia sa ginagawang bahay sa tabi. Pero on the bright side, kung medyo mababa ang self-esteem mo, dapat lang na dumikit ka sa kanila pero huwag niyo na lang siya gayahin. Tama na ang isang sakit ng ulo sa mundong ibabaw.
12. Mabait na maganda – Siya naman yung girl na hindi kagandahan pero gumaganda siya sa paningin ng mga utaw dahil sa kabaitan ng kanyang kalooban. Lagi siyang nandiyan para tulungan o samahan ka. Best example nito eh yung role ni Dianne Dela Fuente sa “Hiling” (starring Camille Prats as Anna Dolindo, ang batang may kapangyarihan tumupad ng iyong kagustuhan sa pamamagitan ng touch theraphy. Remember mo na?) Hehehe.
13. Chef gander – Sino ba naman ang hindi magagandahan sa isang girl na magaling magluto? Sino ba naman ang hindi maiinlove sa isang babae na lulutuan ka ng Ginataang Scallops in Gingko Biloba sauce? So for that, narito ang mga sangkap ng magandang babaeng ito: 1/2 cup of kagandahan, 1/2 cup of galing sa pagluluto and 1/2 cup magandang kamay. Salt and pepper to taste. Wait, 1 and 1/2 na yun ah! Haggard, sumobra! Hehehe.
14. “Birds of the same feather” maganda – Ito naman yung girl na gumaganda sa paningin mo dahil best buddies yata sila ng taong nag-iimbestiga sa background mo at nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay dahil dito. In short, planted evidence lang ang kagandahan nito. Hehehe. Pero seryoso, siya nga yung girl na beautiful sa iyong paningin dahil malalaman mong magkasundo kayo sa maraming bagay kaya gusto mo siya makilala lalo, makasama mas madalas at punung-puno ng “Oh my God, ikaw rin?” ang mga usapan niyo. Hehehe.
15. “X-factor” na maganda – Hindi natin alam kung ano ang nagpapaganda sa kanya, hence the X Factor. At kahit Pythagorean theore o Quadratic formula eh hindi maibibigay ang value ng “X”. But assuming that the derivative of the factorial of the tangent of the asymptote is travelling at the speed of light, nyeta umaatake na naman ang pagka-bipolar ko. Hehehe. Basta, maganda siya pero hindi mo ma-explain kung bakit. Kaya pwede rin tawagin ang kagandahan niya na “Beauty Theory”. Hehehe.
16. Max Factor na maganda – Siya naman yung girl na gumaganda kapag nag-masilya ng mukha sa pamamagitan ng make-up. Sadyang may mga girls na mas maganda nga kapag may make-up at heto ang category para sa kanila. On the other hand, sila din yung mga girl na pwede natin gawin visual aid kapag itinuro na natin sa mga bata ang itsura ng color wheel. Hehehe.
17. Wild Thing na maganda – Sabi nga sa isang kanta: “Wild thing, you make my heart sing.” Heto ang maaaring magawa sa iyo ng girl na ito. Siya yung gumaganda dahil pasaway siya sa lipunan, wala siyang pinakikinggan, burara siya sa gamit pero nadadala pa rin niya ang sarili niya. No, hindi siya parang si Cara Sucia na madungis lang. Basta, rebelde siya pero matalino siya. Gets? Ang wild no? Hehehe.
18. Maria Clarang maganda – Malaki ang magagawa ng pananamit sa Overall Kagandahan Rating (o OKRA) ng isang tao. At para kay Maria Clarang kagandahan, ang mala-manang na nagsasayaw sa Obando niyang pananamit ang nage-enhance ng kanyang beauty. Sadyang bumabagay sa kanya ang mga ganitong kasuotan at once na marami na ang nagkakagusto sa kanya dahil dito, uungkatin na niya lahat ng damit na nasa baul ni lola. Oh girl, huwag kalimutan ang Zonrox ah. Kung hindi kaya ng Zonrox, heto ang pormalin. Hehehe.
19. “Kakulangan sa Tela” maganda – Siya naman ang mortal na kabaligtaran ni Maria Clarang Kagandahan. Dahil nga sa kakulangan ng tela ng mga sinusuot niya, mas nakikita natin ang hubog ng kanyang katawan at mas transparent pa ang kanyang kaseksihan kaysa sa mga press statements ng Malacanang. And yes, hinding-hindi mo siya makikitang tumatambay sa Fabric Warehouse at Tela Por Kilo. Tama na ang tela ng facetowel para sa damit niya. Hehehe.
20. Pearly white teeth/Killer smile maganda – It doesn’t matter kung kulay white, black, light white, dark black, blue, red, bluish red o violet ang balat niya, basta meron siyang mga ngipin na kasing-puti ng kulay ng kalooban ko (Ouch, ang bigat ng bangko ko! Hehehe) at mas pamatay pa ang ngiti niya kaysa kay Rainier Castillo. Siya yung girl na sasabihan mo na “Sana, bibig at ngiti ka na lang.”
O siya, hanggang dito na muna ito. Abangan niyo ang Volume 3 ah. And before I go, I would like to thank my outfit…(sabay tingin sa sinsuot niya ngayon)…Thank you, outfit! At sumagot si outfit: “You’re Welcome.” Hehe.
Babushka Major!
Abril 15, 2008 at 11:26 umaga
Okra! ahaha! panalo!
Abril 16, 2008 at 12:20 umaga
yes!!! ang part two! ahehehe…
Baka hindi lang nakakatyamba si bryan revilla kaya ganun?
“Sana, bibig at ngiti ka na lang.” –> panalo ha!
Abril 16, 2008 at 11:13 umaga
Salamat sa komento, angel.
At um, remember, naging kyeme ni bryan revilla si Maui Taylor dati? At ngayon naman daw eh si Michelle Madrigal? Teka, baka Opus Dei si papa. Hehe.
Abril 17, 2008 at 10:45 umaga
ayun eh. ahaha.
Abril 17, 2008 at 3:31 hapon
napansin ko lang, bakit dalawa ang “feeling maganda” mo?
yung number 10 dapat “pwede nang maganda”. hehe.
Abril 18, 2008 at 12:21 umaga
hi ate charlie.
nwei, ganun ba? hala sige, aayusin natin yan. Maraming salamat sa iyong matalas na mata. For that, sana mata ka na lang. Hehehehe.
Abril 21, 2008 at 11:13 hapon
ay, first time ko sa blog mo. naaliw ako… lalo na dito: “And before I go, I would like to thank my outfit…(sabay tingin sa sinsuot niya ngayon)…Thank you, outfit! At sumagot si outfit: “You’re Welcome.” Hehe.”
mababaw talaga kasi ako. post ka pa ha.