Magtaas man ang presyo ng bigas at lumabas man ang mga pagkain tulad ng kamote bread, spanish bread at David Gates and Bread, nananatili pa rin matatag ang inyong paboritong liga, ang KBA!!!! (KBA, the school of today. Hehehe). Opo mga kaibigan, at grabe ang galang ko na lang, lumalawig na po ang saklaw ng ligang umantig sa inyong puso nang mas grabe pa noong pinulot ni Marimar ang pulseras mula sa putikan.
Kaya heto ang mga bagong koponan na dapat niyong abangan:
- Malaybalay Lessons (manager: Lisa Macuja. Slow ang hindi maka-gets nito. hehe)
- Batac ang Katawans (managers: mga body builders ng Slimmers World)
- Palanan of the Aboves
- Guimaras Claras (manager: Juday and Gladys Reyes. Maras, Claras, ikaw ako ngayon at ako’y ikaw. Hehehe)
- Bantay (Ilocos Sur) Bata’s
- Apayao Weh (ang sayaw sa gabi’t araw…hehehe) (manager: Gary V)
- La Loma Lovah Lovahs (manager: Shaggy… a say a Mr. Boombastic, telefantastic. Hehehe)
- Ternate Tapetes (for more lang. Hehehe)
- Malate Bulates (for more lang ulit. Hehehe)
- Rizal Pozzolan Cements (aba, solid ang depensa nito)
- Morong and Winding Roads (dyen dyen)
- La Union Electric Fans
- Kalinga Ling-A-Ling-Ding-Dongs (Tingalingalingalingaling, dingdong)
- La Trinidad and Tobagos (Team Manager: Noel Trinidad)
- Tiwi Shoe Polishes
- Donsol Changing to try to please Mes (Manager: Billy Joel)
- Caraga Tans (players nila ang mga syokoy na laman ng tubig. Hehehe)
- Blumentritt Me to Lunch (mga patay-gutom na walang pera ang players nila. Hehehe)
- Shaw Not Tells (home court nila ang Dumlao Gym na pag-aari nga mga Dumlao siguro)
- Kalentong Tong Tong Pakitong-Kitongs (mga players nila? eh di mga alimango sa dagat!)
Oh di ba, wala nang mas sasaya pa sa inyong paboritong liga. Kaya bumili na kayo ng tiket ng mga laro ng mga koponan sa ligang ito. Tapos, huwag niyo itapon yung liga dahil may pa-raffle po tayo ng ten sacks of American Rice bawat halftime. At kung hindi man kayo manalo, isulat ang inyong name, address, signature, bank account number at ihulog sa mga drop boxes na makikita niyo sa mga laruan. At mula doon, kami na ang bahala sa mga pera niyo. Hehehehe.
Babushka Major!