Ibang klase talaga ang lolo ko. No, hindi siya life form of another genus, ok? Homo Sapiens siya. Or more precisely, Home Sapien na kamukha ng komedyanteng si Balot (yes, THE Balot. Hehe). At para sa mga taong hindi naabutan ang panahon kung saan magkasinglakas ang impluwensya ni Balot at ng Presidente ng Pilipinas, hanapin niyo ang lolo ko. Hahaha.
So ayun, ibang klase nga ang lolo ko. Kaya nga cool ako eh. Hehehe, siningit ko lang yun. Heto kasi ang nangyari: malamang lahat sa atin eh naiinitan sa panahon ngayon kaya mabenta ang mga de-bateryang electric fan na dinadala mo sa school noon para masabihan ka na cool ka. Sobra, ibang klase ang lakas ng araw ngayon. Hindi ako magtataka kung nadiskubre na rin niya ang steroids.
Alam mo yun, nakatapat na sa akin ang electric fan kanina at lumilipad-lipad na yung mga alikabok niya pero pinagpapawisan pa rin ang tiyan ko. As in, nararamdaman ko siya na parang umiiyak. Pero what the hell, at least hindi na kailangan ng Sauna Belt para magpapayat. Hehehe.
Feeling ko niluluto ako sa mantika. Pero siyempre, lalagyan ko naman ng dangal ang statement ko kaya, feeling ko niluluto ako sa Vegetable Oil (oh di ba, sosyal!). Pero kung sa bagay, taste me and you’ve tasted the best crispy pata this side of town, kung ano man town iyon. Hahaha.
At habang tina-type ko ito, ayan na naman at nagpapawis ang tiyan ko. Teka, may balak yata mag-audition to sa mga dramaserye ah. Hoy tiyan, face the reality, sa itsura mong yan, mas bagay ka gawin props na nuno sa punso o kaya sa visual aids ng human reproduction. At tinira ko na lang ang sarili kong tiyan. Ok ka ba tiyan? Ok ka lang ah. Sorry na. Gusto mo, kiss kita? Eeeww, ang alat ng tiyan ko. Hehehe.
So paano ko nasabi na iba ang lolo ko pero talambuhay at kwentong bayan ko ang nandito? Aba, hindi daw kasi siya naiinitan. Akalain mo, tirik na tirik ang araw na inakala ni Judiel NIeva na sumasayaw eh bigla niyang sinabi na nalalamigan siya. Hay naku, kung hindi lang pagpapakita ng walang galang ang pagbatok sa nakatatanda, ginawa ko na siguro yun. Pero kung sa bagay, bilang na lang sa daliri ang mga buhok niya kaya hindi ako magtataka.
Pero naman, ang daming namamatay dahil sa init tulad nito at marami ang bumibili ng 3 for 100 na beach shorts para lang may masuot sa beach at bigla niyang sasabihin na malamig!? Malaking kontrobersiya yata ito! Mas malaki pa yata ito sa mga kontrobersiya sa The Buzz (na lahat ng kontrobersiya eh may “ebidensya”. Haggard yung ebidensya chorvanes na yun. Hehe)
Tapos, isabay mo pa sa init ng araw ang init ng pag-alis ng mga artista sa mga dati nilang estasyon. Si Cristine Reyes lumipat, si K Brosas nasa ABS CBN na rin. Si Angelika dela Cruz, palipat-lipat (bakit kaya hindi niya i-try ang Net 25? Ay mahirap nga pala yun kasi kapag nagkataon eh Kapatid na Angelika Dela Cruz na ang tawag sa kanya. Hehe)
Si Regine Velasquez, may tsismis na lilipat. Si Angelika Jones, lumipat ng bahay dahil nasunugan. Si Michelle Madrigal, kapuso na (and for that, laman siya ng puso ko. Hahahahaha). Si Angel Locsin at Valerie Concepcion, lumipat din.
Pero sa totoo lang, walang makakahigit sa paglipat na ito: Si Heart Evangelista, kapuso na.
Ewan ko lang, para kasing nasanay ako noon na kapag nilagay ko sa channel 2 ang TV eh makikita ko ang mukha niya every thirty seconds. Mapa-TV show man o commercial o News Patrol (di nga?) man ito, chances are nandoon siya. Sa totoo lang, pwede sana i-revive ang Sarimanok promo ng ABS eh. Kaya lang, imbes na Sarimanok ang tututukan ng mga viewers, ililista nila ang mga oras at palabas kung saan lumabas ang fez ni Ate Heart.
Alam mo yun, may point in time din kasi na Heart Evangelista is ABS-CBN. Pero kung si Angel Locsin nga na dati eh siya ang GMA, si Heart pa kaya walang karapatan lumipat. Well, hindi natin masasabi na laos na si Heart lalo na ngayong si Anabelle Rama na ang manager niya. For that, asahan niyo na sa bawat project ni Heart eh suot-suot niya ang mga alahas na binebenta ni Madam Anabelle (hay naku dong, etong mga alahas ko, emported yan dong. Oo dong, emport sa PBA ang nagdala niyan dito)
At dahil dito, ito ang ilan sa mga maaaring mangyari sa GMA dahil sa paglipat ni Heart:
- Ire-revive ng GMA ang Twin Hearts pero ang bida na eh si Heart Evangelista na mayaman at Heart Evangelista na mahirap. So hindi na ito love story kung hindi hanapan ng nawawalang kapatid. At mahahanap nila ang isa’t isa kapag matatanda na sila dahil sa isang laro ng taguan. Sisigaw ang mahirap na Heart ng “Boom…” pero matitigilan siya dahil yung long lost sister niya ang nahanap niya at magiiyakan at magyayakapan na lang sila at tapos na ang teleserye at ang bokot na lang ng ending. Hehehe.
- Hindi na abs-cbn.com ang home page ng mga computer ng mga mag-aaral sa ABE kung hindi IGMA.tv na. Siyempre, naka-block na ang abs-cbn.com. In connection to this, hindi na STI ang magbibigay ng scholarship sa Wish Ko Lang kung hindi ABE na (ang Business school na may IT). Hehe.
- Mag-iiba na ang routine ni Jericho Rosales. Kung dati eh Taping-Surfing-Photography-Banda at Sgt. Esguerra ang moda niya, ngayon eh mapapalitan na ng 11th Jamboree yung Sgt. Esguerra. At anung malay niyo, baka isali pa si Jericho sa Lovely Day Force bilang si “Silver Surfer”. Well, tentative name pa lang yun pero yung “surfer” ok na. Hehe.
- Posibleng magkaroon ng music channel ang GMA Network at si Heart ang unang VJ nila kasama ng mga DJ ng Barangay LS (Forever!). At sa music channel na ito, puro songs mula sa GMA stars lang ang patutugtugin kaya huwag kayong magtaka kung makarinig kayo ng “Ikaw Nga” (the Puwit ng Baso remix) o kaya hahaluan ng rap lyrics ang “Kahit Sandali” ni Jennylyn Mercado.
- Hindi na naman maiiwasan na ma-link kuno si Heart kay Richard Gutierrez dahil una, magtatambal sila sa isang project. Pangalawa, sino ba ang manager ni Heart? At pangatlo, ano nga ulit yung pangalan ng bagong manager ni Heart Evangelista?
- Bubuhayin nilang muli ang “Kapwa Ko, Mahal Ko” pero dahil si Heart Evangelista na ang host nito (at siyempre ang nagsa-sign language sa lower left portion ng inyong TV sets) eh “Kapwa Ko, Heart Ko” na ang title nito. At kung magsasagawa sila ng relief operations, mga pagkain mula sa Yoshinoya ang ipapamahagi.
- Dahil galing siya sa kabila, posibleng magkaroon ng “Heart’s Blind Item” service sa Fanatxt. Heck, sa tinagal-tagal na niya sa Dos eh marami na siyang alam na sikreto. Kaya text Heart to 4627 o 2344 para makatanggap kayo ng mga blind item tulad nito: “Mga kapuso, sinetchiwa itembang Manchurian candidate sa shobilang statuatory na ma-kyoho daw ang Angel’s Breath?” Hehehe.
- Matatanggal na si Pia Arcangel bilang host ng “Art Angel”. Mapapalitan na siya ni Heart kaya “Heart Angel” na ang title niya. At grabe, parang Kapampangan lang ang kumakanta ah (Heart Angel, Heart Hangel, kaibigan niyo at gabay. Heart Hangel, Heart Hangel, ating mundo’y gawing makulay!)
- Isasama siya sa SOP, particular sa “Sobrang OJ Pare” segment dahil magaling naman siya kumanta. At dahil sa pagsali niya eh “Sobrang OH-J Pare” na ang title ng part na iyon. Oh di ba, mas cool siya pakinggan at ka-level lang niya ang mga pangalang “BEHN”, “FHIL”, “JHON”, “LHEN” at “BHOY”. Hmm, parang ito lang yung mga pangalan na mababasa mo sa kisame ng jeep ah? Hehehe.
- Anung malay niyo, baka i-revive nila ang G-Mik! Sa bagay, si Carlo Aquino eh kapuso na rin. Pero oh my God, masisilayan natin muli si Miko Samson at Stefano Mori. Gosh, ano na kayang nangyari sa kanila? Ganun pa rin kaya ang buhok ni Stefano Mori? At bitin pa rin kaya ang mga formal pants ni Miko Samson? At inay, totoo bang ampon lang ako? (Teka, sa Bahaw to ah, paano napunta ito dito?)
- And last but not the least, hindi na ABS CBN ang pinapalabas sa mga branches ng Barrio Fiesta kung hindi GMA na. At huwag na huwag mong subukan ipalipat ang channel lalung-lalo na kapag palabas na ni Heart ang nasa TV. And with that, asahan na rin natin na mga theme songs mula sa GMA shows na ang kakantahin ng Singing Cooks and Waiters mula ngayon. Hehehe.
Haay, ang saya-saya makarinig ng mga balita ng paglipat ano? Pero alam niyo, bakit hindi na lang nila gawin parang PBA ang mga terms ng paglipat. For example, “GMA 7 acquires the contract of Heart Evangelista and sends talents PJ Valero, Nikki Bacolod, Vivo Ouano and some cash to ABS-CBN. Details of the deal were not disclosed pero malalaman din ng press yan”. Oh di ba, mas pormal ang dating at mukhang hindi nadaan sa sulutan.
Babushka Major!
Abril 26, 2008 at 3:39 umaga
seryoso? lilipat na si heart? and si annabelle rama na manager nya? di kasi ako nanunuod ng TV para matapos ang trabaho ko e. tststsk (pero panay ang online… ahehehe… part of research naman ito–kuno).
Abril 26, 2008 at 5:40 hapon
ang saya ng post na ito. naaliw ako super. at marami akong nalaman sa mga magiging epekto ng paglipat ni heart. haha. kita kits na lang kami ni heart sa ASERO. kapuso ako eh.