Ang init ng panahon
Pero kasiyahan ay umaahon
Iwanan na ang lamig ng kahapon
Tara na, halika, come on!
Hep hep (hooray!), hindi ko kinuha yan sa mga tula ni Balagtas o ni Valentin (yung batang tumutula sa Eat Bulaga dati, remember? Hehe). Ako ang sumulat niyan. Oo, sumusulat din naman daw ako ng tula kapag inspired ako or heartbroken ako or kung nangati ang kamay ko at bigla na lang siyang pumulot ng ballpen at papel. Pero huwag ka, may tono yan! ¾ ang count ng beat niyan at andante ang pace. Hahaha.
At dahil diyan, yes sumusulat po ako ng mga kanta. Naging active din ako sa pagbabanda sometime pero ngayon, naging busy na ako sa ibang bagay tulad ng pagluluto, pamamalantsa, pagpapadede ng bata at pagkakaskas ng kalawang sa bubong ng bahay. Pero ngayon, active na ulit ang musikero life ko. And for that, heto ang listahan ng mga regular gigs ko:
Lunes – Sa may overpass malapit sa Commonwealth Market. Gates open at 8 am at magsasara kapag nagsawa na ako. Sulit na ang minimum na piso na ilalagay niyo sa lata ko pero mas malaki, mas maganda. At habang nandoon kayo, pwede kayong pumitik ng freebies mula sa mga tianggeng katabi ko basta huwag lang kayong mahuhuli dahil matitikman niyo ang bagsik ng gulpi ng taongbayan. Hehe.
Martes – Sa ilalim ng tulay ng Nagtahan. Yes, may pulis po na nagbabantay doon kaya kailangan ng malaki-laking padulas para makapasok (pero kung may dala kayong tabloid o picture ng sexy na babae, ok na sa kanya yun). Mag-ingat nga lang kayo dahil mahilig makipag-mosh pit ang mga residente ng Ilalim ng Tulay Neighborhood Cooperative Association, Incorporated Limited. Pero kung ikaw yung tipong gustong magkaroon ng gripo pauwi, dito ka pumunta.
Miyerkules – Nagtapat ka ng iyong pag-ibig
Huwebes – Ay inibig din kita
Biyernes – Sa may food court area ng selected malls so technically, mall tour siya. Ka-jamming ko naman dito ang Indigenous Blind People Association at ang mga nagbabantay sa stall ng mga murang RTW at pekeng sapatos. Dito sa gig na ito, pwede ka mag-request ng mga kanta given na isusulat mo siya in Braille format, double-space, 12 pt ang font, bold face at red font color. Hehe.
Sabado – Ito naman ang araw para sa aking roving concert. Catch me in selected subdivisions and neighborhoods and here my latest beats while I sell hamburger, cheeseburger, sweet beans, mani, butong pakwan, buto ng kalabasa, footlong, ham and egg, lugaw, goto and load. For every purchase, may libreng soapsdrink at kopya ng aking latest album, Acefree, kung saan makikita niyo ang photos ko mula infant hanggang pagtanda.
Linggo – Sa Heartbeat Mega Disco. Gates open at 9…teka, 20 years ago pa pala itong schedule na ‘to. Sa simbahan na pala ang gigs ko tuwing Linggo. Tumutugtog ako sa labas ng simbahan at tinutugtog ko yung mga kanta ng koro para sa mga taong tamad maghanap ng upuan at nagtitiyaga na lang tumayo sa labas ng simbahan. At kapag may nag-slamman na ng mga grepa, isa lang ang sinasabi ko: “Peace be with you, brothers!”
Pero siyempre, open pa naman ako sa ibang bookings at gigs. Kaya kung gusto niyo akong kunin, mag-iwan lang kayo ng calling card sa lata ko at tatawagan ko kayo. Pero dahil sa dami ng naghuhulog, kailangan munang dumaan ng inyong calling card sa isang raffle na supervised ng ating DTI representative. Hehehe. At siya nga pala, mas preferred ko na scented ang calling card para may ipapahid ako sa katawan ko kapag pinagpapawisan na ako.
———————At dito na magsisimula ang tunay na blog entry. Hahaha——————–
Grabe na lang yung sobrang late na ng post na ito! Kung kalian magma-Mayo na eh tsaka pa lang ako magkakaroon ng post kung paano mae-enjoy ang inyong summer vacation. Pero sabi nga nila, better late than later. Hehehe. Kaya naman, heto ang ilang tips kung paano masisigurong worry-free at happy ang inyong tag-araw.
- Kung walang salbabida, bumili ka. Nakakahiya naman kung maghihiram ka pa. Kung wala kang pambili, kunin mo na lang yung goma ng gulong na pabigat sa bubong ng kapitbahay niyo. Kapag nagawa mo na yan, tiyakin kung walang butas ang gulong. Kung meron man, humingi ka kay Mang Juan ng bebolgam bilang pantapal.
- Walang gaanong papansin sa iyong beach shorts. Pero kung dati eh kulay white yan at naging brown na siya dahil hindi mo siya nilalabhan, aba mahiya ka na. Magkano lang ang panlaba o isang lata ng puting pintura, di ba?
- Huwag magkandarapang kilalanin ang bet mo sa beach. Mamaya eh master of disguise siya at hindi pala siya babae or lalake (well, straight lalake that is. Hehe). Aminin natin, may mga vakleravoush na mas maganda pa sa mga trujan horse na merla bautista. At may mga matipunong Manchurian candidate naman na “birds of the same feather” naman ang moda. Hahaha
- Aba, magbabad ka naman sa tubig! Bumili-bili ka pa ng bathing suit pero hindi ka naman magbababad sa tubig! Kung tatambay ka lang naman pala sa pampang eh sana puruntong na lang ang sinuot mo. At kung nagsuot ka ng ganyan dahil gusto mong masali sa mga product catalog ng Sara Lee, Triumph at Avon, sorry pero katawan ng mannequin na pinapatungan ng ulo ng tao via Photoshop ang istilo nila. Hehehe.
- Sanayin mo na ang sarili mo na makinig ng soothing beach music. Pero, sanayin mo rin ang sarili mo na i-off ang iyong component bago ka makatulog. Sige ka at tataas ang bill ng kuryente niyo at maaapektuhan ang perang pambili mo ng halo-halo, saba con hielo, ice tubig, ice cube, ice drop at ice ice baby (alright stop, collaborate and listen! Hehehe)
- Book your flights or trips at least three days ahead of schedule. Kung hindi ka makakapag-book, magpractice ka na ng pagbalentong ng iyong katawan sa pinamalaking luggage bag mo at magpa-iwan ka na lang sa terminal ng eroplano or bus or whatever. Malay mo, baka mapulot ka ng porter at ihabol ka pa sa flight. Pero dahil diyan, siguraduhin mo rin na may chiropractor sa pupuntahan mong lugar. Hehehe.
- Kapag may mga events or parties sa beach, aba pumunta ka! Hindi ka pumunta diyan para matulog ng alas-nuwebe ng gabi. Pero bago ka pumunta sa mga beach party, siguraduhin mo na naligo ka ng anim na oras at baka may mag-body shot sa iyo.
- I-enjoy mo lang ang magagandang tanawin sa iyong pupuntahan. Kumuha ka ng mga pictures kung gusto mo. Pero, huwag mong lalagyan ng “I was here” or “Doroy Loves Taroy” ang mga scenic views na ito. At lalong-lalong huwag ka magpapaskil ng “Tubero: Michael 942-3122” sa mga puno ng niyog or what have you.
- Huwag kalimutan ang sunblock. Mahirap na at baka matunaw na lang ng tuluyan ang balat mo at naglalakad ka sa beach na nakikita na ang tendons, joints at fallopian tube mo. Kung hindi mo afford ang sunblock, magpa-semento ka na lang ng katawan bago ka umalis at ipabakbak mo na lang pagbalik mo. Ewan ko na lang kung may tatagos pang UV rays diyan.
- And last but not the least, magsama ka ng friends mo. Unless may kaso laban sa iyo at magtatago ka na sa beach or gagawa ka ng krimen doon, paano mo mae-enjoy ang summer vacation kung mag-isa ka lang? Pero kung nagpalibre na siya ng expenses sa iyo, aba ibang usapan na iyon. Huwag ka na magdalawang-isip na iwan siya at inggitin mo na lang siya sa pamamagitan ng text messages.
O ayan, wala nang dahilan para hindi kayo mag-enjoy sa summer vacation niyo ah! At siya nga pala, siguraduhin niyo na matibay ang beach shorts or bathing suit niyo. Diyahe naman kung masisira o mabubutasan siya. Obligado ka pa tuloy mag-tahi ng damit mo kaya wala kang choice kung hindi alalahanin ang turo ng huklubang HELE teacher mo noong grade school tungkol sa basic stitches: back stitch, basting stitch, hemming stitch at Lilo and Stitch (Haaaaarrrrrr!)
Babushka Major!
Abril 29, 2008 at 6:24 hapon
chova, ganyan ka rin ba magsalita in person? hehehe. magpost ka pa!
ps. ang inadd mo sa friendster ay si kar. crush ng bayan.
Abril 30, 2008 at 5:20 hapon
sus, wala namang picture.
Abril 30, 2008 at 5:22 hapon
sugarushafterglow,
sa totoo lang, magaling magsulat yang si chova. pero hindi siya ganyan magsalita in person dahil may harelip siya! pero minsan tinatry niyang magsalita ng chova! ahaha
babushka major!
Abril 30, 2008 at 8:34 hapon
foobar, sensya na kung walang picture.
for that, heto o: =) Hehehe.
Abril 30, 2008 at 8:36 hapon
at el pistolero,
ano ang harelip? sensya na slow ang utak ko ngayon at tumira ako ng gaas. hahaha.
nga pala, see ya tomorrow.
Abril 30, 2008 at 10:15 hapon
@ el pistolero
tama ka, ang galing nga ni chova. walang gabi na hindi kami super ROFL ng kapatid ko sa blog nya. pagkauwing-pagkauwi nga nya from airport, tinignan nya agad blog ni chova kase may new entry.
Mayo 1, 2008 at 11:48 umaga
chaova.. inad kita ha… may kapatid na rin ako.. awww!
Mayo 1, 2008 at 10:35 hapon
link mo naman new blog ko oh. sige na.
Mayo 5, 2008 at 5:05 hapon
hay naku, hindi alam ang harelip. lipstick yun, tungek!