“Magtago na kayo, nandiyan na ang karimlan na tatapos sa ating paglalagi sa mundo! Magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan dahil hindi tayo makaliligtas sa bagsik ng karimlang paparating!”
Walang hiya kang kaibigan ka, akala ko pa naman totoong friend kita tapos sasabihan mo ako ng ganun. Pero in fairness ah, gumagaling na ang acting skills mo. Tamang-tama, pwede ka na bigyan ng sarili mong palabas bandang 3:30 ng umaga dahil wala naman nanonood ng TV nun. Hehehe.
My goodness, in a span of one week (that includes, colspan, tilespan, peterspan, etc.), naging black to violet yata ang kulay ng balat ko. As in, para akong tasty na nilagay mo sa oven toaster for 15 minutes. Siguro, nakikita na lang ako ngayon sa tuwing ngingiti ako dahil yun na lang yata ang visible part ng katawan ko.
Pero at least, mas naging in touch ako sa aking roots. Mas na-feel ko kung saan ako nanggaling, na African-American na Pilipino pala ako (klaro, di ba?). Pero, mas preferred ko ang term na”Blackanese” dahil mas black pa yata ako sa uling ngayon at dahil challenge para sa akin ang idilat ang mata ng katulad ng ginawa ni Teofisto Guingona sa impeachment trial noon. Hehe.
Minsan pa nga, paggising ko, kinakapa ko pa ang higaan ko para mahanap ko kung nasaan ako. “Lawrence, nasaan ka na! Hindi kita mahanap! Bakit naman kasi pumayag ka maging human solar panel? Magpakita ka na, please.” At ayun, kapag nakapa ko na ang katawan ko, makikita ko na ang aking sunog na mukha at maaalala ko na naman ang aking mga ninuno at tumutugtog na lang sa isip ko ang “Return to Innocence” ng Enigma (Hay, hay, hay, huwahaydehay! Hehehe)
Pero kahit ganito ang nangyari sa aking epidermis at kasing-itim na yata siya ng usok sa tambutso ng mga kolorum na bus, masaya naman ako sa nagdulot nito. May mga nakilala akong bagong kaibigan, may mga nakausap akong mga tao at may kumuha sa akin bilang cast ng “Bikining Itim 3” kaya lang tinanggihan ko dahil ako daw ang magiging bikini. Hahaha.
Kaya ngayon, hindi na ako makapag-hintay na mag-Sabado tuwing linggo. Sabi nga ng pelikula ni MIkee Cojuangco na may pirmang may kabayo sa dulo (at maraming nagsasabi na in honor of Richie D’ Horsie daw ang kabayong iyon. Hahaha) at ni Janno Gibbs, I love you Sabado! But on the other side of the green green grass of hope, nakahanda na rin ang isang dosenang Likas Papaya soap, isang dosenang CY Gabriel at isang dosenang Bioderm soaps na gagamitin ko sa pagligo matapos magpa-barbecue sa ilalim ng araw. Kukuskusin ko talaga ang balat ko hanggang sa mamuti or malapnos na siya. Hahaha.
At dahil nakikita ko na ang epekto ng sinag ng araw na inaakala ng mga pumunta sa aparisyon ng Agoo noon na sumasayaw, isang bagay ang palagi nang kasama sa mga staple stuff ko: sunblock. Panahon na para proteksyonan ang balat ko na kasing-tigas ng chicharon. At kailangan ko gawin to bago pa ako tanungin ng nanay ko na “Anak, napaka-martir mo naman, sino na naman ang bumugbog sa iyo at punung-puno ka ng pasa.” Hahaha.
Kaya lang, napaisip ako, effective ba talaga ang sunblock? As in kapag pinahid mo siya sa iyong skin eh hindi na magiging concubine ng mga sinag ni haring araw ang balat mo? As in mapapanatili mo ang kulay ng balat mo bago ka pa bumilad sa araw? At as in maiimprove ba nito ang kulay ng kili-kili mo kagaya ng Magic Cream na gawang intsik?
For that, hindi lang sunblock ang solusyon para sa sunburn. Marami pa tayong pwedeng gawin para masiguro na hindi tayo iitim. Pero bago niyo gawin ito, i-hack niyo muna ang Friendster account o blog ng crush niyo at baka naman type niya ang someone na may dark complexion and 62 million pesos. Hahaha.
1. Magpasemento ka na lang ng buong katawan kagaya nung sa mga batang pasaway na nababalian ng braso dahil lumambitin sila sa mga monkey bars sa ibabaw ng Mount Apo. Eh madulas yung monkey bars kaya ayun, nalaglag sila. Ah basta yun. Ewan ko na lang kung mapapasok pa ng araw ang balat mo niyan. Mag-ingat lang dahil baka pagkaguluhan ka ng mga archeologists dahil mukha kang mummy. Hehehe.
2. Kung sakaling mabigatan ka doon, eh di magsuot ka na lang ng mga thermal jacket na ginagamit nila What’s up Joe tuwing tag-lamig. After that, mag-sunbathing ka by noon time sa beach at dahil na rin dito, hindi mo na kailangan gumamit ng Siluet 40 o ng Sauna Belt para pumayat. As in, maliligo ka talaga sa sarili mong pawis at posibleng maging extra small size ka na (from xxxl. Hehehe), in an hour. Hehehe.
3. Gayahin natin yung style ng mga tricycle driver. Baliktarin natin ang pagsuot ng mga jacket natin para yung likod ang nasa harap. Ayon sa US Lab Tests, mapipigilan nito ang pagpasok ng sun rays sa iyong balat pero humanda ka nang matawag na “jologs” ng iyong mga kaibigan (as in, nakalagay din sa findings yan. Hehehe). And as for your back, punuin mo na lang ng Salonpas at protektado ka na.
4. Huwag ka lumabas ng bahay. Ito na siguro ang pinakaobvious na paraan upang labanan ang araw. Pero, huwag mo rin kakalimutan na sindihan ang mga ilaw sa bahay niyo kapag madilim na dahil baka sugurin ka ng mga kabarangay mo na may mga dalang sulo dahil aakalain nilang vampire ka. At kung bibili ka man sa tindahan, abangan mo na lang yung kapitbahay niyo kung bibili siya at magpasabay ka na lang.
5. In connection to number four, maging witness ka sa isang malaki at karumal-dumal na krimen. Kahit ilagay ka pa sa Witness Protection Program, matatakot ka pa rin lumabas dahil baka may mamang may dalang baril na tatapos sa buhay mo or umaali-aligid na si Carlo J. Caparas sa labas ng bahay niyo dahil gusto niyang gawing pelikula ang buhay mo.
6. Of course effective na paraan ang paggamit ng payong sa tuwing lalabas ka. Pero magagawa mo pang mas effective ang weapon na ito. Paano? Eh di tahian mo ng mga tela yung mga dulo ng payong! Oh di ba, para ka lang may kortina sa tuwing naglalakad ka. At kapag sinuwerte ka, aakalain pa nilang may some royal highness na naliligaw or tumakas sa marangyang buhay dahil gusto niyang maging ordinaryong tao tulad ng ginawa ni Dayanara Torres sa “Basta’t Kasama Kita”.
7. Para sa mga babae, have a summer fling with a bouncer. Sa laki ng katawan nun eh baka umatras pa ang mga UV rays kapag aatake na sila sa iyo. Or kung tumuloy man sila sa kanilang pagsalakay eh mababasagan lang naman sila ng mga bote ng beer at matitilapon lang naman sila sa mga salamin ng beerhouse. Hahaha, very pinoy action movie! Kung tutuusin, baka well-defined chest pa lang niya courtesy of Eumorpho Gym eh protektado ka na. Hahaha.
8. Magsuot ka ng salakot. May magagawa din naman ito upang ma-block ang sun rays pero I suggest na magpagawa ka na lang ng salakot na nasa Aparri ang isang dulo at nasa Jolo yung kabilang dulo (at papinturahan mo ng logo ng Eat Bulaga ito tutal mula Aparri hanggang Jolo naman siya. Hahaha). At sa laki ng salakot na yan, ikaw at buong sangkatauhan na ng Pilipinas ang protektado. Daig pa nito ang mga over-priced waiting sheds ng mga politiko na ginagawa naman “lover’s lane” tuwing gabi. Hahaha.
Hmm, gawin ko kaya ang mga yan? Pero alam niyo, kung tutuusin, sino ang gustong makipag-tuos? Hahaha. Pero hindi nga, malapit naman na matapos ang summer at kapag tag-ulan naman eh hindi ko na magagawa ito. So, ano kaya kung hayaan ko na lang ang nangyayaring ito. For that, kung tuluyan na akong mawala sa paningin niyo dahil nognog fatale na akembang, maghanap ka lang ng life-size uling na naka-damit at ako na yun. Hehehe.
Babushka Major!
Mayo 5, 2008 at 5:18 hapon
Mabuhay ang mga natututong na miyembro ng Team Sunburn Garden! ahaha.