Noong isang araw, dala ng kabagutan sa buhay dahil walang friends na nagsha-share ng love problems sa akin, nanood ako ng TV. Grabe, ang tagal na lang bago ko ulit nagawa yung uupo ka lang sa sala (or hihilata sa sofa), kakain ng popcorn o cornick, iinom ng something except Muriatic Acid at manonood lang ng TV. Kaya habang ginagawa ko yun, oh my gosh a tear fell. Hehehe.
Kaya lang, walang nagbago sa mga palabas sa TV. Nandiyan ang mga news program na para bang bawat ulo ng balita eh may salitang “patay” sa dulo. For example: “Pagsabog somewhere, tatlo patay!” or “Patrick Garcia, nahuli ni Jennylyn na may kalaguyo, patay!” Sobra na lang ang obsession natin sa death anez? For that, no wonder naging box office hit noon ang mga massacre films ni Kris Aquino. Hehe.
Tapos, nandiyan din yung mga telenovela na though umikli na ang mga storya (mula sa dating two and a half years at lahat na yata ng anggulo eh na-expose na) eh ganun pa rin ang atake: may love team, may bida at may kontrabida. Hmm, bakit hindi kaya nila i-try na ang bida at kontrabida ang love team? Or bakit hindi natin i-try gawin bida si Flora Gasser at si Mark Herras ang katambal niya. Jusko ah, baka pati si Mama Flora eh patusin niya. Hehehe.
Pero noong medyo nagtagal na ang panonood ko, napanood ko ang bagong American Gladiators. Gosh, tumugtog talaga sa utak ko ang “It’s All Coming Back To Me Now” ni Celine Dion sa utak ko noong napanood ko yun kasi naaalala ko pa ang unang henerasyon ng nasabing palabas. At oo, meron din akong lunchbox ng ganun dati at iniyabang ko na lang sa lahat ng kaklase ko noon yun (kahit hindi nila kilala kung sino ang mala-statuwang katauhan na iyon).
Well, maraming bagay ang na-retain mula sa orihinal na A.G. Una, nandiyan pa rin ang mga gladiators na sa sobrang defined ng muscles eh iisipin mong inukit lang sila nila Michaelangelo at Raphael (at tanga ka na lang kung iisipin mo na yung mga members ng Teenage Mutant Ninja Turtles ang umukit sa kanila) or sa 24 oras ng isang araw, 23.5 ang allotted sa Slimmers World. Oo, doon na rin sila kumakain ng sinigang na triceps, pinaupong biceps at pritong quads. Shocks cannibals! Hehe.
Siyempre, meron din events na ni-retain (events, retain, English yun ah! Pa-chisborger ka naman! Burger, burger! Hehe) mula sa sinaunang American Gladiators. And in terms of the kasuotan (Aba, and in terms? English yun ah! Lasing ka na! Toma, toma, toma! Hehehe) ng mga gladiator, hindi na sila mukhang American flag na nasa flagpole. Instead mukhang Hope, Winston, Marlboro at Bowling Gold na yata ang sponsor ng outifit nila kasi parang tadtad na lang siya ng mga palara ng yosi. Hehehe.
At ang hosts, huwag ka, si Leila Ali (hindi ako sigurado dito) at si Hulk Hogan lang naman. Pero Hulkamaniacs, huwag kayong umasa na pupunitin ni Hogan ang damit niya at gagawin niya ang famous “Let Me Hear Some” move niya. As in, iniinterview niya yung mga contestants. But then again, mas maganda kung biglang eepal si Jake the Snake Roberts o si Andre the Giant para gulpihin siya. Haay, very WWF!
Pero I must tell you, nag-enjoy pa rin akong panoorin siya. Ewan ko ba kung sadista ako pero the pain is good (but we need cash). Hehehe. At isa pa, may magandang lady gladiator doon. Siyempre, well defined ang kanyang body at ang kanyang fez. In short, nadala niya ang LaMesa Dam noong nagsabog ng biyaya ang Panginoon sa atin. Hehe.
Kaya lang, mas maganda pa rin kung may Pinoy flavor ang palabas na ito para mas marami ang maka-relate sa show. And for that, heto ang proposal ko (a thesis proposal, perhaps? Hehe) para sa pinakabagong show na aantig sa inyong cranium at metacarpals at mapapasigaw ka na lang ng “Napakasakit, Kuya Eddie!” dahil sa sobrang brutal: ang Pinoy Gladiators!
- The Gladiators: Mga suki ng Slimmers World, Gold’s Gym, Eumorpho Gym, etc. Pwede din yung mga dating stuntman sa pelikula o TV at pati na ang mga Star Dancer sa Gigolo at Bang Bang Ali. Hehehe. Magkakaroon ng audition para sa part na ito pero hindi enough na maganda ang physique mo at malakas ka. Kailangan may talent ka rin sa singing, dancing at acting dahil once a month eh may “Pinoy Gladiators: the Musical” kung saan may production number ang mga gladiators kasama ng VIP Dancers, Solid Gold, Whiplash at Bayanihan.
- Referee: Maghahanap pa ba tayo ng ibang reperi bukod kay Referee Felipe Tauro. Yes, that referee na sumikat dahil sa kanyang expression na “Puwisto!” at lagi na lang siyang may suot na red at blue na wrist band para siguro malaman kung ano ang left sa right. Hehehe. Kaya lang, hindi natin alam kung nasaan na siya ngayon. Baka pafishing-fishing na lang siya sa karagatan dahil retired na siya or na-diskubre niya ang steroids at plastic surgery at siya na lang naman ngayon si Lebron James. Hehehe.
- Event Number One – Bayo-man: Isang event kung saan masusukat ang lakas ng ating competitors sa pagbayo. Pero imbes na bigas lang ang kanilang babayuhin, diamante ang kanilang babasagin. And for that, good luck na lang sa pagbasag niyan ah. At kung inaakala niyo na diyan nagtatapos ang event, nagkakamali kayo. Kasi, habang bumabayo ka, tumatalak ang biyenan mo sa tabi mo. Wow, talk about pressure. Hehehe.
- Event Number Two – Jeep-y Jeep-y Gum is a Bubble Gum: Sasabit ang ating mga contestants sa isang jeep papuntang Cogeo o Binangonan na tumatakbo sa bilis na 275 kilometro kada oras, hilaga silangang kanluran ng Basco, Batanes. Sa una, sila lang ang nakasabit. Pero sa pagtagal ng event, may mga nakikisabi na sa kanila: mga trabahador, mga takatak boys, mga batang walang pambayad, mga mandurukot at ang mga gladiators kaya siksikan na lang kayo doon. Of course pwedeng magpahinga kapag traffic at kapag suko ka na, don’t forget to “Pool D Streng 2 Stuff”. Hehehe.
- Event Number Three – Floor Exercise: No, hindi ito ang floor exercise na mapapanood niyo sa mga gymnastics competitions. Hello, ito kaya yung paglilinis ng sahig gamit ang bunot, walis tambo, dustpan at floorwax. At ang lilinisin nilang sahig? Medyo madali lang naman, yung mga sahig ng Mall of Asia, ba? Pero hindi yan ang catch! Inuuga ng mga gladiators ang mga sahig para mahirapan bumalanse ang mga contestants.
- Event Number Four – All of the Above: Simple lang. Kapag sinabing “Event 1”, yun ang gagawin. Kapag “Event 2”, eh di yun and so on. Pero kapag sinabing “Event 1 and 2, sabay”, kailangan magawa ng contestant na bumayo habang nakasabit sa jeep. At dahil medyo mahirap sabihin kung sino ang mananalo sa event na ito, dadaanin na lang ang judging sa palakasan ng palakpak. Hehehe.
- Hosts: Dahil si Hulk Hogan ay isang retired wrestler (teka, nag-retire na ba talaga siya? Hehe), why not yung mga dating wrestler ng Pinoy Wrestling na lang ang gawin hosts. Take your pick: Roboto, Zorro, Sultan Bato, Bruno Brusco, Smokey Mountain Brothers, Bakal Boys, Kamikaze Kid, Joe Pogi and many many more. So bring home the excitement, go to R.A. Homevision at Cash and Carry, Makati. Hehehe.
Ayan, kumpleto na ang proposal ko! Kaya lang, kaninong channel ko naman ibibigay ito? Hmm, masyadong showbiz kapag ABS-CBN at GMA. Sa ABC 5 kaya? RPN? IBC? QTV? UNTV? Studio 23? NBN? ESPN? Aha, alam ko na! Ita-tape ko yung buong show at ididistribute ko sa dalawang tao. Tapos yung dalawa, ibebenta nila sa dalawa pang tao. Tapos yung apat na yun, ibebenta ulit ang kyeme sa tig-dalawa. Oh di ba, parang Forever Living lang! For that, game, sali ka sa pyramid na sinimulan ko. May orientation tayo sa Jollibee Baseco Compound ng alas-dos ng hapon bukas. Bring paper, ballpen and yourself. Hehehe.
Babushka Major!
May 10, 2008 at 6:18 pm
I can’t believe you still remember those defunct names and titles (eumorpho? whiplash? r.a. homevision?). Ahahahaha. So 80s. Can’t help but feel old (and senile). Nice entry.
May 10, 2008 at 11:21 pm
thanks, ge (pwede na ba kita tawagin ng ganun? Hehe)
and um, masarap lang sariwain ang nakaraan kasi. kakaiba ang memories na ibinibigay nila. Hehehe.
and nga pala, spread the word about my blog po ah. Maraming salamat.
May 11, 2008 at 12:34 am
pwede na, chova. hahaha.
and um, buhay pa ba ung eumorpho gym? hekhekhek.
alam mo… hindi ako nagkulang sa pagspread ng word about your wackyfunnywonderful blog. kaya lang yung mga friends ko, ewan ko, hindi sila mahilig magbasa. ang hilig lang nila ay uminom, magyosi at uminom. ako lang ang masipag magbasa. hahaha. e yung blog ko nga hindi nila binabasa e!
May 13, 2008 at 12:12 am
hindi ko lang alam kung buhay pa ang eumorpho or fitness first na siya ngayon? hahaha.
at tsaka, kung ganun, ill post some pictures of booze and yosi here. hahaha.
anyhow, thanks for the help.
May 13, 2008 at 3:08 pm
ayan, nilagay ko sya bilang shoutout sa friendster ko. ok ba. hahaha.
ayon sa pagsasaliksik ko, ang eumorpho gym ngayon ay slimmers’ world na. yun lang. hehehe
May 14, 2008 at 12:19 am
wow, for more publicity. salamat ng marami. hehe.
at talaga, yun na pala ang nangyari sa eumorpho. eh teka, ano kaya ang ibig sabihin ng eumorpho ano? hehe.
May 14, 2008 at 1:20 am
eumorpho (noun)- *from the Gr. origin “eu” (pronounced as yu) meaning “you” or “ikaw” + morpho, meaning “to morph” or “to transform”; in short, sa kakagugol mo ng panahon sa gym nila… you either morph into an arnold scwarzenigga look-alike or some other deranged steroid-induced animal like a bull. or a bear. or a goat (na-overdose sa detoxification).
*gawa-gawa ko lang to. hahaha.
chika ko lang ung slimmers’ world. tawagan mo si ka-gerry (ating alamin) kung ano nangyari sa bonggang gym nya.
May 17, 2008 at 3:00 pm
nice blog! keep it up chorvalyn! mabuhay ka!
May 26, 2008 at 5:49 pm
wow, slimmer’s na siya? uy, tanong mo dun sa friend natin na marketing executive ng slimmer’s kung totoo yun!