Aah, ang sakit ng ulo ko! Bakit lahat na lang ng bagay eh tumataas ang presyo! Gasolina, tumataas. Tinapay, tumataas din. Bigas, lalo na. Pati ba naman semento!? Naku, eh paano na yung mga makukulit na bata na inabisuhan ni lola na huwag maglambitin sa puno ng aratiles at nabalian ng braso dahil hindi siya nakinig kay grandma. Paano pa masesemento ang baling braso nila? Paano pa sila gagaling? Paano pa nila matutupad ang pag-asa sa kabataan? Tunghayan natin ito sa susunod na kabanata ng…Pira-pirasong braso. Hehehe.
Pero sa mga panahong ganito, nanaisin mo na tumira na lang sa Mars para lang makaiwas sa lahat ng sakit ng ulo. Kaya lang sa Mars, walang maiinom na tubig so wala ka rin choice. Ang bumababa na lang yata ngayon eh satisfaction rating ni Gloria Arroyo. Pustahan tayo, pagtagal-tagal pa ng mga araw, dalawang piso, tatlo na ang kokomban (ayon sa mga bata) sa mga suking tindahan at tataas din ang “Via Air Mail” na sobreng ginagamit mo sa tuwing susulat ka sa penpal mo sa Burundi. Hehehe.
Pero sa kabila ng mga krisis, nakukuha pa rin natin mag-hapi hapi. Nandiyan na lang ang tita ko na nagyaya mag-swimming pero wala pang lugar na pupuntahan. Basta nagyaya lang at bahala na ang tadhana kung saan kami papasyal. Hay naku ah, eh paano kung nataon na tulog si Tadhana kapag kinonsulta niyo siya kung saan dapat pumunta? Tita, ayusin mo yan. Ayusin mo buhay mo (mura lang naman ang pang-welding. Hahaha)
At noong isang araw lang, may kapitbahay kami na nagkaroon ng party sa kanilang bahay. At kung pilosopo ka, oo sa loob ng bahay siya nagpa-party dahil parang barn ng Chicken Run ang bakanteng lote na nakapaligid sa bahay nila dahil sa dami ng inaalagaan niyang panabong. Kung baga sa boksing, para siyang si Freddie Roach ng mga manok. Hmm, I wonder kung pangarap din niya makasama sa commercial ng San Miguel Beer…or Thunderbird Fruit Juices (Huh, meron nito? Hehehe)
At kung inaakala niyo na hanggang MMA at gripuhan lang ang tinuturo niya, ewan ko ba kung tinuturuan din niya kumanta ang mga ito dahil kapag tumilaok sila ng sabay-sabay eh parang nagbe-blending yung mga boses nila. Meron tenor, bass, alto, soprano 1, soprano 2, maricel soprano, eli soprano at kung ano pang boses ang tinuturo sa napaka-conservative na Conservatory of Music at Center for Pop (ay, puro birit lang pala dito. Hehehe).
Pero hindi yung mga manok niya ang ikukwento ko. Aba, hindi naman extension ng Ating Alamin at Tukaan ang blog ko (although kung may padulas, pwedeng-pwede. Ok na sa akin ang ilang biik na palalakihin ko at pera din yun. Hehe). Lalo naman hindi ito Animal Planet at National Geographic, anez? Although, masabi ko lang na pwede na ipang-adobo yung ilan sa mga manok ni neighbor dahil parang naka-steroids na sa laki. Hehe.
So ayun, mabalik ako sa party nila. Sabi ko nga, kahit mahirap ang buhay, nakukuha pa rin natin magsaya at tumawa. Hahahaha, hahahaha, hahahaha, hahahaha, hahahahaha, HAHAHAHAHAHAAAAAA! Aba, kailangan nga naman natin makalimutan ang mga pasakit sa ating balikat paminsan-minsan. At wala nang gagandang pang paraan upang makalimot sa pamamagitan ng videoke.
Noong gabing iyon, ewan ko lang kung nalipat ang Aliw Theater sa tabi ng bahay naming dahil walang tigil sila kumanta mula early evening hanggang magu-umaga na yata. Gusto ko sana bumili ng tiket para makapasok sa concert nila pero nagkasya na ako sa pakikisabay sa mga kinakanta nila kapag alam ko. Yuck, ang jologs ko. Walang pambili ng Magic Sing. Hahahaha.
Sa totoo lang, parang hindi sila sabay-sabay na kumakanta noong una. Pero noong may nag-input ng number ng “Beautiful Girl” ni Jose Mari Chan, nagmistulang Healing Rally ang kanilang party at taos-puso (at paos-boses) nilang kinakanta ang awit na ito na aaminin ko eh isa sa mga favorite songs ko noong toddler pa ako at mahilig pa ako sa Carnation Condensada na palaman sa tinapay (at laging korteng flower ang paglagay ko ng palaman. Hehehe)
At para maramdaman niyo naman ang concert nila, heto ang excerpt ng lead singer nila noong “Beautiful Girl” na ang kinakanta nila: “Butipol Gel, wereber you are (Come on, sing with me. Oo may ganito siyang banat.), I knows dat I see you, You might upen dador (as in, magkakonekta ang pagkakakanta niya ng “the door”). I knows dat I lab agen after a longest while, I love you again.
Mukhang nagapi siya ng alcohol na iniinom niya ah. Pero gaano man nakakaaliw ang kanyang lyrics, isang realization ng iniwan niya sa akin: Nyeta, volume 3 na pala ng SOGOH (Scene of Ganda Oh-peratevs!). At promise, dito lang patungo ang entry na ito. Grabe yung koneksyon ano? Mapapakanta ka ng “From A Distance” ni Bette Midler. Hehehe.
21. Refrigerator Magnet na maganda – Siya yung magandang someone na lalong gumaganda sa paningin mo habang mas madalas kayong magkadikit o magkasama sa isa’t isa. Kung baga, nasasanay ka lang makita ang fez niya kaya at the back of your mind, kung saan man ang likod na ito, eh maganda na siya para sa iyo. Kaya para sa mga desperado maging maganda, dikit lang kayo sa crush niyo lagi at any any eh nanakawan ka na lang niya ng halik. Hehehe
22. Dyologs na maganda – Mas maganda siya kapag mas marami siyang burloloy kaysa sa dashboard ng mga jeep na biyaheng Angono o Montalban. Pero naman, hindi maliliit na bote ng beer ang burloloy niya sa katawan ah. Basta, headband, hairband, broadband, marching band at kung anu-ano pang dekorasyon sa Christmas Tree…este, katawan. Isama mo na rin diyan ang kakaibang color combination ng damit niya at ang preference niya na kumain na nagkakamay. Kung ituturo mo man ang color wheel sa mga bata, sapat na siyang visual aid.
23. Maribeth Bicharang maganda – No, hindi naman kailangan na miyembro siya ng VIP Dancers (na bumubuhat kay Vilma Santos sa variety show niya noon na katapat ng The Sharon Cuneta Show) para maging maganda ka. Simple lang ang premise nito. Hindi ba nagagandahan tayo sa mga girlash na malupit sumayaw. Tignan mo na lang ang EB Babes. Oo maganda na sila in base form pero kapag gumiling na sila, nagmimistula na lang asong ulul yung mga tambay sa labasan na umiinom ng Vino Kulafu kahit tanghaling tapat. Ulitimong kickball change pa lang niya, pamatay na. Hehehe.
24. Gandang Ricky Reyes – Ito naman yung gumanda noong naayusan na ang buhok niya at na milk bath na ang epidermis niya. Aminin man natin o hindi pero malaking bagay para sa OKRA (o Overall Kagandahan Rating) ng isang merla bautista ang buhok. Minsan, kahit parang priority project ng DPWH ang mukha niya pero maganda ang hair niya eh keri pa rin. At nga pala, may dalawang sub-classes pa ang number na ito: ang napaganda sa Ricky Reyes Salon at ang napaganda sa Beauty School Plus. Ano ang pinagkaiba nila? Wala naman gaano pero yung mga napaganda sa Beauty School Plus eh tinatawag na “finished product” ni Mama Ricky. Hehehe. At gaya nga ng sabi ni Mama Ricky, “Aung Gunduh!”
25. Maganda kapag nakatalikod – Talagang madadala ang mata mo sa katitingin sa kanya dahil ibang klase ang curves niya at maganda ang kutis niya. Pero, ang catch, nakatalikod pa lang siya sa lagay nay an. So kung bibigyan man natin siya ng OKRA, perfect na niya ang 50% for kagandahan ng likod. Pero, kapag nilipad na ang peluka niya at humarap siya sa iyo para kunin, matatanung mo sa kanya kung sa anung “Shake, Rattle and Roll” siya naging extra. Basta, hindi mo maalala kung anung numero siya lumabas pero alam mong hinding-hindi siya mapapalampas pagdating sa casting ng mga extrang mamaw. Hehehe.
26. Maganda sa uniporme – Kagaya ng blog entry na pinaggayahan ko nito (oo, yung kay Somayyah Sarip Abdullah nga. Hehehe), may mga babae na gumaganda kapag suot na nila ang malilinis nilang school uniform. Siyempre, may advantage dito ang mga kumukuha ng medical courses tulad ng Nursing, Med Tech, Medicine at kung anu-ano pa. To explain it simply, parang ang bango at ang ganda nilang tignan dahil sa kalinisan ng kanilang anyo. At dahil dito, maraming brand ng sabong panlaba ang naglalaban-laban sa mga korte para sa kanila ipangalan ang kategoryang ito.
27. Alay lakad Kagandahan – Sila naman yung gumaganda dahil sa perfect poise nila sa tuwing naglalakad sila. Kahit sa mall o sa talipapa man siya nandoon, angat pa rin talaga sa iba ang kanyang lakad na natutunan niya sa Cora Doloroso kaya marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya. At yun nga, kapag may alay lakad ang organisasyon niyo, isama niyo siya at tiyak maraming sasama. Well, physically hindi siya magandang-maganda pero hindi naman siya “Sana, lakad ka na lang” type of a girl. Hehe.
28. Pilita Corrales na kagandahan – Hindi ito yung category para sa mga maganda dahil maraming asawa, ok? Ano ba, tanga ka? Hindi ka ba naman mai-in love sa isang babae na may golden voice kapag kumanta? Yun tipong mapa-Mariah Carey o Johnny Cash man ang kanta eh kayang-kaya niya. Siyempre, may extra points ang OKRA niya kapag marunong siyang lumiyad nang hindi nababali ang spinal column niya kahit hindi siya uminom ng Anlene. Oh di ba, nakakaantig ng puso yung kada umaga eh pakanta niyang sinasabi ang “Honey, narito na ang almusal mo (almusal!). Kainin mo bago lumamig ito-ho hoh!”
29. Magandang Gabi Bayan – Hindi siya yung magandang kamukha ni Noli De Castro (na sa dami pa lang ng grasa sa buhok niya eh solb na ang problema natin sa langis. Hehehe). Ito yung mga girls na for some strange reason eh gumaganda kapag gabi na. May mga certain features ng kanyang anyo ang naha-highlight kapag gabi na at may naitatago din naman. At kung may-ari ka ng mall, huwag mo siyang kunin na Security Guard tuwing night shift dahil kasasara pa lang ng mall eh marami na ang nakapila bago ito bumukas.
30. Gandis Aketch/ Magandang KGB (or Kung Gabi Bakla) – Mga veklah, iterla mae na ang category para sa inyey. Gora na ang ganders mo sa category na itech dahil aminin natin sa hindi, meron mga badaf na mas maganda pa sa mga tunay na babae. Tignan mo na lang yung mga sumasali sa Super Si Reyna noon. Teka, nasaan na ba yung mga recorded VHS tapes ko nun, hahanapin ko lang ah…Ang alam ko nasa…ay, naibenta ko na pala kay Mother Superior ang mga tapes. Ah basta, keribels mo itey? Gandis aketch, witchelsea marie quoda!
Haay, sampung bagong category ng kagandahan na naman. Pero, hindi pa dito natatapos ang lahat kaya huwag muna kayong kumanta ng “Let There Be Peace on Earth” kapag die-hard That’s Entertainment! fan ka ha. May mga susunod pang kabanata kaya ang gawin mo na lang eh abangan ito. Pero, habang naga-abang ka, may gawin ka naman sanang productive,hindi lang yung nakatingin ka sa monitor. Hehehe.
Babushka Major (at nyeta, ang daldal ko. Hahaha)
Abril 22, 2008 at 7:41 hapon
LOL @ “Mga veklah, iterla mae na ang category para sa inyey. Gora na ang ganders mo sa category na itech dahil aminin natin sa hindi, meron mga badaf na mas maganda pa sa mga tunay na babae.”
wala akong masabi. ang lupit mo magsulat. aliw ang buong family ko sa blog mo.
Abril 24, 2008 at 12:55 umaga
naku, maraming maraming salamat sa iyong komento. nakakataba siya ng puso.
pero wait, parang naninikip ang dibdib ko. uugh, hindi ako makahinga! ayan kasi, pinataba mo ang puso ko. Hehehe.
at um, buong family? as in your own family? kung ganun, the family that reads together laughs together. Hehe.
Abril 24, 2008 at 2:54 umaga
panalo na nmn ito! priceless
Abril 24, 2008 at 5:15 hapon
wow, may fanbase si merla mama! ahaha.
Abril 24, 2008 at 11:16 hapon
bakla, anung base kaya ito, base 2 or base 60? hahaha. at nga pala, punta ka sa sabado sa sunken!
Abril 26, 2008 at 12:06 umaga
actually ung sister kong bunso, bonding namin mag-bloghopping. e nadiscover namin blog mo, super laugh trip kami!
@ “at um, projects? teka, artista ka ba? or loving mother na ginagawa ang projects ng anak mo? hehe.”
-hindi ako artista. designer ako. mejo petix mode sa projects ngayon kase nagrereview ako for board exams (pero actually blogging, bloghopping at tulog lang ginagawa ko… tsaka kongitng basa ng notes). may anak ako, pero aso sya. hehehe.
Abril 26, 2008 at 1:28 umaga
ang saya naman ng bonding niyo magkapatid. I wish I can get my sisters into the world of blogging as well. Hehe.
and um, wow designer! fashion designer? graphic designer? interior designer?
and yeah, anung breed ang aso mo?
at grabe yung para na lang akong attorney na maraming tanong. hahaha.
Abril 26, 2008 at 3:31 umaga
ay may lahi ka ngang NBIslashATTORNEYslashREPORTER… interior designer.
hay naku, ako naaddcit lang ako sa pagblog kasi wala ako makausap sa bahay kundi papel at ung aso ko. e ung aso ko inampon muna ng mom ko. kaya papel lang kaharap ko palagi.
ang pet ko, shih tzu. may friendster din sya akalain mo.
meron din kaming mga chihuahua, bini-breed namin. kaya kapag feel mong magregalo ng chihuahua, sakin ka bibili. tapos ipa-design mo na rin bahay mo. kasi isa ako sa nagdesign ng PBB house… ung batch ni wendy. hehehe.
Abril 26, 2008 at 3:33 umaga
uy magpost ka pa ng mga nakakatawa kasi nabibitin kami ng sis ko. natapos na namin basahin blog mo. in one sitting. ay mali. in two sittings pala.
Abril 26, 2008 at 11:29 hapon
nbi/attorney/reporter – parang gusto ko na lang mapaaga ang pagkawala ko sa mundong ito ano? hahaha.
at um, bakit wala naman tao sa bahay niyo at papel at aso lang ang nakakausap mo? at um, sumasagot naman ba sila pabalik? or doon sa papel eh may nakasulat na “kapag nabasa mo ang blog na ito ay malayo na ako” kaya siya nagsasalita? Hehehe. Pero hindi nga, ano talaga ginagawa mo sa papel?
at wow, shih tzu ang pet niya. hindi ba aso yun na Chinese? hahahahahaha. At ano naman ang friendster account niya? At dahil diyan, ano din naman ang iyo? (email here na lang for more privacy: the.real.kobe.stopper@gmail.com).
at aba, may chihuahua pa! Mexicanong aso yun, di ba? So burrito, taco, nacho at taho ang kinakain niya? hehehe. at sige, mapag-uusapan natin ang pagreregalo ng chihuahua. Presyong kaibigan ah. hehehe.
at dahil sinabi mo na kayo ang nag-design ng PBB house, eh di taga Phil. School of Interior Design ka? At ayun, bakit naman si wendy pa ang naalala mo dun? Pwede naman ang dreamboy ko na si Bruce Quebral, deveinst? Hehehe.
and yeah, kamusta na rin sa younger sister mo. And um, spread the word about my blog naman po bilang tulong na rin sa tulad ko na walang pambili ng bigas at kamote bread. Hehehe.
Abril 26, 2008 at 11:32 hapon
at um, sige maguupdate po ako. pakihintay lang po. at grabe, two seatings? eh di parang nabasa niyo na ang Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Ibong Adarna, Florante at Laura at ang mga talumpati ni Miriam Defensor Santiago combined in two seatings? Hehehe.
Abril 27, 2008 at 9:26 hapon
wow, close na tayo ha. andamidamidamidami mong tanong.
eh nagpapaka-independent na ko e kaya ako lang dito sa bahay tsaka ang mga dogs… maganda silang pag-practice-an kung sakaling magkaka-family na ko kasi para silang bata.
anong ginagawa ko sa papel? dino-drawingan ng mga designs, sketch tapos render. hehehe.
shihtzu ang pet ko pero 100% pinay sya. hahaha. hanapin mo na lang first name charlie, last name baby.
ung chihuahua… um di mexican e. lahing pacquiao. galing pa sa davao. ahehehe.
yeah taga-PSID ako. kaka-grad lang last december. career change e. si wendy ang naalala ko sa PBB kase sya ung “sikat” kase diba, ang ganda ng reputation nya. charoz.
kumikita ka ba sa blog na to??? hahaha. aliw naman. um, wag ka na kumain ng bigas. magmais ka na lang.
naku, mahilig lang talaga ako magbasa kaya ung mga blog na nadadaanan ko, pag trip na trip ko, binabasa ko lahat, as much as possible. ok un lang.
Abril 27, 2008 at 9:28 hapon
ay ung friendster ko, andun naman sa friendster ni charlie– ung anak kong shihtzu na maganda. hehehe. viniew ko na nga friendster mo e!
Abril 28, 2008 at 12:35 umaga
pasensya na kung marami akong tanong. at oo nga, close na tayo. mga two inches apart. haha.
nwei, at for training purposes pala ang dogs mo. for that, bakit hindi ka na lang mag-St. Augustine School of Nursing for more training (sa Pinoy Care walang tatalo, Pinoy care handog mo sa mundo! Enroll Now! Hehe)
at um, anung computer program ang pang-render mo?
hmm, oo nga, “sikat” si wendy sa batch na yun. “fan” niya ako eh. haha.
at um, hindi po ako kumikita dito. For the love of writing pa lang ito pero I hope I can turn this into something monetary when time comes.
at ayun, bakit charlie ang name ng shih tzu mo? at anung name nung chihuahua mo?
at um, hindi na lang ako magma-mais. mashed potato pwede pa. hahaha.
and yeah, i’ve sent a message sa iniisip ko na friendster account mo. sana tama ang pinadalhan ko.
at um, viniew mo friendster ko? hindi ka ba natakot? hindi ba nasira ang computer mo? hindi ka ba nagsisi? hahaha.
at um, puro na lang “at um” ang nasabi ko. hahahaha
Abril 28, 2008 at 12:43 umaga
at hindi pala makakapag-send ng message sa iyo ang hindi mo friend sa friendster so i just added you up.
at nga pala, may blog ka rin ba so I can check it out? maraming salamat.
Abril 28, 2008 at 2:27 umaga
ay. ang hahaba ng exchange natin! para tayong long lost siblings!
ayoko magnursing kase takot ako sa dugo tsaka madaling bumaliktad ang tyan ko sa mga you-know… gross stuff.
sa kinasawaing palad, manual ang rendering ko. kasi ung laptop ko nung sinaunang pnahon pa. hindi nya kaya ang makabagong programs. nag-iipon pa ko para sa mga gadgets ko. kaya ngayon, puro likhang-kamay lang.
alam mo gusto ko pagkakitaan tong blogging e. kaso minsan lang ako topakin. pag rereglahin ako. hehehe.
ung charlie nickname lang yun ng baby ko. charlotte talaga sya. ung chihuahuha marami sila e. mga 20+. pero si echo ung favorite namin. sya lang ung di binebenta.
ang sow-syal mo naman. mashed potato.
natatawa kami ng kapatid ko dun sa mga pics mo sa friendster… hindi ka namin pinagtatawanan ha (slight lang)… ung captions mo kase. tsaka ung costume mo na red… na pinagawa mo sa pagawaan ng costume ni jollibee… so far di naman kami nagsisi. hehehe.
mahilig ka sa um no. err, sige basahin mo na lang ung blog ko. yikes, feeling close na tayo nyan. malalaman mo na deep, dark secrets ko. harharhar. ung blog ko na lang dito sa wordpress basahin mo. kasi ung sa friendster idedelete ko na, nililipat ko na lahat ng entries here.
UMMMM… un lang! hahaha!
pag nagkaanak uli si charlie, papangalanan ko nang chova!
Abril 28, 2008 at 2:35 umaga
hala. sino kayang inadd mo… hindi ako. hehehe. pero inadd ka na ni charlie. arf arf daw.
Abril 29, 2008 at 1:24 umaga
true, maco-cover na ang buong edsa sa haba ng replies natin. pasensya na kung madaldal ako. haha.
so ayun, takot ka sa dugo at gross stuff. pero yun sa barbecue na dugo (or betamax), takot ka rin ba? haha.
at tsaka, mas ok siguro kung manual ang rendering. alam mo yun, kasi ikaw mismo ang gumawa (without computer aid) at kapag natapos siya eh mas marami ang tears of joy mo. haha.
–actually, naisip ko rin pagkakitaan ang blogging, ke may regla o wala. hehe. Pero seryoso, I want to earn from it pero tsaka na muna yun. Enjoy enjoy lang muna.
–at wow, nice name ang charlotte ah! for that, anung last name niya? church? haha.
–at grabe sa dami ang chihuahua niyo. Ikalat mo silang lahat sa bahay niyo at ewan ko lang kung may magnanakaw pa na mangangahas pumasok sa inyo. haha. at ayun, bakit si echo ang favorite niyo? marunong ba siya magsalita ng ibang languages?
–hala, alam niyo na ng kapatid ko ang mga sikreto ko! at oo, kinuha na nga pabalik ni jollibee yung costume eh, hindi ko daw inalagaan. Pero sa totoo lang, ako lang gumawa nun. At may video pa ang performance na yun. haha.
–nga pala, ano ang url ng wordpress blog mo? at grabe naman yung recognition na chova ang pangalan ng anak ni charlie. pero thanks anyway. nakakataba siya ng puso. but then again, masama pala ang puro taba sa puso dahil mahihirapan ka huminga at magkaroon ng dugo. haha.
–hindi nga!? mali yung taong in-add ko!? hala, nakakahiya! pero in-add niya ako. seryoso, mali ba ako? hala, nakakahiya talaga! and yeah, friends na kami ni charlie kaya pwede ko na siyang regaluhan ng Whiskas. Hahahaha.
(at hindi ko ginamit ang “at um”, gaano man kahirap magpigil na hindi ito gamitin. hahaha)
yun lang muna sa ngayon. babushka major!
p.s. kung wala man akong mahanap na mashed potato, pwede na rin siguro ang mashed sweet potato (or mashed kamote. hahaha)
another p.s. At ano ba talaga ang ibig sabihin ng p.s? Hehehe.
Abril 29, 2008 at 6:07 hapon
parang email sa haba a… dear ate charo… ate chova pala. ahehehe.
no, hindi ako takot sa betamax. pero di ako kumakain nun kase pinagbabawalan ako ng nanay ko dahil maselan daw tyan ko (itanong mo kung bakit at sasagutin ko pag talagang super duper close na tayo para hindi mo naman ako pandirihan pag nalaman mo).
hay naku, naloloka na nga ako kaka-render.pero ok lang, at least ma-practice ko before ako magboard exams. pero i swear pag talagang nakajackpot ako sa project bibili na ko ng printer at bagong pc (sana may printer na ang ink nya ay refillable lang ng tubig!)
pag kumita ka sa blogging mo, magtabi ka ng pera pampagawa ng bahay mo a. tapos ako kunin mo.
walang last name si charlie. kase wala pa syang tatay. hinahanapan ko pa sya ng daddy.
si echo ung favorite namin kase sya lang ung hindi for sale. tsaka pang-stud namin sya dun sa mga female chihuahuas. unfortunately wala syang alam na ibang languages. english lang naiintindihan nya. pero sa japan sya lumaki. o ha. shoray.
sana iupload mo ung vidoe suot ung costume na ginawa mo. pero sayang umalis na ung sister ko. wala na ko kasama manood. di bale pag-uwi ko naman dun, papanoorin namin ng sabay.
ung url ng blog ko… sugarushafterglow.wordpress.com.
oo mali ung inadd mo sa friendster. loko-loko ka talaga. hindi naman whiskas kinakain ni charlie e!!! ice cream!
wag mo na gamitin ung “at um” kase parang natatae. ahehehe.
ps- ang ibig sabihing ps ay post script. hehehe. wag ka masyado kakain ng musical fruit.
Abril 30, 2008 at 8:47 hapon
hello!
dear ate charo, kapag natanggap niyo na ang sulat na ito ay malayo na ako. or more precisely, nasa labas lang ako ng pinto ng ABS-CBN. Hahaha.
Anyway, so bakit maselan ang tiyan mo? (O ayan, tinanung ko na para close na tayo. Haha)
at tsaka, kapag naka-jackpot ka na sa I.D, makakabili ka rin ng tools mo. At anung malay mo, baka may printer na ang ink eh hininga lang ang pang-refill. Haha.
at please, pwede ba pro-bono na lang ang services mo? hahahaha. joke lang.
anyway, may suggestion ako sa temporary surname ni charlie: “mac”. Oh di ba, parang Salbakuta lang! Love, soft as an easy chair. Love, pres as di morning eir (Stupid!) Hehe.
At wow, si Echo pa lang ang kilabot ng mga chihuahua. For that, dapat pangalanan niyo na “Heart” at “Kristine” ang dalawa sa female chis niyo. Haha. At aba, made and raised in Japan! Siguro nanonood siya ng “Oh Tokyo” noon? Haha.
as for the video, nasa multiply site ko siya: http://chovanchorvalyn.multiply.com. and yes, ill visit your site din.
at aba, ice cream? anung flavor? adobo? paksiw? binagoongan? haha.
yun lang muna for now. and yes, hindi na ako kakain ng musical fruit. di ko naman siya bet in the first place. haha.
at ang haba na naman ng reply na ito. For that, gusto mo mag-contest, pahabaan ng reply, dangkalan ang sukat? Hahaha.
so ayun, yun lang muna, babuska major!
Abril 30, 2008 at 8:49 hapon
at siya nga pala, nakakahiya na mali yung in-add ko. promise, ok lang sa akin na i-delet e niya ako as friend.
pasensya na, siya kasi yung maraming comments sa friendster ni charlie eh. so ayun, naisip ko na she is you (or you is she. Haha)
Abril 30, 2008 at 9:41 hapon
nahiya ako ireveal kung bakit maselan ang tyan ko… pwede bulong na lang? halika lapit ka.
ayoko kay heart. maarte sya. ew.
o ang ikli ng reply ko. panalo ka na. ang premyo mo ay… tantararantanan…. five years supply of musical fruit!!! sayong sayo na lahat ng inaaning kamote sa pilipinas!
asus, palusot ka pa… baka type mo si kar… pede kita ipakilala. inadd na kita sa friendster ko. iapprove mo na lang. kung gusto mo malaman kung bakit maselan ang tyan ko. hehehe. ok asan an ung next post mo? nabasa ko na ung latest. ako pa nga unang nagcomment e.
Hunyo 3, 2008 at 2:33 hapon
first time kong dumaan dito sa blog mo. lol, graaavveeehhhh nakakaluka ka!