Disclaimer: code name ang lahat ng pangalan ng mga sikat na personality na mababasa niya dito, Keribels?

Day by day! (Some piano music) Day by day! (Some piano music) Day by Day! By day! By day! By day! By day! By day! By day!

Una sa lahat, I would like to dedicate that song for everyone who is celebrating Labor Day today especially yung mga manggagawa na patuloy na pinahihirapan ng rehimeng ito na ganid sa tubo kung magpataw ng pasakit sa mga ordinaryong mamamayan (oh, pwede na ba akong magsalita sa mga protest rally? Hehe) at sa mga misis na nag-labor sa araw na ito diyan sa Ward 42, Zone 3, Yellow Lane ng Hospital Femme Fatale.

Well, kakaiba ang labor day na ito sa akin. No, hindi ako buntis at nanganak (more like nagdadalang tae siguro. Haha). Hindi kasi parang ito yata ang unang Labor Day sa buhay ko (na sa sobrang open book eh sira na ang plasteyk cowbeyr niya. Haha) na hindi ako nag-stay sa bahay at humilata hanggang sa gisingin ako ng aking fairy godmother upang pagandahin para maka-attend ako sa royal ball ni Prince Charming. Haha.

Siguro galit sa akin ang katawan ko sa desisyong ginawa ko dahil sanay na siya na kapag May 1 eh tutunanga lang siya sa kama at magpapaka-buhay tamad lang siya for a day. Nag-file pa nga siya ng leave form para ngayon eh! Hehe. Hindi ko lang yata napirmahan yun oh nahalo doon sa mga listahan ng utang ko.

Pero bago man ang routine ko ngayong araw na ito, masaya naman ang naging bunga nito. So ayun, nag-flag football ako sa Sunken Garden (at ang flag football, as a review, eh hindi football na dapat national flag ang suot mo). Siyempre, tostado na naman ang balat ko na tostado na in the first place. And for that, sino pa ang titikim sa akin? Ano yan, forever na lang akong loveless? Lord, make me beautiful!

Of course, present ang usual suspects: si Eugene Villaluz, si John Estrada, si Somayyah Sarip Abdullah, si Red Sternberg, si Nel ng PBB Season 2, Si Swordsman sa Battle Realms, si Dick Israel/Spike Lee, si Blair ng Gossip Girls, si Cornelia Lee, si JM (at nahirapan akong isipan ka ng code name. Haha) at si Ellen Nishiumi ng Oh Tokyo! (Hala, kasali pala siya sa laro niyo, deska! Hahaha). Well, kembot lang si Ate Ellen. At nga pala, may nakalaro kaming three nice people pa, the most prominent of which is Mengke Bateer of the Chinese National Team.

Ayun, magkakasama na naman kami so we had joy, we had fun and we had seasons in the sun. But the hills that we climbed are the seasons that are gone. Teka, tama ba lyrics ko oh parang kinuha lang sa songhits na laging may chord chart sa gitna? Oh siya, basta ayun, we played flag till noon at may mga water/yosi/daldalan/more daldalan/merienda courtesy of Cornelia Lee break pa yan na pinagkamalan kong bulaklak. Haha.

At pagkatapos noon, kumain kami sa Mang Jimmy’s at iyon ang unang pagkakataon na kumain si Blair doon (as in, kung kelan siya grumaduweyt, tsaka lang niya na-sense ang lapstergate ng Mang Jimmy’s). Siyempre, more daldalan, picturean, kwentuhan, kulitan, asaran, wan minus wan at kung anu-ano pa. At habang nandoon kami, bakla naka-shuaist akesh ng isang magandang girl at isang guwapong guy! Ay teka teka mali, what I would like to say but cannot because I was mesmerized by your beautiful face is that na-linga lang ako doon sa direksyon ni Manchurian, nothing more, nothing less, nothing philosophically in between. Hehehe.

At noong nandoon na kami, dumating naman si Ne-Yo. At kung naiinggit ka na dahil puro mga sikat ang friendivams kei, sorry, ganyan talaga kapag araw-araw mong binubuhat ang mga damit, make-up kit at aso nila sa mga studio. Hahaha. At dahil diyan, hoy, alam mo ba, si…., baduy ang fashion sense! Akalain mo yun, may polka dots siyang sunglasses! (Hala, kinabahan sila. Hahaha)

Anyway, ayun bumalik kami sa Sunken Garden at tumambay, nakatama ng baby, nakatama ng mama na swabe ang bigote, na-conscious sa dead air at nag-build up ng love team (nyeta, kapag wala talagang love team, walang takbo ang buhay unless may Vitaheart ka.). At noong bumalik kami, nakakita kami, hindi ng mga maligno, kung hindi isang grupo ng magkakaibigan na masusing hinanap ang gitna ng Sunken Garden upang mag-picturean at magturuan ng dance steps ng Soulja Boy. Teka, ano na nga lyrics nun? Ah, Maggie, Chad, Jing Jing at Boots Ricafort! Tama ba? Haha.

At dahil sa panirang weather at dahil walang kaming dalang Boysen Acrytex (who’s afraid of La Nina, who’s afraid of signal one, two, three!) upang pigilan ito, napilitan kaming umuwi. Pero bago kami umalis, nagkantahan muna kami ng “Farewell to you my friend, we’ll see each other again” ni Raymund Lauchenco. Pinigilan ko nga silang gawin yun pero ayaw nilang papigil eh.

At yan po ang nangyari sa araw ko, your honor. Wala po akong kinalaman sa kasong Estafa laban sa may-ari ng Tapa King. Kahit halughugin at baliktarin niyo pa ang bahay ko, akala niyo lang meron pero wala, wala, wala! At siya nga pala your honor, kaano-ano niyo po si Nora Honor?

AT BIGLANG UMEKSENA YUNG COUNSEL SA KABILA: Objection your honor! Masyado lang niyang pinapahaba ang blog entry na ito. Nasusuka na ako sa dami ng sinasabi ng baklang yan! For that, ilabas na natin ang SOGOH, Scene of Ganda Oh-peratebs!

36. Magandang nerd – Obviously, parang pre-requisite dito ang girlash na may eyeglasses na kasing kapal ng mukha ko ang lens at pinagawa niya sa Vision Express within one hour (oh di ba, tinalo ang six-hour barong ng Arthur’s. Haha). Of course, kaya niyang sagutin ang lahat ng mga assignments mo basta iwan mo lang siyang nakatiwangwang diyan at basta ikaw ang magluluto, maglilinis at magpapadede kay Junior via breastfeed. Siyempre, hobby niya ang anything related to the nerdy stuff at ang kagandahan ng kanyang utak adds to her OKRA. And yeah, parang mas nagiging hot siya sa salamin niya. At para sa kategoryang ito, si Lisa Loeb ang naiisip kong isang halimbawa.

37. Office girl na maganda – Sila yung mga makikita mong naglalakad sa kahabaan ng Ayala Avenue. Sobrang propesyonal nilang tignan dahil ang ganda nga naman ng suot nila na ipinangutang pa yata sa paluwagan ang pambili. Pero kapag nakita mo sila sa bahay, hindi sila komportable kapag hindi duster ang suot nila. Pero ayun nga, ang kanilang get-up at pagdadala sa sarili ay nakakadagdag sa kanilang beauty. Kasama na rin dito yung mga girls na for some reason eh mas maganda sila kapag work uniform ang suot nila (i.e. Jollibee staff, teller sa bangko, etc.) at hindi na sila namomroblema sa budget para sa sabong panlaba.

38. Pang-pictorial na kagandahan – Well, to begin with, there are the sun, the rivers and the bees and then He created humans. Haha. Ok, ito naman yung mga girlash na gumaganda sa ating paningin dahil sa galing nila mag-project sa kung ano man ang ginagawa nila. Kung baga, kahit kakain lang siya ng isaw, eh pwede mo siyang kunan ng snapshot anytime pero handa siya sa anggulo at pose. So bakit siya gumaganda? Kasi may certain grace sa mga galaw niya na aakalain mo eh dati siyang miyembro ng Bayanihan Dancers.

39. Base form na maganda – Simpleng maganda. Yun lang. At wala nang mas sisimple pa sa explanation ko. Hahhaa.

40. Nursing/Med student na maganda – Konektado siya sa number 37 kasi nga dumedepende ito sa kanilang uniform. Para kasing may certain purity ang kanilang mga uniporme at ang purity na iyon eh parang nakakadagdag sa kanilang kagandahan. Believe me, marami akong nakikitang Nursing students sa LRT 2 at MRT na natri-tripan ko dahil bagay sa kanila yung uniform nila. Tapos tatapunan ko ng kalawang yung uniform nila. Ayan, tignan na lang natin kung maisasalba sila ng Langhap Linis Challenge ng Surf. But then again, its always cool to be different (Look oh guys, boring na kasi yung plain uniforms natin kaya heto, jinazz up ko siya!)

At nang matapos ang lahat ng iyan, maaari ba tumayo ang nasasakdal. Sa bisa ng kapangyarihan ng korteng ito, heto ang aming desisyon para sa Criminal Case Number 14344-5254-8878888 local 2345, People of the Philippines vs. Random which was aired live over the past few months via 52 TV stations nationwide: (drumroll, please). We find him, not guilty!

Ahahay! Ligtas na naman ako sa estafa! Paano ba yan, so may karugtong pa ang seryeng ito! Pero sa ngayon, magpapakain muna ako sa Jollibee dahil malaya na ako! Oh my, I can smell the air of freedom, it’s so delicious! Hmm, teka, bakit parang rugby naman yung nasisinghot…Tsong, man, dude, pare, wazzup! High na ako, meyn!

Babushka Major!