The 'Thank You' Girls postcard

Charliebebs Gohetia.

Hmm, the name rings a bell (ring, ring), hello! Oo mamaya na tayo magtatanan, 7 pm sa may plaza ang kitaan. Ok. Bye. Mwah!

Ok, so nasaan na ulit ako? Ah, Charliebebs Gohetia. Pamilyar ang pangalan na yun eh.

Ah, siya yung some seasoned classmate ko sa isang subject sa UP Diliman College of Mass Communication noon. And yes, pinabangong term lang ng matanda ang seasoned. Hehehe.

Sa pagkaka-alala ko, “Tseh!” ang favorite expression niya (at madalas eh yun ang pambati niya sa akin na tila pamalit ng “good morning”. Haha).

Minsan, sumasagot ako pabalik ng “Tseh ka rin!”. Pero kapag naipalabas na siguro ang kanyang pelikulang “The Thank You Girls”, may karapatan pa kaya akong sumagot pabalik?

Bakit? Kasi siya lang naman ang direktor at manunulat ng posibleng maging isa sa mga pinakanakakatuwang pelikula sa kasaysayan ng industriyang ito.

Oh ano, nagulantang kayo sa sinabi ko ano? Kaya malamang, itatanong niyong susunod eh, ano ba ang “The Thank You Girls na yan?

Ito ay isang pelikulang Bisaya na may halong wikang bading.

Umiikot ang storya ng pelikula sa limang bading na beterano na pagdating sa mga patimpalak ng kagandahan sa lungsod ng Davao.

Dahil hindi na nila matanggap ang kanilang sunod-sunod na pagkatalo sa nasabing lungsod, pumunta sila pa-norte sa lungsod ng Cagayan de Oro sa pagnanais na mapanalunan ang mga pinaka-prestihiyosong patimpalak ng kagandahan sa nasabing lugar dahil bilang taga-lungsod, iniisip nila na walang sinabi ang mga taga-probinsiya sa kanila.

At sa tinagal-tagal ng kanilang mga pakikipagtagisan ng kagandahan at talino, malalaman nila na hindi nasusukat sa make-up, mascara, eyeliner, foundation at malulupit na kasagutan sa mga beauty pageant questions ang kanilang estado bilang mga nilalang.

Ok, ok, so parang ma-drama ang storya ng pelikulang ito dahil sa maikling kwento ko. Pero sinasabi ko sa inyo, bagong-bago ang mga nakakatawang eksena at banat ng mga karakter ng “The Thank You Girls”.

Ano!? Ayaw mo pa rin maniwala!? Aber, mabuti pa eh mag-click ka na lang dito para mapanood mo ang trailer ng TYG.

At kung nakukulangan ka pa sa mga chova diyan, puntahan mo na rin ang site na ito.

At kung gusto mo maging kaibigan, ka-close, kainuman ng kape at maging mentor ng gay lingo ang direktor ng pelikula, bakit hindi mo bisitahin ang blogsite niya. Huwag niyo lang sabihin na “3″ na ang first number ng edad niya. Hahaha.

At kung inaakala niyo rin na rookie pa itong si Bebs, puntahan niyo na rin ang site na ito para malaman niyo ang mga nakaraan at mga susunod na proyekto niya kasi malamang eh maging fans kayo niya (tama ba statement ko? Hehehe)

Tapos, sabayan niyo na rin nito for more.

Oh ano, sulit ka na? HIndi ka na makapaghintay sa showing ng TYG ano?

Ako rin eh. Hehe. Kaya samahan niyo akong manood ng premiere ng TYG sa Agosto 28, 2008 sa UP Cine Adarna (dating Film Center) sa ganap na 7 pm. Magkita-kita na lang tayo doon ha.

At dahil diyan, Charliebebs Gohetia, bago pa man dumating ang araw na hindi ko na maabot ang bituin mo, pagbigyan mo na ako sa sasabihin ko (dahil baka ito na ang huling beses na masasabi ko ito):

“TSEH!…saludo ako sa iyo!”

2 Tugon to “Magpasalamat tayo…dahil nandito na ang “The Thank You Girls””

  1. dam-dam ay nagsabing:

    grabeeeeeeeeeeeeeeee…

    seasoned ka dyan! tseh!!!

    ngayon ko lang nabasa itong entry na’to! tsweh uli! haha.

    salamat salmaat salamat!!! tsweh!

    august 28, 2008 up cine adarna, 6:30pm ang premiere night. kitakits! tsweh!

  2. nicol ay nagsabing:

    hi nako bkit na wala ang kilngan ng tao nagagalit naako hehehehehehe ……………….joke lang yon ha hahahahahahahaha

Mag-iwan ng Tugon