“Puchik, puchak, puchik, puchak!” “A clap, clap, clap, A clap, clap, clap” “Smile, a smile a smile na yan!”
Yan ang naging soundtrack ng buhay ko isang hapon dahil dumalo ako sa unang kaarawan ng twins na anak ng isang kaibigan ko. Kahit sino na lang ang makakita nila eh parang sinasapian ng kung anu-anong espiritu at yun na lang ang nasasabi nila. Parang wala nga silang problema sa pera, pagkain, bigas at kulubot sa noo eh. Parang hindi nila kailangan ang botox sa buhay nila kahit na parang trenches na ng militar ang itsura ng noo nila. Hehehe.
At dahil pambata ang okasyon, sinama ko ang mga pamangkin ko na nagbabakasyon sa amin. Tatlo sila. Yung isa kamukha ni Precious Hipolito, yung isa kamukha ni Angel Locsin (ayon sa kanya yun pero hindi pumasa sa first reading ng Kongreso ang proposal niya. Hehehe) at yung isa eh kamukha ni Ashiya Mizuki ng Hana Kimi. Hehehe.
Kaya lang, hindi nagmukhang birthday party ng bata yung event. Oo, may iilang bata na dumalo. Oo, may pabitin na gawa pa sa PVC pipes at yero strips (Hehehe) at may give-aways na nakalagay sa kiddie bag na afterwards eh ginagawa din sukaan ng bata kapag nahilo sa biyahe (that is in the absence of dalanghita or White Flower, of course. Hahaha) pero mas maraming matatanda or mga amiga ng lola ng mga bata ang dumating.
At sa lahat ng mga seasoned people na malamang eh groupie ni Eddie Peregrina noon, nakilala ko yung isang lolo ng mga nag-birthday na close friend ni Lovely Rivero. Oh di ba, sa isang gabi lang, 3rd degree friend ko na si Mama Lovely. Oh how lovely that set up is. Hehehe. At kung nagtataka kayo kung paano sila naging friends, well it all started with seafoods. Hehehe.
And speaking of foods, mawawala ba naman sa mga bertdey yun? Nanghihinayang nga ako at wala akong dalang Tupperware noon dahil sobrang dami ng lapstergate, bakla! As in, yung mga left-overs yata eh kakasya na sa mga taong nangangailangan ng relief goods sa Myanmar at China. Hehe. At ang menu ng handa nila, heto: Spaghetti (na may two variants, may cheese at wala. Hehehe), Puto, Bico, Barbecue, Fried Chicken, Pinaupong bayawak, Pritong paa ng palaka, Sinigang na tenga ng daga at sushi na caviar ang filling! Hehehe.
At dahil mas maraming tandercats marie ang shumutak sa berdamst, hindi maiiwasan na may toma at kung anu-anong alcoholic drinks na nakahanda sa table. Nandiyan na yung may Emperador, Alfonso I at siyempre, beer. Yung Empy at Alfonso eh pinatumba noong mga bisita na dumadanas na ng middle age crisis samantalang naiwan sa amin ng tatay ng mga nag-bertdey (27 years old na siya) yung San Mig Light.
Nandun kami sa ilalim ng buwan at mga poste ng kuryente, inuubos ang isang case ng beer at nag-uusap tungkol sa buhay, sa NBA at sa Playstation Portable na para sa kanya eh status symbol ng isang nilalang sa mundong ibabaw. Simply put, kapag may PSP ka daw, mayaman ka na. Hehehe.
Na-feel ko na matanda na ako habang kausap ko siya kasi nga naman, pamilyado na siya. Karamihan ng napag-usapan namin eh yung mga tipo ng dini-discuss sa “Moms” nila Mane, Ate Lani at Sherylyn. At na-feel ko rin na parang kausap ko lang si Anjo Yllana dahil kamukha niya ang dating vice-mayor. Gusto ko nga sanang ipagaya sa kanya yung Tikboy character ni Anjo at kakanta na lang siya ng “paa, tuhod, balikat, ulo!” Hehehe.
Marami siyang hinaing sa buhay. Kung ililista lang lahat yun eh mauubos ang phone-in question segments ng “Damayan” at “Kapwa Ko Mahal Ko”. Pero ang maganda doon, itinuturing niyang biyaya ang mga anak niya. Gaano man kahirap ang buhay ngayon, pinipilit niyang kumayod para sa kanila. At para sa mga nais magpagpag ng kanilang mga emosyon, if you need a shoulder to cry on, pwede huwag na yung akin. Hehehe.
At nasabi din niya na dahil sa kanila, maganda ang buhay niya. And speaking of maganda, aba it’s time for the long-awaited next volume of SOGOH (Scene of Ganda Oh-peratebs!)
41. Haggardo Versozang maganda – Hindi po siya yung maganda na kamukha ni Gardo Versoza (or magandang kasing-maskulado ni Machete. Hehehe). Ito yung gander mae na parang mas nagiging blooming pa ang appeal kapag mukhang haggard siya. Siya yung girl na matapos gawin ang mga chores niya, chores ng kapitbahay niya at chores na pinagawa sa kanya ni Barangay Chairman eh mukha na siyang lukot na Manila Paper. Pero, may something pa rin sa kaguluhan na ito na nagpapaganda sa kanya. Dugyot man siya tignan pero kapag sinabi niya na “mahalin mo ako” eh baka dumiretso na kayo ng civil wedding. Hehe.
42. “Peace be with you” na kagandahan – Ito naman yung gumaganda dahil mahinhin siya gumalaw at kahit pagnakawan mo siya ng kubra niya sa jueteng collection eh hindi siya magagalit sa iyo. Parang kaibigan niya ang lahat pati na ang mga pinggan na hinuhugasan niya at ang mga damit na nilalabhan niya. Kung baga, kapag nakipag-peace be with you ka sa kanya sa misa, may beam of light na tatama sa ulo niya at may dove na bababa mula sa langit kaya mahihiya ka na lang na hindi sumagot ng “peace be with you”.
43. Elle Woods – ang kategoryang ito eh para lamang sa mga magagandang abogada, either maganda talaga sila or gumaganda sila dahil sa kanilang damit na pinagawa pa nila kay Patis Tesoro or binili nila sa Landmark. Hehehe. Or, pwede din na gumaganda siya dahil sa ganda ng pagdedeliver niya ng mga tanong, argumento at objection. At sa tuwing may kaso siya, hindi lang pamilya, friends at relatives ng kliyente ang nasa side nila ng korte kung hindi ang mga groupies niya. Nariyan ang “Forever Attorney”, “The Darlings of Attorney”, “Superfans of Attorney” at “Attorney Rose Gayda” (Huh!? Hehehe)
44. Magandang pag-alayan ng any-any – Simply put, siya yung maganda na may angelic face. No, hindi ibig sabihin na may pakpak sa mukha niya. Basta, angelic. Kung sakaling buhay pa ang tatlong mago ngayon at nakita nila siya eh susunod sila. At kung makasama man siya sa mga billboard sa Guadalupe eh asahan mo na may mga nakapalibot na mga bulaklak, religious artifacts at mga manang na nagdadasal sa fez niya everyday. And for that, hindi malayong yumaman siya hindi dahil sa pag-aartista kung hindi dahil pwede siyang magtayo ng sarili niyang relihiyon.
45. Beauty and the beast – Espesyal din ang category na ito para doon sa mga merla bautista na may jowowie de guzman, boa constrictor at asawa na. Una, kailangan mong tignan ang husband/boyfriend/S.O./honey/sweetie/ sweetheart/glucose (dahil puro matatamis na lang ang tawagan. Hehehe) etc. Tapos, tignan niyo siya. Kung parang napag-iwanan ng ebolusyon ang mister or ka-relasyon niya, ayun, para lang silang si Belle at si Beast. Lagot ka na lang kapag na-gets nila kung bakit ka kumakanta ng “Tale as old as time…” sa harap nila at baka kainin, este sigawan ka nila. Hehehe.
Ayan, limang bagong kategorya ng kagandahan na naman ang sumainyo kahit wala pang basbas ni Mama Ricky Reyes at lahat ng miyembro ng PhilHair ito. Abangan niyo ang next volume ng ating SOGOH! At siya nga pala, pasensya na kung medyo natagalan ang aking pag-uupdate ng aking blog. Naputol kasi ang mga kamay ko at nagpakabit pa ako ng prosthetic na kamay eh kaso, nabulok yung mga prosthetic na kamay kaya pinatanggal ko ulit kaya naghanap na lang ako ng magta-type para sa akin kaya lang tawa lang siya ng tawa habang dini-dictate ko sa kanya ang itatype niya at hindi ko na lang alam kung saan pupunta ang storya ko. Hehehe.
I’m back.
Babushka Major!
Mayo 21, 2008 at 6:29 hapon
LOL@ “Kung parang napag-iwanan ng ebolusyon ang mister or ka-relasyon niya”
chova… WINNER ka talaga humirit!
Mayo 22, 2008 at 12:21 umaga
salamat sa papuri. keep on reading.
at sana by this time eh nakasabay na sila sa ebolusyon. hahaha.
Mayo 25, 2008 at 6:28 hapon
i-market mo kaya yung talento mong ito. sa tingin ko yayaman kaa.
Mayo 26, 2008 at 6:08 hapon
oo nga. timba-timbang barya ang inaani niyan everytime nagkikita kami. hehehe.
Mayo 29, 2008 at 11:30 hapon
so, paano ko imamarket to? hehe.
Hunyo 2, 2008 at 11:08 umaga
ang galing-galing. mag-Japan ka Lawrence. maraming market dun. hahaha.
pero go market it.